3 - Friend

175 19 1
                                    

3 - Friend

"Uhh.." hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanyang niyaya lang naman ako ni Lucy para manood at umupo dito.

Agad may humila na kateam niya kay Zeke kaya nawala din siya sa harap ko. Hinila naman ako ni Lili.

"OMG Macie ano yun?" Natatawa siya na kinikilig.

"Ewan ko din."

"Nako. I bet puputaktihin ka ng mga fans niyan ni Zeke. Baka akalain girlfriend ka." Natatawa pa din siya at hindi ko makitaan ng nakakatawa ang nangyari.

"Boklo!! I saw that! OMG! Grabe! Macie.. ito na ang korona. Sayo na si Zeke. Adios!" Sabi naman ni Lucy nung maabutan kaming palayo na sa court.

"Macie! Akala ko ba ayaw mo kay Zeke?" Napataas ang kilay naming tatlo sa kaklase naming ever loyal sa pang puna sa buhay ko.

"Viveth.. anong pinaglalaban mo?" Maarteng tanong ni Lucy.

"Nako Lucy. Nasa loob pala ang kulo ng kaibigan mo. May paayaw-ayaw pa kunyari kay Zeke, jojowain din pala."

"Siya ang niyakap ni Zeke, jowa agad? Friendly lang yung tao." Paliwanag ni Lili kahit na nahihimigan ko sakanyang hindi din siya sure sa sinasabi niya.

"Asus. Wag ka na magpanggap na mahinhin Macie. Kilala na kita." Nanlaki pa ang mata ko sa banta ni Viveth dahil ibang bagay ang naisip ko nung sabihin niya yun.

"Sumbong mo kaya kay Mayor yan para matauhan." Bulong ni Lili na nagpatawa lang saming tatlo. As if namang idadamay ko pa si dad dito.

Pauwi na kaming tatlo dahil wala ng big event pa sa araw na yun nung hinarang kami ni Zain. Fresh na siya at nakapag bihis na.

"Macie. Kayo na ba ni Zeke? Ha? Kayo na? Kaya ayaw mo sakin kasi kayo na?"

"Zain ano ba. Tumigil ka nalang." Mabilis gumala ang mata ko sa paligid. Alam kong may security si dad dito sa labas ng school bilang bantay ko.

Hindi ako natatakot na baka galawin nila si Zain pag nasa loob kami ng school kasi hangang labas lang naman sila. Pero ngayon andito na kami sa gate at feeling ko nakikita nila si Zain na nangungulit sakin.

"So ano nga? Kayo na?"

"Macie." Narinig ko ang babala sa boses ni Lucy. Iniisip kong may nakikita na siyang papalapit na security samin kaya kinabahan ako. Of all people, si Zain ang huling taong gusto kong makakilala sakin.

Napabalikwas pa ko nung akbayan ako ng kung sino. Shit si Zeke.

"Nanggugulo ka nanaman kay Macie, pare?"

"Hindi kita kaibigan at hindi ikaw ang kausap ko. Umalis ka dyan nag uusap kami." Mayabang na sagot ni Zain. Lalo akong kinabahan dahil madami ng tumitingin samin at naiipon ang mga tao sa paligid namin. Mga chismoso!

Inakbayan ako ulit ni Zeke. "Ako nalang sasagot sa tanong mo, pre. Yup. Girlfriend ko na si Macie. Makakaalis ka na."

Bago pa makareact si Zain dalawang lalake na nakasibilyan ang humarang. Nanlaki ang mata ko. Oh my God are they my securities? Kahit kailan hindi ko sila nakita dahil nananatili silang nakatago lang.

Inisip kong magtataka si Zeke o si Zain pag nalaman nilang may bantay ako na mga ganyan. Tinignan ko agad ang mukha ni Zeke na parang nagtataka, at ni Zain na nagulat.

"Sir, bilin po sa amin ng daddy niyo na wag kayong hahayaang mapaaway. Baka makasira sa imahe ng lolo po ninyo." Kay Zain pala to.

Nanlalaki ang mata ni Lucy sakin na parang alam na niya agad ang iniisip ko.

Animo AninoWhere stories live. Discover now