Chapter 3

74 24 0
                                    


RIEL

FLASH BACK

Nakilala ko si Trixie noong nasa junior high pa ako. Naging mag kaklase kase kami. Ang akala ko nung una ay masungit at mataray siya dahil sa masungit niyang mga mata. Daig mo pa ang lalaban sa Miss Universe kapag inusisa ka nito. Ngunit mali ang pagkaka-kilala ko sa kaniya.

Trixie and I became best friend. Marami kaming pinag ka pareho. Kagaya nang pag pipinta, pag guhit at pagiging musician. Kaya naman hindi kami nahirapang makilala ang isa't isa. Our friendship last for almost four years.

"Mahilig ka rin pala sa classical music?" Pagka manghang tanong sa akin ni Trixie.

Hindi naman sobrang hilig. Kapag kasi nakakarinig ako ng ganon ay nare-relax ang aking tenga. Nakaka bilib din pakinggan ng mga ito kagaya ng fur-elise by Beethoven.

"Oo naman" sinabayan ko ito ng katamtamang pag-ngiti.

Dumating sa punto na nasira ang aming pagkaka-ibigan dahil sa isang lalaki. Hindi ko makakalimutan ang mukha ng lalaking iyon. Denix... because of him our friendship did not last long.

Nanlilisik ang mga mata ni Trixie sa akin. Mahahalata mong may malaking galit ito sa akin.

"I hate you!"

Tuluyan ng kumawala sa aking mga mata ang mga luha na saksi sa sagutan naming dalawa. "Trixie I can explain.. hindi ako ang nag nakaw sa ari-arian niyo.. ng pamilya mo."

"Leave me alone...ayoko ng makinig sa mga kasinungalingan mo!... Riel I trusted you!. Sinira mo yung tiwala ko sa'yo."

Umiiyak na rin sa Trixie ngayon.. ngayon ko lamang siya nakitang ganito. Sana maintindihan niya ako na hindi ako ang may kasalanan. Si Denix yon.

Kinasuhan ako ng pamilya niya nung una ngunit kalaunan din ay ini-atras nila ito dahil wala silang maibigay na ebidensiya.

Nag-tungo ako sa locker. Naiwan ko kasi ang water bottle kaya binalikan ko roon. Hindi ko naman inaasahan na makikita ko si Denix. Nanlaki ang aking mata sa aking nakita. May ka-halikan siyang babae. Sigurado akong hindi si Trixie ito dahil iba ang pigura ng katawan ng babae.

Nag-salita si Denix. "Mag-sasama na tayo. Gagawa ako ng paraan para hiwalayan ang babaeng 'yon."

Napatakip ako nang aking bibig dahil sa aking narinig. Bakit pa sa kaibigan ko Denix? Damn you!

Nagmadali akong umalis para sabihin kay Trixie ang aking nakita at narinig. Sana naman ay paniwalaan niya ako. Baka kasi isipin niya na sinisiraan ko si Denix para mag kahiwalay sila.

Hingal na hingal na ako dahil sa mabilis kong pag-takbo. Ayokong masaktan ang kaibigan ko dahil sa lalaking 'yon kaya hanggat kaya kong pigilan gagawin ko. She's my bestfriend.

Nagtataka si Trixie nang makita ako.
"Oh bakit ka hinihingal? tumakbo kaba?" Kita sa kaniyang mukha ang pag aalala habang hinahagod ang aking likuran.

"Trixie break up with Denix. Niloloko ka lang niya!" Naiinis ako pero hindi ko naman siya masisisi.

Umawang ang kaniyang labi at nanlaki ang kaniyang mga mata. Mukhang hindi ko siya makukumbinsi.

"Huh? anong ibig mong sabihin?" Hinihintay niya ang magiging sagot ko.

Hindi na ako nag dalawang isip at sinabi sa kaniya ang panloloko ng tarantadong Denix na 'yon.

"Nakita ko si Denix may ka-halikan sa locker. Kitang kita ko! Sigurado akong siya 'yon."

Hindi siya makapaniwala sa aking sinabi. Please maniwala ka. Ginagawa ko 'to para sa'yo.

Destined for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon