CHAPTER 8

601 15 0
                                    

Sierra

Nandito na ako sa loob ng room namin pati nadin ang mga bugok.patingin tingin pa sila dito sa pwesto ko hindi naman ako naiilang, naiirita pwede pa parang may gusto kasi silang sabihin base sa inaakto nila nagtutulakan pa kasi at nagtuturuan kung sino ang lalapit sakin. hindi na ako nakapag timpi kaya humarap nako sa kanila kanya kanya pa silang iwas na akala mo may ginawang kasalanan.

Lalo na itong mukang bata kanina pa tingin ng tingin sakin kapag nagsasalubong ang paningin namen biglang iiwas tas medyo namumutla pa.

"What do you want?" tanong ko kay kale. siya lang naman kasi ang kilala ko dito at wala din akong panahon na kilalanin sila.

bumuntong hininga muna si kale bago mag salita.

"Ah kasi sierra gusto daw nilang makipag kilala" Seriously? kasasabi ko lang na wala akong panahon para makipag kilala mukhang wala nakong magagawa kasi isa isa na silang nag silapitan.

"Hi sierra! I'm Archer West, 17 ang pinaka gwapo sa section natin!" Ito yung lalaking panay tingin saken na akala mo takot na takot. pero ngayon parang maayos na siya. Mahangin ang isang to pero cute siya mukhang siya din ang pinaka bata base sa itsura niya baby face kasi. tinanguan ko lang siya at nakipag kamay ayaw pa ngang bitawan ang kamay ko kung hindi lang binatukan ni kale.

"Hi Ms.Beautiful I'm Maximo Sullivan, 19 you can call me max or babe if you want" sabi niya sabay hawi ng buhok. napangiwi naman ako bago tanggapin ang kamay niya.

"Oy pre awat na ako na sunod" sabi ng lalaking chinito. tumikhim naman siya at bahagyang inayos ang necktie " a-ah I'm Ethan Akazaki, 19 Miss sierra" sabi niya at  yumuko pa. i think half Japanese and half Filipino to mukha siyang mabait.

"Ehem hi sierra I'm Khalil Hans Huxley, 19 at your service handa kang paglingkuran hanggang kamatayan" pagpapakilala ni hans kinuha pa niya ang kamay ko at hinalikan. Mukha naman siyang mabait and i like his personality kagaya ni archer pareho silang happy go lucky parang walang problemang dinadala.

"Luigi Daughtler, 19" Luigi huh? eto yung nakasalubong ko sa hallway at nag sabing sisirain ko daw sila baliw yata to. 

Pagtapos nilang magpakilala tumingin naman ako sa dalawang natira si Mr.yelo and Mr.snob. i don't know kung snob talaga siya ha parang lang kasi tahimik din siya kagaya nung hendrix.

"Ah sierra si Elliot Chase Harrison, 19 yung nasa kaliwa at yung nasa kanan naman ay ang leader namin na si Hendrix Kade Hudson , 19" pakilala ni archer. tumango nalang ako sa kanila bago ipakilala ang sarili ko mukhang yun kasi ang hinihintay nila

"At yung binugbog mo pala kanina siya si Travis Montello, 18 years old" Montello pala ang isang yon. Kaano-ano niya kaya si Zane?

"Sierra Lexine Carter, 18" pagpapakilala ko para naman silang tanga na bumagsak ang balikat. ano ba inaakala nila sasabihin ko buo kong pagkatao? asa.

"Can i ask a question sierra?" tanong ni max

"You already asking a question" sagot ko sa kanya

"he-hehe oo nga pala, ganda nito kausap sarap ihagis palabas " Awkward siyang tumawa at may binulong pa pero diko narinig bulong nga diba? psh. hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pagsiko sa kanya ni ethan.

"Ano ba yung itatanong mo pakibilisan dahil gusto ko ng umuwi" bored na tanong ko sumandal sa upuan ko. inaantok na kasi ako gusto kona mahiga sa kama ko.

"Paano ka napunta dito? anong ginawa mo bakit napunta ka sa section namin don't get me wrong ha hindi naman sa ayaw ko- namin na nandito k-"

"Seriously? don't get you wrong? eh kanina nga lang pinagtatabuyan niyo ako at hinagisan ng slime diba?" Putol ko sa kanya. nakakapikon kasi hindi daw sa ayaw nila na nandito ako eh kabaligtaran naman ang ginawa nila kanina.

"Hindi ka pwede dito" Sabat ni luigi

"Why?" seryosong tanong ko sa kanya

Hindi ko kasi talaga magets kung bakit ayaw nilang nandito ako imposible namang wala silang naging classmate na babae dati?

"Do i need to say the reason why we don't want you here?" tanong ni luigi bahagya pang nakataas ang isang kilay nito.

"Yes, if you really want me to leave" sagot ko.

pinagkrus naman niya ang dalawang braso sa dibdib niya bago ko sagutin.

"Because you will ruin us, kaya umalis kana dito hindi ka belong dito." ouch harsh naman ng hindi belong. as if namang gusto ko dito eh si dad kaya ang nag decide ng section ko.

"Sinabi kona ang rason kaya maaari ka ng umalis" ano bang problema sakin ng luigi nato laki ng problema niya ah.

"Sorry, hindi ako aalis dito dahil lang sa walang kwenta mong rason and what? sisirain ko kayo? bakit ano ba mapapala ko kapag sinira or ginulo ko kayo? diba wala" seryosong sabi ko. nagsalubong naman ang dalawa nyang kilay mukang hindi niya nagustuhan ang sinagot ko sa kanya.

" Ayaw mo umalis? sige sisiguraduhin kong magdudusa ka dito" dusa your ass lahat ng pagdudusa naranasan kona hindi ako natatakot tse.

"K" bored na sagot ko.

Kinuha kona ang bag ko bago tumayo lahat sila nakatingin sa bawat kilos ko kaya medyo naiirita ako. inirapan ko muna sila bago dumiretso palabas ng room.

Nakakapagod itong first day ko ha kahit wala naman masyadong ginawa dahil isang teacher lang ang pumasok samen. Ano kaya mangyayari bukas? may nararamdaman kasi akong hindi maganda base sa pagbabanta ni luigi mukang may gagawing hindi maganda hays.

Pagdating ko sa parking lot nakaabang na si jace. agad naman niya akong nilapitan nang makita ako at kinuha ang bag ko. kumapit pako sa braso niya na parang bata dahil sa pagod.

"How's your first day lex?" Tanong niya

"Hindi maganda ang weird ng school nato jace lalo ang mga stupidents" tinawanan niya ako sabay gulo ng buhok. hilig talaga mang gulo ng buhok nito may buhok naman siya tsk

"Mukha ngang hindi base sa itsura mo" natatawang ani niya kaya inirapan ko lang. "Sakay na para makapag pahinga kana" agad naman akong sumakay sa tabi ng driver seat dahil gusto kong may yakap kapag napapagod at dahil si jace ang kasama ko braso muna niya ang yayakapin ko.

What a tiring day...

Crimson Academy: The Only Girl In Last SectionOnde as histórias ganham vida. Descobre agora