Chapter 5

59 22 1
                                    


RIEL

Hiyawan ng mga tao ang bumabalot sa buong gymnasium. "Go Titans! Go Go Go Titans!" Iba-ibang hiyawan ang umaalingaw-ngaw galing sa magkaka-ibang grupo.

Intramurals ngayong araw ngunit imbes na palaro ang aking isipin ay si Nick ang namamalagi sa aking isipan. I miss him. it's been a while since I last saw him. On the other day he avoided me for some unknown reason.

Naguguluhan na ako

Dinala ako ng aking mga paa sa cafeteria. Masama ang aking pakiramdam ngunit itinitiyak ko na makaka-punta ako ngayong araw para sa mga kaibigan ko. I want to cheer them!

Nasa counter na ako para bumili ng iinumin ko. Hindi pa pala ako kumakain ng umagahan.

I smiled at the girl infront of me.

"Good Morning sir! Ano pong order niyo?"
Her lips widen.

I never seen this girl before. Bago lang ba siya rito?. I look at her nametag to know her name.

Xeriea Recero

"Small size ng Cappuccino lang po." Inilapag ko na sa counter ang bayad.

Pagkakuha ng in-order ko ay humanap ako ng isang table na pwedeng pagtambayan ko muna. Nararamdaman ko kasi ang pananakit ng aking ulo kaya gusto ko munang magpahinga.

Luminga-linga ako sa paligid baka sakaling may makita akong kakilala ko para naman may kasama ako ritong mag drama. Chos!

Kung ayaw parin akong kausapin ni Nick edi'wag bahala siya sa buhay niya. Pataasan pala ng pride huh? Ganyan ka naman Nic-

"May kinakagalitan ka ba Riel?" Pagputol ni Rico sa aking iniisip.

Oo may kinakagalitan ako. Gusto mo suntukan tayo? joke lang pala malaking tao ka mahirap kalaban.

Napatingala tuloy ako sa kaniya. Ang tangkad talaga mamamatay nako sa inggit sa height. "W-wala ah" Iniling-iling ko ang aking ulo at tumawa ng pilit para hindi niya mahalata ang iniisip ko.

"Upo ka muna" Inilahad ko ang aking palad sa upuan na nasa harap ko.

Tinaasan niya ako ng kilay na animo'y suspect ako sa isang kaso. Tigilan mo'ko Rico.

"Palusot mo Riel. Alam ko kung sino yang iniisip mo."

Nabigla ako sa kaniyang sinabi kaya nanlaki ang aking mga mata. Ngumisi naman siya na naging dahilan ng pagka-inis ko. WTH paano?Totoo bang kilala niya yung kutong lupang lalaking iyon?. Hindi na ako magtataka kung bakit dahil kilala naman si Nick sa buong campus.

"Biro lang" Lumuwag ang aking pag hinga. Kala ko pa naman kilala na niya eh.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa inis ko. Hiniling ko na sana may dumating na tao pero bakit si Rico? aasarin nanaman ako neto eh. Sana si Nick nalang edi sana naglalandian na kami ngayon.

"Oo nga pala tapos na ba yung laban niyo sa basketball?" Tinanong ko siya dahil sa kuryosidad. Sayang naman kung tapos na ang laban nila dahil hindi man lang ako nakanood or cheer man lang.

Tumango siya sa akin. "Interested ka ah?"

Napaso tuloy yung dila ko dahil sa pagka bigla. Inabutan niya ako ng tissue. "Kumain kana ba?" Iniba ko ang usapan para mabawasan ang pagkahiya naming dalawa, I mean ang hiya ko.

"Eh ikaw?"

Ano ba naman 'to siya nga ang tinatanong ko tapos ibabalik niya sa akin? niloloko mo ba ako?

"H-hindi pa eh." Kinagat ko ang aking labi para maiwasan ang pag-ngiti. Nagtataka naman ang hitsura niyang naka harap sa akin. Ewan ko ba ang baba ng kaligayahan ko.

Destined for youWhere stories live. Discover now