Chapter 7

36 19 0
                                    


RIEL

Nag-book ako ng taxi mula Manila patungong Taguig. My family lived there.

Malayo kasi ang eskwelahan na gusto kong pasukan kaya binilan na ako ni Dad ng unit sa isang condo para iwas struggle kapag papasok.

I want to experience being independent rin kasi. Like cooking for yourself, buying groceries and cleaning the house. I am glad that my Mom and Dad agreed for those.

The last time I visited them was 2 months ago. I missed them. Nagkaka-mustahan naman kami through messenger pero iba parin in personal.

Inaya ako ni Mom na mag dinner kami together with the family, since wala naman akong gagawin edi nag go na ako. I want to spend time with them. I missed kulitan with my brother. Nga pala nasa grade four na siya, for sure maraming chicks 'yon.

Nagaya ata kay Nick.

Sinalubong ako ng isang malaking puting
gate na vintage ang style at dalawang areca
palm na halaman na nakalagay sa mag-
kabilaang poste sa tabi. Binuksan ni kuya Avelino ang gate nang makita niya ako. Siya ang guard dito.

"Good evening sir!" Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Good evening po kuya."

Bumati ako bago tuluyang maglakad sa loob.
Agaw pansin ang isang malaking tiered fountain na nasa gitna na napapalibutan sa ibaba ng ibat-ibang bulaklak. I remember when I was a kid. Lagi kaming nag-huhulog ng piso ng kapatid kong si Naoru para humiling. Nagagalit pa nga si Mom dahil hindi naman daw iyon wishing well.

Binuksan ko ang glass door upang tuluyan akong maka pasok patungo sa sala. My Dad and brother are in there. They are sitting on the couch.

"Dad!" Niyakap ko siya maging ang aking kapatid.

"Where's Mom?" Nagtataka ako dahil silang dalawa lang ang naroon.

"Nasa kitchen, nag-luluto." Paliwanag ng kapatid ko habang tutok parin sa pag-gamit ng cellphone.

Ibinaba ko ang aking tote bag sa ibabaw ng lamesa bago ako tumungo sa kusina. Sa loob, I saw my Mom cooking. Tinawag ko siya para ma-agaw ang kaniyang pansin. Na-sstress na siguro siya sa pag p-prepare. Lumiwanag ang kaniyang mata, maging ako rin dahil ang tagal ko silang hindi nakita.

"Tulungan na po kita." Kinurot niya ang aking ilong at ngumiti.

"Kumusta naman ang studies mo anak?" Tanong niya habang inihahanda ang babasaging lagayan ng pagkain.

Ayon Ma meron na akong inspiration.
Babaero nga lang. Chos!

"All goods Ma, syempre mana sa'yo eh!" Pambobola ko.

Ini-abot niya sa akin ang lagayan para salinan na ng Carbonara. Inuna ko ang pasta bago isinunod ang sauce. Si mama na daw kasi ang mag-lalagay ng shredded cheese at chopped parsley sa ibabaw. Nakaka-gutom!

Kinuha ko na ito para ilapag sa malapad na dining table. May iilang scented candle naman ang naka-sindi sa ibabaw. Maraming pagkain ang naka-handa. May steak, roasted chicken, deserts, at marami pang iba.

We prayed first before started to eat. Hindi kami pinapayagang gumamit ng cellphone or other digital devices habang kumakain kaya hindi magawang umangal ng kapatid ko. Laging pangaral sa amin iyon kapag kakain.
It's a way to show respect.

Destined for youWhere stories live. Discover now