CHAPTER 12

605 12 1
                                    

Archer

Lahat kami napako ang tingin sa ulo nakaharap pa ito samin pero wala ng mata mukang pinahirapan talaga to walang awa ang may gawa nito at halang ang bituka.

Pumapatay din naman kami pero hindi ganito kabrutal.

" Sierra... " doon lang nawala ang paningin namin dahil sa pagbanggit ni elliot ng pangalan ni sierra kaya napatingin kaming lahat sa kanya

nakatingin lang siya sa pinto medyo namumutla pa kaya sinundan namin ng tingin ang tinitignan niya at ganon na lamang ang pang lalaki ng mata ko sa nakikita ko ngayon.

si sierra... punong puno ang katawan niya ng dugo habang may hawak na katana.

Malapad ang ngiti ni sierra pero blangko ang makikita mo sa mga mata niya. Nakakatakot siya sa itsura niya ngayon lalo pa't puro dugo siya.

" Hi guys! Did you like my gift? " masiglang turan niya habang pinapaikot niya ang katana sa kamay niya.

" I personally design that head so i hope y'all like it " Tangina design daw? tao ba talaga si sierra? nakakasuka ang ulo na hinagis niya parang lahat ng kinain ko kaninang umaga gustong lumabas

" s-sierra what did y-you do? " nauutal na tanong ni kale halata din sa kanya ang takot.

Sino ba naman ang hindi matatakot diba? ikaw ba naman regaluhan ng ulo. eto na ang pinaka worse na regalo na natanggap namin mula sa babae. kakaiba ka sierra.

Sana naman hindi mangyari samin yung ikinuwento ni kale.

Si hendrix nananatiling nakatingin kay sierra pero alam kong natatakot din to dahil nanginginig ang kamay niya na nakasuksok sa bulsa ng pants niya ganun din ang iba.

Hindi pinansin ni sierra ang tinanong ni kale at dumiretso lang sa teacher's table. Dinampot niya ang ulo at itinapat yon sa mukha niya bago iharap ulit samen kaya napaiwas ako ng tingin.

Tangina mas gusto ko pang tahimik si sierra kesa yung ganito nakakatakot siya kanina kopa gustong tumakbo palabas kaso hinarangan niya ng bangko ang pintuan.

" Bakit ang tatahimik niyo? hindi niyo ba nagustuhan? "Ang lamig ng boses niya walang kabuhay buhay. ano ba nangyari kay sierra?

" SAGOT!! " halos lahat kami napaigtad sa biglang pag sigaw niya

Napatingin ako sa mga kasama ko na nakatingin lang kay sierra habang si kale ay pasimpleng may tinatawagan sa cellphone niya.

" pst kale sino t-tinatawagan mo? " bulong na tanong ko sa kanya. malay koba baka tumatawag na ng pulis si kale.

"Her butler. he can make her calm kaya papapuntahin ko siya dito dahil kung hindi baka tayo naman ang mawalan ng ulo " Pabulong na sagot niya sakin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

kung sino ka man pakiusap dumating kana!

"Cover me make sure na hindi niya ako makikita ha! ayoko pa mamatay kaya ayusin mo pag harang sakin " bulong ni kale kaya hinarangan ko siya napansin naman ni max ang ginagawa namin kaya tumulong siya sa pag harang kay kale.

" What happen to you sierra? " biglang tanong ni hendrix kaya napatingin kami sa kanya. ngumiti naman si sierra ngiting demonyo nakakatakot.

" Oh the great hendrix kade " mas lalong ngumiti si sierra ng makitang nakakunot ang noo ni hendrix.

" Nagustuhan mo ba ang munti kong regalo kade? " tanong ni sierra. tangina siya lang ang tumawag sa second name ni hendrix ayaw niya kasi ng tinatawag na kade and we know why.

"Don't ever call me kade sierra if you want to live more longer " banta ni hendrix eto na nga ba ang sinasabi ko baka magkaroon na ng gera dito kailangan ng bilisan ni kale.

"Ohh I'm so scared KADE" umarte pang natatakot si sierra at diniinan pa ang pagbigkas ng neon.

Kitang kita naman sa itsura ni blaze ang pagka pikon dahil nagtatagis ang bagang nito at kuyom kuyom ang dalawang kamay.

Magsasalita pa sana si hendrix pero may biglang sumulpot pinto na lalaki base sa itsura nito parang kaedad lang nila blaze. maputi ito at may katangkaran. mukang tumakbo pa ito dahil hinihingal pa siya habang nakahawak sa cellphone niya.

Siya kaya yung butler ni sierra?

"Lexine" wow lexine ang tawag baka kaclose to ni sierra o baka boyfriend? pero sabi ni kale nbsb si sierra so sino siya?

"Kale siya ba? " bulong ko dito

" Oo childhood friend ni sierra and also her butler " ah kaya pala..

Inalis ng lalaki ang nakaharang na bangko sa pinto hindi pa siya napapansin ni sierra dahil busy ito sa pugot na ulo hindi ba siya nandidiri? yuck.

Dahan dahan itong lumapit kay sierra bago ulit ito tawagin.

"Lexine, what happened? " mahinahong tanong nito kay sierra. napaangat ng tingin si sierra namilog pa ng bahagya ang mata bago bumagsak ang hawak nitong ulo.

"j-jace what are y-you doing here? "Gulat na tanong ni sierra. Mukhang natauhan na siya.

Mabuti naman. Nakakanerbyos eh.

" Tinawagan ako ni kale. ano bang nangyare? " Nakalapit na ito kay sierra at kinuha ang hawak nitong katana pasimple pa niya itong inabot kay ethan kaya walang nagawa si ethan kung hindi kunin siya kasi ang malapit hehe.

"They want me dead jace kaya inunahan kona sila "Nanginginig na sambit nito habang lumuluha kaya nataranta si jace at agad na niyakap si sierra.

Sino yung sinasabi niyang gusto siyang mamatay?

" Shhh it's okay, hindi ko hahayaan na masaktan ka nila poprotektahan kita lexine i promise " mahinahong sambit niya habang hinahalikan ang noo ni sierra.

tsk kailangan talaga halikan sa noo? pampam.

" Sure kabang hindi niya boyfriend yan kale? tignan mo oh may pa halik pa tsk" paniniguro ko kay kale eh baka kasi bf niya yan kakainggit.

" Hindi niya boyfriend yan, ganyan lang talaga si jace kay sierra lalo kapag pinapakalma niya ito. kaya wag kana mag selos diyan " paliwanag nito.

Tumingin ako sa mga kasama ko lahat sila nakatingin sa dalawang magkayakap. napatingin naman ako kay hendrix ang talim ng tingin nito umiigting pa ang panga ganon din si elliot.

hmmm ang bango nangangamoy selos..

" Sleep now lexine, i know you're tired " narinig kong usal ni jace kaya napatingin ulit ako sa kanila.

" Don't leave me jace samahan moko hanggang sa makatulog ako " ani ni sierra. mukang kumalma na ito ang lambing na kasi ng boses ang sarap pakinggan. Nakalimutan niya yata na nandito pa kami.

"I won't leave you lexine sleep now. " parang isang magic word ang sinabi niya dahil unti unting bumagsak ang katawan ni sierra sa katawan niya kaya agad niya itong binuhat.

"Thankyou for calling me kale ako ng bahala kay lexine " ani ni jace.

"Salamat din jace kung wala ka baka kami naman ang nawalan ng ulo " natatawang sabi ni kale. tumawa naman yung jace bago kami tignan isa isa.

"Puro lalaki pala ang classmates niya kaya ayaw akong isama dito " bumuntong hininga pa ito bago ayusin ang skirt ni sierra na tumataas

Bahagyang gumalaw si sierra kaya naalerto kami baka kasi pag nagising to matuluyan na kami.

may sinasabi ito pero mahina lang lumuluha parin ang mga mata niya. may problema kaya si sierra?

"Shh everything will be alright lexine " bulong nito sakto lang para marinig namin. ilang beses pa nitong hinalikan ang noo ni sierra bago humarap ulit samin.

" Kailangan na naming umalis bago pa magising si lexine goodbye " Kinuha nito ang bag ni sierra bago siya lumabas ng room naiwan naman kaming hindi makapaniwala sa nangyari.

"Kale ano yung sinasabi ni sierra na they want her dead?" Tanong ko. Nacucurious kasi ako bakit may taong gusto siyang mamatay.

"i-i don't know" Sagot nito bago kami talikuran.

Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionWhere stories live. Discover now