CHAPTER 9

598 15 0
                                    

Sierra

Pasukan nanaman kaya eto ako ngayon naglalakad papuntang building namin.Sasama pa sana si jace sa room gusto niya daw kasi masiguro na mababait ang mga kaklase ko baka daw kasi binubully ako. as if namang papabully ako.

Pinauwi ko nalang siya baka mag taka pa yun bakit puro lalaki ang kasama ko at bigla nalang ako hatakin pabalik sa condo may pagka OA pa naman yun.

Nandito palang ako sa hagdan ng second floor pero rinig na rinig kona ang  maingay na bunganga ng mga kaklase ko dire diretso lang ako ng lakad hanggang nasa tapat nako ng room.

Ang kaninang napaka ingay napalitan ng sobrang tahimik kaya nagtataka akong sumilip sa bintana ng classroom pero nakasara ang mga kurtina. nakakapagtaka lang ah parang alam nilang may dadating.

may cctv ba dito?

Napaangat ako ng tingin sa kisame para makasigurado kung may cctv nga ba dito.

gotcha.

Meron nga pero napakaliit lang nito kaya hindi mo makikita kung hindi mo titignan ng mabuti naka on ito dahil kita ang red dot nito.Mukhang pinapanood nila ako. kinuha ko ang dagger sa bulsa ko at agad na hinagis sa cctv

bullseye..

Pagkasira nakarinig ako ng paghampas sa loob kaya pumasok nako lahat sila nakatutok sa laptop ni blaze kaya hindi nila ako napansin. dumiretso nako sa upuan ko at dumukdok inaantok pa kasi ako.

Kale

Tangina nakakabilib talaga si sierra ang liit na ng cctv namin pero nagawa niya pang matamaan ng dagger.

napapitlag ako ng hampasin ng malakas ni hendrix ang lamesa niya. grabe mukhang galit na galit siya ayaw nalang kasi pabayaan si sierra.

"Dude anong klaseng mata ang mayroon ang pinsan mo grabe ang talas ng paningin niya" namamanghang usal ni archer.

"Oo nga dre, ako nga hindi ko nakita yun nung bago lang ako dito nagtataka pa ako nun bakit alam niyo kung sino ang dadating, pero siya nakita niya agad" usal ni ethan.

" Kahit ako mga pre namangha sa ginawa niya, ang talas ng pakiramdam niya" dagdag pa ni max

Ganyan palang ang ginagawa ni sierra bilib na bilib na sila, pano pa kaya kapag nakita nila ang iba pang kayang gawin ni sierra baka ipagpalit na nila si blaze joke hehe.

"Ang ganda niya na napaka cool pa, my perf- AY PUTANGINA!" napatingin kami kay archer ng bigla itong sumigaw. namumutla siya habang may tinuturo kaya napatingin kami kung ano yung tinuturo niya.

"m-may m-m-ulto mga p-pre" nagkatinginan kami bago dahan dahang lumapit sa tinuturo ni archer

lord kung multo man to pakiusap paakyatin mo na siya diyan.

"k-kale ikaw nalang lumapit k-kaya mo na y-yan" Ani ni max. tignan mo to lakas ng loob mambabae pero sa multo takot na takot.

kaya moyan kale ang gwapong katulad natin hindi madaling matakot

Nang makalapit ako dahan dahan kong tinignan ang itsura nakayuko kas- teka tangina eh si sierra to. sinira niya nga pala yung cctv kaya siguro hindi namin napansin ang pagpasok niya dahil tutok kami sa laptop.

"Mga gago si sierra to" pasigaw na bulong ko sa kanila. ha? sigaw na bulong hanep.

"Ang O-oa niyo, umagang umaga multo?"

nagsilapitan na ang mga hangal at sinilip si sierra parang nakahinga naman sila ng maluwag ng masigurong hindi to multo. kalalaking tao takot sa multo buti pa ako gwapo.

"Si my crush lang pala akala ko multo na" Usal ni archer. talagang pinanindigan niya na ang pagka crush kay sierra huh?

"Pwede ba itigil mo ang pagtawag sa kanya ng "my crush" kakairita eh" asik ni luigi. tignan mo to ang laki ng problema sa mundo pati pagtawag ng my crush ni archer kay sierra pinoproblema pa.

"Bakit? nagseselos ka? edi ikaw nalang my crush ko" Pang aasar ni archer

"Yiee sabi kona eh, may lihim kang pagtingin sakin fafa luigi " dugtong pa ni archer at pinalandi pa ang tono

"Fuck! nakakadiri ka archer lumayo ka sakin kung ayaw mong ihagis kita sa bintana" nakakatawa yung itsura ni luigi nakangiwi pa halatang diring diri sa pinagsasabi ni archer

hay nakakamiss yung ganto..

Kung hindi lang kami nagkasira dahil lang sa isang tao siguro masaya pa kami. masaya naman kami pero hindi yung katulad ng dati na lahat masigla walang nakakunot ang noo, walang nakasimangot at walang hendrix na laging malamig kung makitungo.

Ang laki ng pinagbago ng mga kaibigan ko simula ng masira kami ng taong yun kung sana lang nalaman ko agad ang motibo niya baka napigilan kopa at nasabihan ko sila pero magaling mag panggap ang tao nayon lahat kami naloko niya.

Sana hindi na siya bumalik para hindi na kami lalo magkasira lalo na ngayon mukhang bumabalik na sa dati.naniniwala ako na magiging katulad kami ng dati o baka mas higit pa.

i trust you sierra. sana ikaw ang makapag pabago sa kanila.

"Hoy! lalim ng iniisip ah" Masyado yata akong napaisip ah hindi ko napansin na lahat na pala sila nakatingin sakin hays

"bakit? ano meron?" takang tanong ko sa kanila

"Ano ba iniisip mo at hindi mo narinig ang sinabi namin sayo?" tanong ni ethan. napabuntong hininga lang ako bago umiling

"Wala, ano nga yon?"

"Tinatanong ko kung may boyfriend naba si sierra" tanong ni max.

"wala NBSB yan, allergic yata sa lalaki kaya kung may balak ka max wag na. sinasabi ko sayo hindi lang basted makukuha mo may kasama pang bugbog" Seryosong sabi ko dito. muka kasing balak pormahan si sierra babaero pa naman to delikado

"Grabe ka naman sakin kale wala akong balak noh! ayoko pang mabugbog at ang gusto ko sa babae mahinhin hindi amazona kagaya si sierra!" kung gising si sierra malamang nasapak nato maka amazona eh.

" Hoy ulol anong mahinhin ang gusto mo? lahat kamo ng babae gusto mo basta may malaking su-" putcha buti tinakpan ni elliot ang bibig ni archer bago pa matuloy ang sasabihin niya bigla kasing bumangon si sierra mukhang nagising na ang dragon.






Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon