5 - When Reality hits

32 2 2
                                    

5 - When Reality hits

Umuwi ako ng halong lungkot at saya. Saya kasi nasa bulsa ko yung medal ni Zeke, at lungkot kasi sinabi niyang bagay sila ni ate.

Pag dating sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto ko para magbihis at para mag ayos ng gamit.

Yung medal ni Zeke, nilagay ko sa drawer ng bedside table ko, binasa ko pa ulit yung pangalan na nakaukit, bago ko sinara yung drawer.

"Mam Neah, maghahapunan na daw po kayo in 1 hour." Sabi ng kasambahay na sumilip sa pinto ng kwarto ko. Umoo lang ako at humiga ulit sa kama ko.

"Bahay ka na?" Tinignan ko ang message ni Zeke. Hindi agad ako nagreply at pumikit lang ulit.

"Mag didinner na kayo? Hindi na ko makakareceive ng reply ulit?"

Bumuntong hininga at nagtipa ng reply sakanya.

"In an hour." Sagot ko.

"Okay. :D"

Hindi ko ulit alam ang isasagot ko kaya hindi na ko nagreply.

"Do you know that Venus spins clockwise?"

Napatayo ako sa message niya. Ha? Ang random.

"No. Will check." Agad akong tumakbo sa library ng bahay namin at humanap ng any books related to planets. Nakakita ako ng almanac about planets at agad hinanap ang Venus.

'Venus spins clockwise on its axisVenus also orbits the Sun anti-clockwise but spins clockwise on its axis. One theory for this unusual rotation is that it was knocked off its upright position earlier in its history! The only other planet in the Solar System to spin clockwise is Uranus.'

Di ko mapigilang di matawa. Bigla nalang niya sinabi yun ito naman ako si engot nag check agad.

Bumalik ako sa kwarto ko at nagreply.

"Wow. Namiss ko yata tong fun fact na to nung grade school." Biro ko.

"Chineck mo kung tama?"

"Yes. Nagpunta ako sa library namin, naghanap ng any book na related sa planet tapos nabasa ko nga."

"You didn't believe me the first time?"

"Hindi naman sa ganon. Nakakagulat kasi ang random."

"Okay. Pero next time pag sinabi ko, maniwala ka nalang."

Napaikot ang mata ko. So maniniwala talaga akong bagay sila ni ate kasi sabi niya. Noted.

"K. Sabi mo e." Reply ko.

"Di pa kayo magdinner?"

"Mamaya pa yan. Saktong 8pm."

"Wow strick kayo sa meal time?"

"Dinner ang most important. Kaylangan kahit asan kami the whole day, magdidinner kaming buong family by 8."

"Wow nice fun fact! :D"

Napailing lang ako at natawa. Napapachika tuloy ako sakanya tungkol sa pamilya. Anyway di naman niya alam sino pamilya ko sa keri lang.

"Nasan yung medal ko?" Umirap pa ko after mabasa message niya.

"Nakatago. Kunin mo na?"

"No! Tinanong ko lang. Baka kasi tinapon mo."

"Bakit ko itatapon di naman sakin yun."

"Sayo na, binigay ko na e."

"Eh di okay lang palang itapon? Akin naman na pala." Biro ko.

"Ikaw. Remembrance ko yan."

Animo AninoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin