I Ship You Two!

10 4 0
                                    

Note: This story happened before Message from Alexander, kaya hindi pa established ang Elixander. And yes, I moved this one-shot to this compilation.

Sheen Vasquez. Student council vice-president. Popular, gwapo, friendly... out of my league.

Out of my league nga ba? Sa totoo lang, ka-close ko rin itong si Sheen. Lahat naman ng mga makakasalamuha niya, nagiging ka-close niya. Pero kakaiba yung closeness namin ni Sheen. He keeps on telling me horrible puns as well as his craziness. Totoo, parang abot-langit ang saya niya tuwing kasama niya ako. Siguro dahil tanggap ko naman ang buong pagkatao niya dahil may pagka-weirdo din ako. Pero kadalasan, sa mga, erm, sabihin nating mga normal na tao, eh, mukha siyang normal. Serious. Parang ganun.

Oo na, sige, inaamin ko. May crush ako kay Sheen. Tinatago ko lang iyon sa sarili ko, though. Oo, di alam ng mga kaibigan ko. Ay, teka, ilan nga ba ang mga kaibigan ko? Mga dalawa o tatlo lang. Ay wait. Kasama nga pala si Sheen sa circle of friends ko. Legit. Parang lilima lang kaming magkakaibigan, at ang legit ko talagang mga kaibigan ay sina Elise at Rydia na dati pang magkaklase.

Anubanaman kasi. Palipat-lipat kasi ako ng schools, not to mention, mukha pa akong mataray. Hindi naman ako nangangagat, ah? Okay, aaminin ko. Medyo sarcastic ako pero oy, friendly pa rin ako, ha. But still, mukha pa rin akong mataray na walang panahon for relationships. Wala naman talaga akong panahon for relationships, eh.

Now, here's the thing.

Di ba uso sa mga high school ang mga loveteam-loveteam na iyan? Hindi exempted si Sheen sa shipping ng iba naming kaklase.

Kung mayroong JareVal, (Jared at Valerie, nagkakahiyaan pa sila) Rymont, (Rydia and Lamont, ay pareho ko 'tong kaibigan, at legit silang ship, seryoso) Erikeith, (Erika at Keith, Diyos ko po lagi silang tampulan ng tukso) at Trizen, (sina Trish at Zen, mas legit at erm, mala-PDA sila kumpara sa Rymont) ay meron namang Sheanne. A portmanteau of Sheen and Deanne.

Laging magkagrupo sina Sheen at Deanne. Kung hindi kasama ni Sheen si Lamont, ang student council president namin, si Deanne usually ang kasama niya, at madalas silang mag-usap. Saka magkalapit pa sila ng upuan. Maganda si Deanne, mukhang friendly at sosyal. Si Sheen din naman mukha ring sosyal. Perfect match sila kumbaga.

So syempre, di magpapahuli ang iba kong mga kaklase. Suportado nila ang #Sheanne. Pati nga yung mga teacher namin, ship sila. Meron ngang isang beses na nag-workshop ang buong klase namin tungkol sa diction at voice para sa speech namin sa English. Ganito ang nangyari:

"Okay, now make your voice louder and say it with full might," instruction ng English teacher namin. "Say, I love you, Deanne! Go!"

"I-I love you, Deanne!" medyo mahina pa boses ni Sheen.

Cue tilian from the class.

"Louder!"

"I love you, Deanne!" lumakas pa ang boses ni Sheen.

"Is that all what you've got?" hamon ng teacher namin.

"I LOVE YOU, DEANNE!" halos mag-echo na sa buong classroom namin ang boses ni Sheen at todo tilian naman kaming lahat.

Kaya minsan, pag sa mga group presentation, pag si Sheen ang bida, si Deanne ang love interest niya. Well, to be honest, cutie nga silang pareho.

Well, ako?

Ship ko rin sila.

Oo, alam ko, crush ko nga si Sheen, pero mabilis din naman lumipas ang crush. Alam ko namang hindi naman ako ang type ni Sheen, eh. Conceal, don't feel na lang.

Some old works.Where stories live. Discover now