RYLP 17

111 4 0
                                    

Chapter 17

Inayos ko ang pagkasukbit ng aking bag saaking balikat. Medyo punit na kasi ang tahi kaya maluwag na, ilang taon ko na ba itong gamit? Simula ata pumasok ako sa eskwelahan dito sa Astalièr ito na ang gamit ko. Hindi naman ako nagrereklamo, buti nga at binilhan pa ako nila Nanay.

Pinunasan ko ang pawis na tagaktak sa aking noo, ala singko na ng hapon at hindi pa ako nakakauwi. Four thirthy ang uwian namin, pero dahil naglalakad lang ako simula eskwelahan hanggang bahay, inaabot ako ng oras kung hindi ko bibilisan ang paglalakad. Tulad ngayon, wala naman akong gagawin paguwi dahil magpapahinga rin daw muna sila Tatay. Kaya ayos lang kung matagalan akong umuwi.

Ang problema lang ay napaka init ngayon. Kaya naliligo na ako ng pawis. Humangin ng malakas, dahilan para mag tunugan ang mga hampas ng dahon sa matataas na puno. Nag laglagan pa ang mga iilang dahon sa kalsada. Huminga ako ng malalim at ninamnam ang simoy ng hangin.

Pamilyar na pamilyar na ito sa akin. Ang hangin, amoy nito. Ang paligid at lugar. Ilang taon na ba ako rito? Second year na ako ng highschool, at pitong taong gulang ako nang dumating ako dito.

Matagal-tagal na rin. Kaya alam ko na ang pasikot-sikot sa lugar. Dahil sa araw-araw na paglalako namin ni Nanay, kilala ko na rin ang mga nakatira rito. Alam ko na rin ang mga dapat at hindi dapat puntahan. Parang nasa utak ko na ang mapa ng Astalièr. Pag may turista nga dito, sumasama na akong mag guide. Dagdag kita rin para sa baon ko.

Pasasalamat ko na rin na hindi ako sinisingil nila Nanay at Tatay sa pagpapakain nila sa akin. Kahit na alam nilang may pera ako, hindi naman nila kinukuha.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, bago pa ako abutan ng dilim. Habang naglalakad na ay bigla akong napa hinto muli nang tawagin ako ni Aling Tanya.

"Lyra!" sigaw nito mula sa loob ng bakuran nila. Nakatayo siya sa labas ng pinto, ilang dipa pa bago sa kahoy nilang bakod.

"Po?" sigaw ko pabalik.

"Buti nakita kita, pakisabi lang Manang Tere kukuha ako nung isang balot na gulay! Iyong pinaka malaki!" sagot niya.

"Sige po! Kailan niyo po kailangan?"

"Kahit bukas ng maaga, may paghahandaan lang!" natutuwa niyang balita, kumunot ang noo ko.

"Sino po? May birthday ba?" kuryuso ko, malayo pa naman ang kaarawan ni Nina, ang anak niya.

Umiling-iling siya at iwinaski pa ang kamay. "Hindi! May salo-salo kasi roon kela Governor bukas! Umuwi ulit ang mga apo niya, nakakahiya naman dumalo ng walang dala!"

Napa tango-tango ako, pero umuwi? Diba taga rito naman talaga sila? "Iyong lima po? Hindi ba dito sila nakatira?" pagtataka ko, hindi ko sila masyadong kilala dahil hindi naman nagkukrus ang mga landas namin. Naririnig ko lang sila sa mga usap-usapan.

"Pinsan ng mga apo ni Gov! Pero parang apo niya na rin! Mga Tonjuarez!" magiliw niyang saad.

"Dadalhin ko si Nina bukas, baka sakaling matipuhan siya ng isa sa kanila!" kinikilig niyang dugtong, parang tuwang-tuwa pang ibugaw ang anak niya.

Napaawang ang labi ko at tumango-tango na lang. Ang mga tao ngayon, pag yamaman at may itsura, kulang na lang itapon na ang sarili sa kanila. Ano bang pinagkaiba nila? Mga tao lang rin naman 'yon, tsaka hindi porket may itsura mabait na, paano kung masama pala ang ugali? E'di wala rin kwenta ang yaman niya.

"Sige po! Ihahatid ko na lang rito ang gulay!" paalam ko na at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Salamat Lyra!"

Nakauwi na ako sa bahay, mabuti at hindi pa lumulubog ang araw. Nadatnan ko si Nanay na may rerepak na ng mga gulay sa supot. Hinubad ko ang makapal na sapatos, bago pumasok sa loob. Inilapag ko ang bag sa upuan bago lumapit kay Nanay para mag mano.

Ray of Light in Paradise (Tonjuarez Series III)Where stories live. Discover now