Chapter 9

26 14 1
                                    


RIEL

"Take care!" pagpapaalam ni Nick dahil magka-iba ang direksiyong pupuntahin namin. Sabay kaming pumasok ngayon kaya sabay din kaming uuwi. Nga pala mag o-overnight kami sa bahay ni Jean. Hindi ko pa nasabi sa kanilang isasama ko si Nick.

Tumango ako't ngumiti bago tumalikod sa kaniya. Sa Science building kasi naka pwesto ang classroom niya habang ako naman ay sa English building.

Naglalakad na ako sa hallway ng makasalubong ko si Trixie. Nakayuko siya habang naglalakad. Hindi naka ligtas sa aking tingin ang namamaga niyang mata. What happened to her?

Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang minuto pa naman bago mag simula ang klase kaya ayos lang na wala pa ang iba kong kaklase.

Si Jean at Neveah ay late na dumating. Si Rea naman ay hindi pumasok. Susunod nalang daw siya mamaya sa bahay ni Jean. Na late siya ng gising dahil sa pagpupuyat niya para lang sa panonood ng K-drama.

Tulala akong nakatingin sa gawi ni Trixie. Ano ba kasing nangyari sa kaniya? I am worried even we're not okay to each other. Hindi ko tuloy maiwasang mag alala sa kaniya.

"Mr. Ceiser," pagtawag ni Sir Ariola sa aking pangalan. Nabalik tuloy ako sa sarili kong huwisyo dahil sa pagtawag niya. "ikaw ang mag collect ng papers na ipinapapasa ko, pakidala nalang sa English department." tumango ako sa kaniya bilang pagsang ayon dahil hindi naman ako maaring humindi sa ipinag uutos niya. Tuluyan na siyang lumabas ng classroom.

"Riel!" Inabot sa akin ni Jean ang papel na ipapasa niya. "Ano makakapunta ka ba mamaya?"

"Oo pero.. sama ko si Nick. Okay lang ba?"
Nahihiya akong tapusin ang gusto kong sabihin. Baka kasi mailang sila sa kaniya.

Kinurot niya ang tagiliran ko. "Malandi talaga!"

Hindi siguro kayo sweet ni Kev, Inggit!

"Sige na ipapasa ko na 'to. I remind mo si Neveah ah!" Nagmamadali akong tumungo sa English department. Nasa cafeteria na kasi si Trixie kailangan ko na 'yong makausap.

Nang matapos ko nang mapasa ang papel na kailangan ni sir Ariola ay nagmadali akong pumunta sa cafeteria. Ngayon aligaga ako sa paghahanap kay Trixie. "Nasaan na ba kasi ang babaeng iyon?" patuloy parin ako sa paglilibot sa loob ng cafeteria.

I found her. Nakita kong siyang mag-isang nakaupo malapit sa bintana. Namamaga parin ang kaniyang maamong mata. Wala siyang ganang ngumunguya ng pagkain.

Umupo ako sa harapan niya kung kaya't napatingin siya sa akin. Nagtataka ang kaniyang mukha dahil sa biglaan kong pag sulpot.

"Trixie.." Nahihiya at may halong pag aalala ang tono ko nang tawagin ko ang kaniyang pangalan. "what happened to you? Okay ka lang ba?" Kahit na hindi maganda ang nangyari sa amin ay may utang na loob parin ako sa kaniya. Kahit na ipinagtabuyan niya pa ako ng lubusan, hindi hadlang iyon para magbulag-bulagan ako sa aking mga nakikita.

Napatakip na lamang siya sa kaniyang mukha at nagsimulang umiyak. I am sure that there is something wrong. I know that she's carrying her burden alone and I won't allow that to happen.

"I am sorry Riel, for what happened back
then. Please forgive me for what I've done." Namumula na ang kaniyang mata ng tumingin ito sa akin.

Inabutan ko siya ng tissue. "What happened?"

Destined for youWhere stories live. Discover now