Chapter 8

34 15 1
                                    


RIEL


"Thank you Rico, bakit ka pala nandito?" Hindi ko siya tinitingin dahil nakatuon ako sa aking harapan.

Dahil patuloy parin ang pagbagsak ng ulan nag presenta na siyang ihatid ako.

Tumawa siya. "Bakit, hindi ba pwedeng lumabas?" Sinundan niya muli ito ng pagtawa. Asungot!

"Hoy! hindi maman sa ganon. Ang sa akin
lang kapag mag-isa ako ay bigla ka na lamang sumusulpot mula sa kung saan. Stalker ka no!?" Sinasabayan ko ang pagka-pilyo ng lalaking katabi ko.

Huminto siya kaya't napahinto rin ako. Bakit ano nanaman ba 'to Rico?

I faced with a confused look.

"Eh pa'no kung oo?"

Naguluhan ako sa kaniyang sinabi. Huh? anong oo? nasisiraan naba ng bait ang lalaking 'to. Ang ibig niya bang sabihin ay stalker ko talaga siya? Hindi naman siguro.

Hinampas ko ang braso niya na naging dahilan para muntikan nang mahulog ang easel na hawak niya. Mabilis naman ang reflex ni Rico kaya hindi ito tuluyang nahulog. Nakakahiya ka Riel!

☆☆☆☆☆

Abala ako sa pakikinig ng music. Sinasabayan ko pa ito ng kaunting pag sayaw. Kakakabit ko lang kasi ng painting sa pader kaya wala na akong maisipang gawin.

Sunod-sunod na pagtunog ng doorbell ang umalingawngaw sa buong silid. Teka naman masira yang doorbell eh!

Pinihit ko ang doorknob."Ay daga ka!" Napatalon ako ng bahagya. Nauntog ako sa pintuan dahila sa pagkagulat ko."Aray!"

Inunahan na ako ni Nick sa paghimas ng ulo ko. Ginawa ba naman akong aso ng loko! I smelled his usual scent. Magkalapit na kasi kami ng sobra. Ang bango talaga ng lalaking 'to.

"Mag ingat ka kasi." He smiled at me.

Sige na nga baka magalit pa ang babykuh. Okay lang cute ka parin kahit galit.

Sabay kaming tumungo sa sala. Dito niya kasi gustong gawin ang homework niya. Hindi ko ngalang alam kung ano iyon.

"Have you eaten?" Sinabi niya habang hindi pa rin nawawala ang tingin sa binabasang libro.

Nakaupo ako sa kaniyang harapan kung kaya't kitang-kita ko talaga ang matangos niyang ilong at mapulang labi. Ang pogi talaga!

"A-ah oo.. tapos na"

"Stop glaring at me Riel. Kapag hindi mo
pa inalis yang tingin mo hindi ako magdadalawang isip na halikan ka." Pagbabanta niya.

Mabilis kong iniwas ang aking tingin dahil sa hiya. Ramdam ko na kasi ang pamumula ng aking pisngi. AHHHH Kinikilig ako!

Hindi ko na siya muling tinitigan pa. Para tuloy akong tanga dahil paikot-ikot ang aking tingin sa sarili kong tirahan. Dapat siya ang mahiya at hindi ako, ang kapal niya naman.

Tumunog ang aking cellphone dahil sa isang chat. Nagka tinginan kami ni Nick dahil napansin niya rin iyon.

"Sila Jean yung nag chat." Pagsisigurado ko sa kaniya. Ibinalik niya din naman agad ang tingin sa binabasa.

Destined for youWhere stories live. Discover now