CHAPTER 23

493 16 2
                                    


Sierra

"Sie-"

"Not now kale" pagputol ko sa sasabihin nito. alam kong magtatanong ito tungkol sa pinag usapan namin ni khalix.

Alam niya narin siguro kung anong binalita sakin ni khalix. Kasali siya sa org kaya siguradong nakarating narin sa kanya ang balita. Ayaw ng parents ni kale na sumali siya dito pero matigas ang ulo niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang isali siya.

Magaling siyang makipag laban kaya hindi nako nag dalawang isip na isama siya.

Nagtataka talaga ako kung bakit wala akong natanggap na balita tungkol sa nangyaring pagsabog. Dapat ako muna ang mauunang makaalam kung may problema sa org dahil ako ang namumuno rito.

mukang kailangan na talagang maglinis ng mga daga sa kuta ko.

Nanggigigil parin ako sa nangyaring pagpapasabog sa transportation namin. mga bagong gawang baril ang nandon. hindi pa naman perfect ang pagkakagawa pero nakakapang hinayang parin.

make sure you're good at hiding asshole sa oras na mahuli kapang buhay sisiguraduhin kong mapupuno ng bala ang katawan mo.

"MS.CARTER ARE YOU WITH US?!!" Nakalimutan kong may teacher na pala.

"No." Simpleng sagot ko dito.

nagtawanan naman ang mga hudas napapangunahan pa ni archer. May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Lutang ka nanaman sierra" Natatawang sabi ni max. napalalim yata ang pag iisip ko hindi ko namalayan na nagsisimula na palang magturo si Ms.malonzo.

"SHUT UP!" Sigaw ng dragona.

"YOU MS.CARTER! GET OUT OF MY SIGHT!" highblood naman si ma'am. ganto ba talaga kapag matandang dalaga na?

"Gusto mo bang dukutin ko ang mata mo para tuluyan na'kong mawala sa paningin mo?" I smirked when i saw her face turned pale. scared eh?

"Answer me, Ms.Malonzo." Hindi makasagot si Ms.malonzo.Kilala niya naman kasi ako. lahat ng guro dito kilala ako dahil sinabihan na sila ni daddy tungkol saken.

Before Ms.malonzo could answer sumingit nanaman yung papansin.

"Stop that sierra!" Asik ni hendrix. tch paepal talaga.

"Continue your lesson ma'am" Utos niya.

continue your lesson, continue your lesson kala mo naman talaga nakikinig. plastic. Magdamag lang naman siyang tulog kapag may nagtuturo.

papansin.

Tumikhim muna ang guro at inayos ang sarili bago ipagpatuloy ang naudlot niyang pagtuturo.

✧✧✧✧✧

After an hour natapos ng magturo si ms.malonzo sinabi niya samen na pwede na kaming mag break dahil wala na raw susunod na teacher ang papasok samin.

Nagtanong si kale kay ms.malonzo kung bakit wala ng papasok na guro samin ang sagot niya lang ay "tinatamad sila mag turo sa inyo".

Hindi ko alam na ganto pala ang trato sa lower section dito. Magtuturo lang sila kapag gusto nila, i know na yung iba samin ay hindi nakikinig kapag may guro kasama nako pero dapat gawin parin nila yung trabaho nila diba?

sayang pinapasahod sa kanila tch pero naiintindihan ko din sila sino ba may gustong magturo kapag mga siraulo ang estudyante? si luigi at elliot nga lang ang nakikinig sa mga guro dito.

Pano kaya sila nakakapasa?


Niligpit ko muna ang gamit ko kahit wala naman dapat ligpitin. Akmang lalabas na ako ng pinto ng may humigit ng uniform ko.

Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon