Chapter 1

110 27 5
                                    

RIEL

Tagaktak ang pagpatak ng aking pawis sa gilid ng aking mukha dahil sa init ng araw. That's why me and my friends decided to go in the nearby ice cream shop. Ramdan ko kasi ang panunuyo ng aking lalamunan.

"Riel kanina kapa busy riyan sa cell phone mo. Ayaw mo ba kaming kasama?" ngumisi si Jean para asarin ako.

"Oo nga sabihin mo lang kung may galit ka samin ah." Si Neveah naman ang nag-drama. Tinaas niya ang kaniyang kaliwang kilay.

Ang aarte talaga nang mga babaeng 'to!

"Hoy! hindi ah may lumabas kasi sa notification ko." sabay hampas sa kanyang braso. Hindi naman iyon masakit pero sigurado akong mas masakit iyon dahil ghinost ka ng ka M.u mo. Chos!

"Aray naman!" natatawa pa siyang umusal. Kapag tumatawa pa naman ito ay nawawala ang kaniyang mga mata.

Pagkatapos naming ubusin ang binili naming ice cream ay nag-tungo na kami sa parke para mag-laro ng badminton. May bubong ang parke kung kaya't hindi kami maiinitan habang naglalaro.

Nag presenta na si Rea at Jean daw muna
ang mag-lalaro kaya naman nanatili akong nakaupo sa bench sa ilalim ng puno malayo sa kanila.

Lumakas ang pag ihip ng hangin kasabay nito ang paglaglagan ng mga tuyong dahon mula sa sanga ng puno.

It was a surreal moment.

Natanaw ko ang kilalang lalaki sa di kalayuan. Wait. It was him, I know that guy. Hindi ko kilala ang babaeng kasama niya. I don't want to question him about what I saw. Wala namang kami kaya wala na siyang kailangang linawin pa sa akin.

"Wait si Nick ba 'yon?" Riel don't overthink, huwag kang mag-isip ng hindi maganda. Hindi ko mapigilang maging balisa.

Lagi nalang Nick.

They're holding their hands while walking.

How could you do that Nick? Ha-ha wala namang tayo kaya okay lang 'yon sa'yo.

"Hmm.. okay kalang ba?" Boses ng isang babae ang pumasok sa aking tenga. Si Neveah pala.

"Ah.. oo naman" Alanganin kong sagot.

"Kanina kapa kasi nakatitig don." Sabay turo sa tinutukoy niyang lugar.

"A-ah... ayon ba. Tinitignan ko lang yung mga batang nag-lalaro. Ang saya kasi nilang pag masdan." pag sisinungaling ko. Ayoko silang mag isip-isip rin ng kung ano ano dahil sa aking nakita.

"Mahilig ka din pala sa bata?" Bumilog ang kaniyang mata. I can say that she's interested to the subject.

Natawa ako sa naging reaksiyon niya sapagkat bihira ko lamang siyang makitang interesado.

"Anong nakakatawa?!" Inis niyang tanong. Sabay hampas sa akin. Sakit ah!


☆☆☆☆☆


Ipinatong ko ang tote bag sa study table. Dumeretso naman ako sa cr para maligo muli.
Pagkatapos kong mag-suot ng white t-shirt at dark green pajama ay tumungo ako sa aking higaan upang buksan ang laptop. Sunod-sunod na notification ang lumabas ngunit isang tao lamang ang naka agaw ng aking pansin.

Nick sent you a message.

Binalewala ko muna ang kaniyang message. Ngunit sunod-sunod na chat naman ang aking natanggap.

"Hey busy ka ba?.. I missed you already. This is called pangungulila." Chat niya.

Miss mo mukha mo

Dahil marupok din ako syempre hindi ko naman kayang hindi i-seen at reply-an si Nick.

Destined for youWhere stories live. Discover now