03

73 9 0
                                    

03: Option

Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. She's the girl earlier not the grumpy one but I’m sure she’s one of the four girls I met earlier.

“Magpapakamatay ka?” tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

“Paano mo nalaman?” tanong ko.

“Cause…look at you.”

Umiwas ako ng tingin.

“Wanna play?” She asked.

Inangat niya rin ang rubik’s cube na hawak niya.

“This is pyraminx,” sabi niya. “Could you scramble this for me?”

An–ano?

Bumaba ako at dahan-dahang lumapit sa kanya.

She's also tall. Sila yatang apat. Sigurado akong naiiba sila sa lahat ng estudyante dito. The way they talk, their accent and their looks.

Inabot niya sa akin ang pyraminx na sinasabi niya.
How could I scramble this? Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Isa pa hindi ko gaano magalaw ang isang kamay ko.

I scramble each triangular face. I just randomly scramble it.

“It's fun right?” tanong niya at biglang kumirot ang kamay ko. Hindi ko sinasadyang mabitawan ang pyraminx.

“Sorry! Sorry!”

“It's alright.” Humakbang agad ako paatras. Sabihan nalang niya ako agad kung sasaktan niya ako talagang tatalon nalang ako.

Kinuha niya ang pyraminx and just a seconds she solved it.

“You’re hurt. Want me to accompany you in the clinic?”

Kumunot ang noo ko.

I’m pretty sure siya ang nagtanong sa akin kanina kung bago ba ako rito. Hindi naman niya pinigilan ang kaibigan niya kanina.

“You’re staying in the university dormitory right?”

Paano niya nalaman?

Tumango ako bilang sagot.

“Tara? bumaba na tayo.”

Tumalikod siya sa akin at hindi ko na napigilan ang sarili kong magsalita ulit.

“Bakit niyo ginagawa ‘to?” tanong ko. “Lahat kayo bakit niyo ginagawa ‘to.”

Ang naalala ko. Hinatid ako dito kagabi, inayos ko ang mga gamit ko sa dormitory. Nakatulog ako ng maayos dahil hindi naman maingay ang mga roommates ko. I have two roommates and they're nice.

Si Veronica, she waited for me. Mabait rin siya sa akin. Kanina lang may nga bumabati sa aking mga estudyante. Kaya hindi ko maintindihan. Bakit, bakit biglang naging ganito.

“I’m sorry…you weren't warned first.”

Natigilan ako sandali. Warn me from what? from the bullies?

“You can transfer school, you know.”

I paused.

Yeah I would if I could.

“But you can't.”

Does she know something?

“Masaya ba? masaya bang nakakapanakit kayo ng tao?”

“Masaya?” She smirked and shook her head. “Oo. This is just for entertainment, this is just a game, don't take it by heart.”

Gago ba siya?!

Solving the Puzzle (GL)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt