Holiday Treat

20 4 1
                                    

Some short story I did back in 2015. Looking back... oops, 2015 me is too invested in this ship. Awkward laugh ensues. This is apparently written sometime after June 24 of the same year...?

----------

"Rydiaaaaa! Thank you talaga!" Niyakap ako ng kaklase kong si Sasha. "Ang sarap! Ang sarap talaga ng cookies! The best ka talaga!"

"Walang anuman." Ngumiti ako sa kanya. "Christmas season na kasi eh. Naisipan ko lang magbake ng maraming Christmas cookies."

"Akala ko nga binili mo lang iyon sa may Starbucks, ganoon, eh. Di ba nagbebenta din sila ng Christmas cookies?"

"Ako mismo nagbake ng mga iyon," sabi ko sa kanya. "Sayang nga, eh. Mas masarap pag fresh from the oven, eh."

"Punta kami sa bahay niyo para makikain, Rydia." Sasha nudged my arm.

"Er, uh, sinu-sino kayo?!" Nabigla ako sa sinabi niya.

"Siyempre, e di ang buong IV - Amity!"

"E-eeeeeeeh?!" Nawindang ako sa sinabi ni Sasha. Seryoso? Baka di kami magkasya sa bahay namin... huhu.

"Joke lang iyon, Rydia. Basta luto ka ng foods pag mag-re-reunion tayo, ah?" Kinindatan ako ni Sasha.

"Haha, sige. Magdadala ako ng baked treats. Ano gusto niyo sa susunod?"

Tumahimik si Sasha sandali para mag-isip. "Paano kasi, baka abuso na kapag nagpagawa kami ng blueberry cheesecake sa iyo eh. Sa susunod, I mean."

"Okay lang sa akin iyon. Para may pagkaabalahan ako," tawa ko.

"Weh, di nga?!" Nanlaki ang mga mata niya.

"Oo nga, pero wag kayo mag-expect ng sobrang daming cheesecake, ah," dagdag ko.

"Hahaha! Siyempre! Kami pa!"

"Guys, sabi raw ni Mrs. Escudero, umupo raw muna tayong lahat," anunsyo ng class president namin na si Jared. "May sasabihin daw si Mrs. Escudero bago tayo umuwi."

Our Christmas party was a blast. Maraming nagdala ng food. Siyempre, kasama na ako doon. Yung iba nagpadeliver mula sa Jollibee, Greenwich, McDo, o kaya KFC, samantalang yung iba, nagdala ng foods mula sa Mister Donut, Red Ribbon, Krispy Kreme, etc. Yung iba, nagdala ng ulam. May sisig, may spaghetti, may fried chicken, may palabok, may kaldereta, may curry, at iba pa. Halos piyesta nga sa classroom namin to the point na namigay rin kami ng ilang ulam sa katabi naming mga sections.

Kasama sa dinala ko ay isang malaking serving ng puttanesca. Oo, puttanesca ang dinala ko at nag-enjoy halos ang karamihan sa amin sa pasta na dinala ko. Yun nga ang isa sa mga unang naubos na pagkain, eh. Pabalik-balik ang iba sa puttanesca.

At siyempre, di mawawala ang gifts.

Days before the Christmas party, naisip ko lang out of nowhere na magbake ng Christmas cookies para sa mga kaklase ko bilang regalo. Tig-tatlo sila, pero malalaki naman yung balak kong i-bake na cookies. Nag-alala nga ang mama ko kasi baka mamaya hindi kumasya sa budget namin o kaya baka mamaya wala akong paglagyan ng cookies. Buti na lang kumasya naman, at sapat ang nabili namin para sa mga Christmas cookies. Tapos nakabili pa ako ng cute na pouches na pwedeng paglagyan ng cookies.

Nagmistulang bakeshop ang kitchen namin. Halos isang araw ang ginugol namin para makapagbake kami ng seventy-five cookies. Kasama na rin doon ang decorating at ang pagpapack ng mga ito sa mga cute na pouches.

Ngayon, baka tanungin mo ako, bakit seventy-five cookies lang? Di ba dapat eighty-seven cookies? Kasi twenty-nine ang mga kaklase ko? Well, may iba akong plano para sa mga kaibigan ko.

Some old works.Where stories live. Discover now