6 - Enlighten

31 3 0
                                    

6 - Enlighten

Nilibing si Loloy sa maliit nilang sementeryo dito lang din sa Pag-asa. Meron silang nilaan na lugar banda sa dulo ng ilog kung saan sila naglilibing.

Ang hirap, gusto ko tumulong financially pero ayokong maisipan ako ng masama o magkaron ng panget na impact.

Ang sabi ni Lucy, may dalawang pwedeng mangyari kung magbibigay ako ng pera o tulong na mula sakin mismo.

1) Kapag eventually nalaman ng mga taga Purok Pag-asa na anak ako ng mayor, iisipin nilang ginagamit ko ang pera namin para makuha ang suporta nila.
2) Regardless kung malaman nila na anak ako ni dad o hindi, maaring maging abusado ang mga tao kung palaging may tutulong sakanila lalo na ng financial.

"Maraming beses na yang nangyari lalo yung pangalawa Macie, ingat ka sa mga kilos mo." Paalala niya.

Ayokong mangyari ang alin man sa sinabi ni Lucy, gusto kong tumulong sakanila na hindi gumagamit ng pera namin. Ang tangi kong naisip ay mag trabaho para magkaron ng sariling pera na itutulong ko sakanila. Sa ganong paraan, hindi ako mapag iisipan na gumagamit ng pulitika para makatulong sa iba.

Naging busy ako sa pag hahanap ng pwede kong pasukan na trabaho na hindi mapapansin sa bahay, at hindi makakaapekto sa pag-aaral ko. Kahit maliit na sahod, anything papatusin ko.

"May alam kayong trabaho na pwede kong pasukan?" Napahinto pa sila Yong at Zeke sa tanong ko. Nanananghalian kami ulit dito sa tabing ilog. Kakaalis lang ni Maris para kumuha ng tubig na maiinom.

Nagtinginan silang dalawa. "Para san?" Tanong ni Zeke.

"Extra income." Simple kong sagot.

"Bakit? Naghihirap na kayo?" Mabilis na tumingin si Zeke kay Yong.

"Hindi naman kami mayaman." Tugon ko.

Hindi sila sumagot agad. Parang nag-iisip, tinitimbang ang sinabi ko.

Dumating si Maris at naabutan kaming tahimik na ganon. Since ayaw nila akong sagutin si Maris ang tinanong ko.

"Maris, may alam kang trabaho na pwede kong pasukan? Kahit ano. Kahit simple lang. Basta sasahod."

"Ha? Bakit? Mukha ka namang mayaman." Natatawa niyang sinabi.

"Extra income." Sagot ko ulit.

"Sure ba yan?" Natatawa pa din siya.

"Oo. Pero sana yung pwede after school. Wag weekend kasi andito ako pag sabado."

Tumingin si Maris sa dalawa na parang inaantay niyang sabihin nila na nagbibiro ako. Pero dahil kanina ko pa sinabing seryoso ako sa plano ko, hindi na sila sumagot.

"Uhm.. wala e. Pero sige next week pag uwi ko sa tita ko, magtitingin ako sa malapit doon ng pwede mong pasukan. Sabi mo kahit ano ah."

"Oo kahit ano."

Sumunod na linggo pagbalik ko ng Pag-asa excited si Maris na sabihin saking meron siyang mga nakitang trabaho na pwede pasukan ng weekdays.

"Una, sa karinderya ng tita ko mismo. Meron kasing malapit na factory doon kaya madaming kumakain. Pag tungtong ng alasingko, madami ng kumakain hanggang gabi. Pangalawa, doon sa kapitbahay ng tita ko, parlor ito. Sabi nila pwede sila tumanggap ng part-timer. Assist ka lang doon sakanila. Pangatlo, tutor. Yung anak ng kapitbahay din ng tita ko, elementary. Gusto niya ipatutor kahit daw 30 minutes a day. Di na niya matutukan kasi may trabaho siya hanggang gabi. Ano?"

"Wow. Sige. Uhmm. Pwede ko kaya masubukan lahat?"

"Ha bakit lahat?"

"Titignan ko lang kung kaya ko. Half day lang ako sa school, yung hapon ko madalas nasa school pa din ako para mag-aral. Wala kasi akong kasama sa bahay ng ganong oras kaya madalas ako mag stay sa school hanggang mga 5 or 6. Basta makakauwi na ko ng before 8pm, okay na ako." Excited kong sinabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Animo AninoWhere stories live. Discover now