4 - Close to you

20 1 0
                                    

Hindi naman sa inaanticipate kong may tatawag o kahit man lang text sakin ngayong gabi, gusto ko lang dalin ang cellphone ko sa hapag kainan kahit na ayaw na ayaw ni mommy ng ganon.

Tinago ko ang phone ko sa gitna ng legs ko nung maupo ako sa normal kong pwesto sa lamesa namin.

Dumating na si dad galing munisipyo at kakaupo lang sa kabisera ng lamesa namin nung pasimple kong sinilent ang phone ko at sinet sa vibrate.

"How's school, Neah?" Mabilis akong napatingin kay dad at binitawan ang phone ko. Sinasandukan siya ni mommy ng pagkain.

"All good naman po." Mabilis kong sagot at kinabahan pa ng onti dahil naramdaman kong sinipa ako ni kuya na katabi ko. Hindi ko siya tinignan.

"Intrams season niyo ngayon diba? Your principal is asking for my appearance sa awarding." Tinignan niya ko.

"Talaga dad? Pupunta po ba kayo?" Napangiti siya sakin.

"I am thinking of going actually. But will you be comfortable?"

"Opo. Basta wag niyo po ko pansinin. Wag niyo ko tignan." Natawa siya sa sinabi ko.

"Neah." Mahinahong saway sakin ni mommy. Wala naman akong sinabing masama ah.

"Dad, Neah is keeping her indentity safe in her school. Hindi ba makakasama sakanya if pupunta ka pa?" Tanong ni Kuya Gio.

"I haven't answered their principal's invitation yet. Naisip ko nga kasi ay tanungin muna si Neah kung ayos lang sakanya." Sagot ni dad kay kuya.

Nagvibrate bigla ang phone ko at pinilit kong hindi man lang lingunin ito kasi nasa gitna ako ni dad ag kuya at feeling ko, pag tumingin ako sa legs ko kung saan nakaipit ang cellphone ko, malalaman agad nilang may tinatago ako dito.

"Ikaw hon, do you think it's fine to go there?" Tanong ni dad kay mommy at sa paglingon niyang yun sa side ni mommy ay mabilis kong sinilip ang phone ko.

Nanlaki ang mata ko nung lumabas sa notification ang isang unknown number, pero nakalagay sa message ay..

"Hi my babaeng friend, Macie. Musta?"

Alam ko na agad kung sino yun.

"Diba Neah?" Napatingin ako bigla kay mommy.

"Po? Opo." Sagot ko kahit hindi ko narinig kung ano yun. Sinipa ako ulit ni kuya sa ilalim ng lamesa.

"Kaya tingin ko ayos lang din." Sagot ni mommy kay dad. Ano bang sinabi niya?

Napaisip si dad habang ngumunguya. Hindi ko na masundan ang usapan. Ang iniisip ko nalang, matapos na kaming maghapunan para makapag reply na ako.

After ng madami pang topics na pinag usapan, pinakawalan na din nila kami kaya mabilis akong tumakbo sa kwarto ko para makapag reply.

Sa tagal ng pag aantay kong makapag reply mula nung mag text siya, bigla naman akong nablanko sa kung ano banh dapat kong ireply sakanya.

"Si Zeke to? Hello."

Sa dami ng bura-type-bura-type ko, ito lang din pala ang masasabi ko.

Napabalikwas pa ko nung mag vibrate ulit ang phone ko para sa reply niya.

"It was 34 minutes."
"Huh?"
"Before you replied. Busy? :)"
"Ahhh. Nagdidinner kasi ako kanina. Bawal cp sa table. :p"
"I see. So what's up?"
"What's up san?"
":'D"

Napakunot ako ng kilay sa laugh emoji na reply niya.

Naging ganto kami gabi-gabi. Palagi kami magkatext bago ako matulog. Sa school ay hindi na niya ko pinansin ulit or kinausap man lang. Pero pumupunta ako sa fire exit kapag breaktime, at lagi ko siyang naabutang andon.

Animo AninoWhere stories live. Discover now