CHAPTER 6

617 16 8
                                    

Kale

Paglabas ni sierra sa sa classroom nagsilapit sakin ang mga kupal kaya medyo napaatras ako.

"Dude pinsan mo pala yon? ang tapang" nagmamanghang tanong ni khalil

"Oo nga nagulat nga ako at nabugbog niya ng ganon si trav. tsk tsk kawawang trav" saad ni ethan may pa iling iling pa ng ulo.

"Pano mo siya naging pinsan kale?" tanong ni max

"Seryoso ba yang tanong mo max huh?" tanong ko pabalik eh kasi naman nakakabobo ang tanong niya

"Mukha ba akong nagbibiro kale carter?"sagot niya

"Okay fine. pinsan ko siya sa mother side.siya din ang pinaka close ko sa lahat kasi you know pareho kaming pasaway sa angkan kaya kami lagi ang magkasama" sagot ko sa kanya napatango tango naman siya ganon din ang iba.

"Pero pano siya natutong makipag laban?" tanong naman ni archer

"Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sainyo 'to"

"Sabihin mo na wala naman kaming pagsasabihan.You know us kale kung anong nalaman namen dito sa classroom mananatili dito yon." Seryosong saad ni elliot.

"Come on dude tell us kahit konting info lang para naman aware kami kung sino ba talaga siya" dagdag pa ni archer kaya napabuntong hininga ako.

"Fine. 8 year's old palang siya tinuturuan na siya ni tito ng martial arts as in lahat ng klaseng martial arts kaya mahirap yang talunin.bali-bali na ang buto mo pero hindi mo pa napapabagsak. kaya mag ingat kayo Maiksi lang ang pasensya ni sierra kaya wag niyong sagarin!" kwento ko sa kanila. "Magaling din siya sa weapons lalo na sa katana dahil yun ang pinaka gusto niyang ginagamit kaya kapag nakahawak siya ng katana lumalayo na kami" dadag ko pa kumunot naman ang noo mga noo nila hindi yata nila nagets yung sinabi ko.

"What do you mean na lumalayo kayo kapag nakahawak siya ng katana?" Tanong ni ethan.

"Minsan kasi nawawala siya sa sarili niya kapag nakahawak ng katana. One time nangyari yun ay nung nag t-training sila ni master kisato pinalaban niya kay sierra ang sampung miyembro ng yakuza at noong una ay okay pa pero nung di sinasadyang napatay ni sierra ang isa sa kalaban niya ay don siya nawala sa sarili niya buong laban ay nakangiti siya na akala mo ay demonyo sinusubukan siyang pigilan ng iba pero lahat ay namamatay. Nang maubos ni sierra ang kalahati ng yakuza clan ay don siya huminto punong puno ng dugo ang katawan niya. Nagkalat naman sa paligid ang hiwa hiwalay na katawan nang miyembro ng yakuza" kwento ko sa kanila.

"Nagalit ba yung master kisato? kasi diba kalahati ng yakuza yon" Tanong ni archer.

"Hindi dahil ang sabi niya ay kasalanan niya raw kung bakit nagkaganon si sierra at meron daw nakapag trigger kay sierra kaya niya nagawa yun hindi niya lang sinabi kung ano or sino" sagot ko.

"Ilang taon si sierra non pre?"


"16 gaya nga ng sabi ko bata pa lang siya ay tinuturuan na talaga siyang makipag laban kaya wala siya masyadong childhood memories or meron pero hindi ko lang alam" magtatanong pa sana sila ng biglang nagsalita si hendrix.

"Enough. let's go to cafeteria" sabi ni hendrix kaya agad naman kaming sumunod sa kanya palabas.



pansin ko lang masyadong tahimik tong dalawa ha. hindi nako magtataka kay hendrix kasi ganyan talaga siya pero si elliot? hmmm bakit kaya?



Pagdating namin sa cafeteria kanya kanyang sigawan at tilian ang mga kababaihan.



Hayy hirap talaga kapag gwapo pinagkakaguluhan.

Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionWhere stories live. Discover now