CHAPTER 13

597 16 4
                                    

Sierra

Nagising ako nang may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko kaya dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. bumungad sakin ang mukha ni jace na bakas ang pag aalala sa mukha nito.nakahiga siya sa tabi ko dahil nakaunan ako sa malaking braso niya.

"Jace nasan ako? " tanong ko dito dahil medyo nanlalabo pa ang paningin ko namimigat din ang talukap ng mata ko.

" Condo " simpleng sagot nito.

" Anong nangyari? bakit ako nandito? " tanong kopa.

" Hindi mo ba naaalala? sinugod ka kanina sa school ng mga underling ni kaito at niregaluhan mo ang mga kaklase mo ng pugot na ulo " ani nito.

oh shoot..

Ngayon ko lang naalala. fvck that yakuza ang lakas ng loob sugurin ako at sa mismong school pa talaga patay nanaman ako kay dad kapag nalaman niya to.

" Pugot na ulo for a gift?, how sweet of you lexine " tudyo niya at ngumisi pa ang loko.

" Tsk. ganti ko lang yon sa pang titrip nila sakin mabuti nga at hindi ulo nila ang tinanggal ko. " sagot ko dito.

" ah jace? " pagtawag ko dito. gusto kong masiguro na hindi niya sinabi kay dad ang nangyari kanina dahil ayokong masermunan nanaman.

" yes? "

" Please don't tell to dad what happened to school, I don't want him to be mad again " pakikiusap ko dito.

please..please...

" Alright if that's what you want ikaw ang boss kaya ikaw ang susundin ko " sabi nito na kinangiti ko ng malaki yinakap ko pa siya ng mahigpit. natutuwang lumayo naman siya ng bahagya sakin bago guluhin ang buhok
ko.

" Okay that's enough, you need to eat" agad naman akong humiwalay sa kanya bago bumangon at dumiretso sa banyo para maghilamos.

Pagtapos maghilamos agad akong lumabas ng kwarto ko at dumiretso sa kitchen. nakita ko namang inaayos na ni Jace ang pagkakainan namin kaya umupo nako sa stool.

" Jace anong oras na pala? " tanong ko dito. nakalimutan ko kasing tignan ang oras kanina sa kwarto.

" 9:45pm kaya kumain na dahil nalipasan kana " nilagyan niya naman ng rice at chicken adobo ang pinggan ko bago siya mag sandok ng sakanya.

Ngayon ko nalang ulit matitikman ang luto ni jace. jace is a good cook kaya nga pinupursue ko siyang ipagpatuloy ang pag aaral niya ng culinary pero matigas ang ulo kaya hinayaan ko nalang.

Swerte ang future girlfriend/wife ni jace dahil perfect package na siya. marunong mag luto, gwapo, mabait, gentleman ah basta lahat ng katangian ng greenflag na lalaki ay nasa kanya. nagtataka lang ako dito dahil ayaw pa mag girlfriend dahil tiyak naman akong habulin din ito.

" Lexine i know I'm handsome but please stop staring at me " biglang salita ni jace. hindi ko alam na napatagal na pala pagtitig ko sa kanya.

"Can i ask? " tanong ko dito. curious lang talaga ako.

"okay."

" How come na wala kapang girlfriend? curious ako kasi gwapo ka naman and mabait so bakit wala pa or baka naman tinatago mo sakin? " pinaningkitan kopa ito ng mata at dinuro siya ng tinidor.

Ilang minuto ang katahimikan bago ito sumagot dahil mukhang nagulat siya sa biglang pagtatanong ko about sa gf thing.

" You're my first priority now lexine that's why " sagot nito.

First priority? so ako pa talaga ang dinahilan niya ha?

"Heh don't lie to me nga " asik ko dito at inirapan.I know naman na totoo ang sinasabi niya but ayokong ako lagi ang uunahin niya.

i want him to be happy, gusto kong sumaya siya dahil maigsi lang ang buhay hindi natin alam kung kailan tayo mamamatay kaya gusto kong makahanap siya ng babaeng papasayahin at mamahalin siya ng buo at totoo.

" I'm not lying lexine, kasiyahan mo muna bago ang kasiyahan ko. kaya hanggat hindi pa kitang nakikitang masaya hindi ako aalis sa tabi mo " seryosong turan nito na ikinatigil ko.

told you he's so green, kaya girls sugod na inyo na si jace.

" But jace I'm happy naman tyaka ayoko namang tumandang binata ka! kaya go find a great girl for you susuportahan kita " umiling lang naman ito sakin bago nagpatuloy sa pagkain niya

i deeply sighed before continue to eat.

i just want him to have a girlfriend na bakit ba ayaw niya? tsk.

Don't tell me...

no gwapo si jace kaya impossible

" u-uhm are y-you g-gay? " utal kong tanong dito. saktong umiinom pa ito kaya nabuga pa niya sa pagmumukha ko ang tubig.

Great.

"f-fuck I'm sorry lexine, but what the fuck? I'm not a fucking gay sierra lexine" seryosong turan niya habang pinupunasan ang mukha ko gamit ang damit niya.

" Okay I'm sorry, eh kasi naisip ko lang na baka ayaw mo mag girlfriend dahil mas gusto mo ng boyfri- OUCH WHAT THE FUCK?! " Naputol ang sasabihin ko ng malakas ako nitong pinitik sa noo kaya napanguso ako habang hinihimas ang noo ko.

" 'Yang utak mo kasi kung ano ano ang iniisip. Ayoko mag girlfriend dahil hindi pa ako handa pumasok sa isang relasyon wala pa akong oras sa mga ganyan ang mahalaga sakin ngayon ay ikaw kaya itigil mo yan at kumain nalang dahil maaga pa ang pasok mo bukas" paliwanag nito.

Kumain nalang ako ng tahimik habang tinitignan siya ng matalim tumatawa pa ito habang umiiling kaya sumama lalo ang tingin ko dito na ikinatigil niya sa pagtawa pero halata namang nag pipigil lang psh.

Natapos na kaming kumain nag presinta pa ako na maghuhugas ng pinggan pero tumutol siya at pinagtulukan pa ako palabas ng kusina kaya wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa kwarto.

Dumiretso ako sa walk in closet at kumuha ng oversized shirt and cotton shirt bago pumasok sa banyo. pinuno ko naman ng tubig ang bathtub bago ilagay ang bath bombs naglagay din ako ng ilang petals.

Hinubad kona ang saplot ko at agad na lumusong sa bathtub.

Kailan kaya matatahimik ang buhay ko? hindi ako pwedeng umalis sa org dahil ako na ang namumuno rito kaya imposible na ang hinahangad ko na tahimik na buhay. ito na talaga ang kapalaran ko simula ng ipanganak ako ni mommy.

Si kuya maraming inaasikaso na business kaya hindi siya ang namuno sa org namin kahit na gusto niyang siya ang mamuno dahil gusto niya na maging malaya at masaya ako pero wala siyang magagawa dahil ipinamahala na sa kanya ni daddy ang ibang business namin.

Parang gusto ko nalang bumalik sa pagka bata yung walang iniisip na problema at puro laro lang ang nasa isip. laruan ang hawak at hindi katana at baril. Manika ang pinaglalaruan at hindi buhay ng tao.sigh

Kung mamamatay man ako at nareincarnate kung totoo nga yun gusto kong mamuhay lang ng simple at ang tanging pinoproblema lang ang mga babayarin sa bahay.

Naputol ang pag iisip ko ng may kumatok sa pinto ng banyo.

" Lex are you there? baka nalunod kana " pagtawag nito at bahagyang tumawa pa. sinagot ko nalang ito bago umahon at magtungo sa shower.

Inabot ko ako ng ilang minuto sa shower at agad na nagpunas ng katawan at nagbihis. paglabas ko sa banyo naabutan kong nakahiga na sa kama ko si jace.

yeah tabi kaming matutulog ganito kami kapag nandito siya sa condo ko at kapag may problema ako tungkol sa org wala naman siyang ginagawa na ikagagalit ko hindi din niya ako binabastos dahil gaya nga ng sabi ko gentleman to at malaki ang respeto niya sakin.

Dati naman hindi kami nagtatabi sa higaan pero dahil madalas akong bangungutin kaya nag decide siyang tabihan ako palagi raw kasi akong umiiyak.

Umupo ako sa edge ng kama pagkakuha ng blower at nagsimula ng magpatuyo ng buhok. Nagulat nalang ako ng kunin niya sakin ang blower at siya na ang nag patuloy na magpatuyo ng buhok ko

inaantok ako sa ginagawa niya dahil bahagyang hinihilot niya ang ulo ko kaya napasandal ako sa likod ng upuan. Ilang minutong ganon ang ginagawa niya hanggang sa diko namalayan na nakatulog nako.

"Good night my lexine"

Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionWhere stories live. Discover now