1 - Fire Exit

331 22 1
                                    

1 - Fire Exit

"Tignan mo, tignan mo na dali!" Halos hilahin ako patayo ni Lucy para lang makisama sa kanila sa pag tanaw sa labas.

"Ayoko, hindi naman ako interesado." Sagot ko lang kahit na feeling ko, lukot-lukot na ang isang parte ng uniform ko kakahila niya.

"Ang gwapo lang talaga nila kasi. Lalo na ni Zeke." Tumaas lang ang kilay ko sa sinabi ni Lili, isa ko pang kaibigan.

"Kapag gwapo dapat nagkakagulo pag dadaan?" Sarkastiko kong tanong para sa dalawa kong kaibigan pero hindi lang pala ako ang nakarinig.

"Ang yabang mo naman magsalita, Macie. Kala mo kung sinong maganda." Diretsahang sinabi sakin ng kaklase kong si Viveth. Bumuntong hininga lang ako at hindi na sumagot.

Una, wala namang pagyayabang sa sinabi ko. Pangalawa, hanggang makakaiwas ako sa ano man pagtatalo o argumento ay iiwas ako.

Pero hindi ang mga kaibigan ko.

"Hoy Viveth, ano namang kayabangan ang narinig mo sa sinabi niya? Ang hirap talaga pag mahina utak, mahina sa listening comprehension!" Sita ni Lucy.

"Wag mo ng ipagtanggol ang kaibigan mo Luciano. Pare-pareho lang naman kayong mayayabang! Tse!"

Nanlaki ang mata namin ni Lili pareho sa sinabi ni Viveth. How dare her call Lucy with his real name?

"Anong tinawag mo sakin?" Nanliit pa ang mata ni Lucy habang inaantay ang sagot ni Viveth. Nakita kong kinabahan din si Viveth. Alam niya ang reputasyon ni Lucy sa school na ito at--

"Lucy, Lucy, sorry..pag pasensyahan mo na ang kaibigan namin. Nabigla lang siya. Sorry talaga sainyo ha. Pasensya na." Biglang sabi ng isang kaibigan ni Viveth at hinila siya nito palayo sa pwesto namin.

"Lucy, hayaan mo na yun. Maiingay talaga ang mga latang walang laman. Di ka dapat pumapatol na sa ganon." Bilin ko.

Si Lucy, o Luciano ang leader ng mga bading dito sa school dahil una, matalino siya, pangalawa, matapang siya, pangatlo, anak mayaman siya.

Ganon yata sa public school, may edge kapag may pera ka.

Kilala si Lucy kahit ng mga nasa Junior at Senior years. Marami siyang sinasalihang clubs at organization kaya kahit grade 8 palang kami, kilala na siya.

Ganon din si Lili, pero sa ibang larangan. Magaling sa Volleyball, idol. Simula Grade 7, kasali na siya sa Star Players ng Science-Math club, Volleyball team.

Ako? Kaibigan ko sila. At sila lang ang tunay na nakakakilala sakin.

"Sobrang crush mo ang Basketball Team ng Sci-Math, Lucy? O dahil lang andon si Zeke kaya nadamay na silang lahat?" Natatawang tanong ni Lili nung hinila niya kami sa bleacher at dun na daw mag miryenda.

Tapos na ang klase namin dahil sa maagang pagpapalabas ng last subject teacher namin pero hindi naman kami makakalabas ng gate hanggat walang bell.

"Gwapo si Zeke, okay? Pero gwapo din si Lucas, Mateo at Jordan. Lahat naman sila actually wala naman akong favoritism sa totoo lang." Maarte niyang sinabi.

Hindi lang naman kami ang nanonood ngayon sa bleacher, madami pang ibang istudyante, pero kami lang ata pinaka maingay dahil sigaw ng sigaw yung dalawa tuwing may makakashoot sa Sci-math.

"Mahina naman yang Fil-Eng Team. Gwapo lang pero mahina."

"Sinayang kasi nila si Greg nung nasa Fil-Eng pa. Andon na sana pinalipat pa sa Makabayan."

"Siguro tiwala na talaga sila sa galing ni Zain."

Nagpatuloy sa palitan ng kuro-kuro ang dalawa habang ako'y nagsusulat lang sa notebook ng isang topic na namiss ko nung nakaraang hindi ako nakapasok.

Animo AninoWhere stories live. Discover now