2 - Dual Identity

208 21 1
                                    

2 - Dual Identity

"Are you going?" Tumingin ako kay kuya, nagpapatuloy sa nilalaro kong videogame.

"Nope. I'm not needed there." Simple kong sagot. Wala naman akong masamang meaning dun. Sanay lang talaga ako na hindi isinasama sa mga political functions.

Lumapit siya sakin at pinindot ang pause button ng laro sa tv at tumingin sakin. "Neah, you're needed there. Sino nagsabi sayo na you don't?"

Natawa ako ng bahagya sa reaksyon ng mukha niya. "Kuya, no offense but, I just know. Wala din naman akong gagawin dun. I am just finishing this one tapos tutuloy na ko sa homeworks ko."

"May homeworks ka pa?"

"Yup. Just so you know, mas madaming homeworks and projects sa Public School." Tinaas-taas ko ang kilay ko sakanya para magyabang.

Both of them, my older sister and him, are graduates of known Elite School in the province. Hindi din naman ako nag damdam na hindi ako dun nag aral dahil naunawaan ko ang sitwasyon noon, at kahit medyo okay na ngayon, mas pinili ko nalang na manatili sa public.

"Neah please, you need to come with us. Expected tayo buong family dun. Your Ate Yasi's prepping na, you should too."

"Kuya promise, okay lang naman na hindi. Hindi naman ako kilala ng mga tao. Isa pa, mas gusto ko ng hindi ako kilala. Mas tahimik ang buhay."

"No, you start preparing. This is an order from your older brother. I'll be back here to check on you."

Tumayo siya at lumabas ng kwarto ko. Napatingala ako at napabuntong hininga. Sa totoo lang din naman talaga ay ayaw kong sumama.

Mapilit si Kuya Gio na isama ako, parang sa bahay na to, siya lang naman talaga ang may gusto na maisama ako sa mga gantong pagtitipon. Madali ko naman siya natatakasan sa madaming pagkakataon. Pero ngayon ay nakakapag taka na mapilit siya.

Naligo na ko at nag isip kung ano pang pwede kong idahilan sa kanya. Naalala ko na nag yaya nga pala ng group study si Lucy at Lili na gagawin namin bukas, Linggo. Tatawagan ko nalang sila na ngayong gabi na nanamin gawin at makiki-overnight nalang din ako sakanila para lalong walang takas.

Suot ang aking roba ay lumabas ako ng kwarto para hanapin si Kuya Gio. Medyo magulo na dito sa bahay dahil sa mga make up artists at iba pang tao na abala kay Ate Yasi at Mommy.

Nakita kong nakapikit si ate at kasalukuyang inaayusan ang mga talukap ng mata, kaya lumagpas lang ako at hinanap kung nasan si kuya.

Nakatalikod siya sakin, nakaharap sa loob ng kitchen kaya dumiretso na ko dun para makapag dahilan sakanya.

"It was and is always your fault, Neah's like that!" Napahinto ako sa pagpasok ng tuluyan sa kitchen nung marinig ko ang sigaw ni kuya.

Nagtago ako sa hamba ng pintuan at pinilit tignan kung sinong kausap niya.

"It is no one's fault, Gio." Mahinahon na paliwanag ni mommy sakanya.

"Mom, bata palang siya ay inilayo mo na siya sa buhay na to, sa buhay natin! Imagine living a double life! Can you even do that? At your age? Tell me. Si Neah simula bata pa ganon na! Pinalala niyo pa lalo dahil hinahayaan niyo na hindi siya makasama sa mga ganito!"

Nagulat ako dahil galit talaga si kuya. Ano bang pinag usapan nila bago ko dumating para umabot sa ganong galit ang kuya ko?

"Gio, you knew from the start why we had to hide her in public's eyes!" Halos nanlaki ang mata ko dahil andon din pala ang daddy.

"Dad, that was ages ago! Nanalo ka na ng ilang termino! Bakit kailangan pa din siyang itago? And for God sake ni wala na nga siyang sakit!"

Napapikit ako sa sinabi niya, remembering everything. But I am really fine. Nasanay na ko. Ito na ang buhay ko.

Animo AninoWhere stories live. Discover now