07

75 9 0
                                    

07: Shirt

I woke up in a clean white room. Where am I? Dahan-dahan akong umupo and realized I am now wearing a shirt.

Now I remember…I fainted.

Napailing-iling nalang ako nang maalala ko ang ginawa ko. I was not in my right mind earlier. Tumingin ako sa lamesang nasa tabi ko.

Food!

I also have a new bandage on my hands. Pero nasaan ako? It really looks like I'm inside a room. Bedroom.

Kaninong kwarto ‘to?

“You’re awake.”

I was just about to get up when someone talked.

“Eight?”

“Alam mo na pangalan ko,” sabi niya. Anong ginagawa niya dito? Sigurado akong si Solaris ang huli kong nakasama kanina. “Maybe you're wondering how you ended up here…Well, Solaris brought you here.”

Kumunot ang noo ko. Solaris? Dinala ako ni Solaris dito? 

“Nasaan ako?”

“You’re still in the university but in my room.”

Natahimik ako sandali.

“Ah…”

Napayakap naman bigla ako sa sarili ko. Kaninong shirt ‘tong suot ko?

“It's Solaris shirt. She dressed you up.”

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Pakiramdam ko ay nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Teka mahihiya pa ba ako? Tsaka…babae rin naman siya.

Dapat mas magulat ako na binihisan niya ako. Sa dami ng ginawa niya sa akin.

“The doctor is here.”

May bigla namang pumasok. She checked my pulse and asked a few questions habang nakatingin lang sa amin si Eight.

“She fainted due to low blood sugar, hindi pa kasi siya kumakain.”

“Ah may pagkain po akong hinanda,” sagot ni Eight.

“Also she has many wounds, bruises? I’ll clean this first.”

She cleaned my wound and after that she quickly left.

“Eat,” sabi niya. She fixed the bed table and prepared the food for me.

“Na–nasaan na si Solaris?”

“Ah umalis na siya agad. She left you with me.”

Tumango ako bilang sagot. So, nong nawalan ba ako ng malay she catched me? Mabuti hindi niya ako itinapon. Tinitigan ko naman ang pagkain, I’m really hungry but they told me to be careful around Eight…Baka kasi may lason ‘to?

“Kumain ka na, ako nagluto niyan,” sabi niya. “It’s pork sinigang, para may sabaw tapos gulay.” Nakangiti niyang sabi. Pero ibang-iba talaga siya eh, I can feel she's a really nice person.

“Ah saan ‘to sa building?” tanong ko at kinuha ko na ang kutsara ko para humigop ng sabaw.

“We’re actually in the dormitory,” sagot niya. Naubo ako sandali. She lives in the dormitory? May ganito palang room? It looks like an apartment to me. May small sala set and study area.

From this bed I can see her small kitchenette area. Tsaka malinis. I can tell…Sa una palang parang naiiba na sila sa lahat ng estudyante. I bet siya lang ang may room na ganito, o who knows silang apat.

“Bakit?” tanong niya.

“Ah wala lang ang linis ng kwarto mo,” sagot ko.

“Bakit sa inyo ba makalat?”

“Hindi naman,” sagot ko. Pero iba ang linis ng kwarto niya. Tsaka yong shower namin…ewan. Pero sakto lang naman sa binabayaran namin, 500 pesos per month lang kaya okay na rin.

“You can stay here if you want.” Natulala ako sandali. She's offering me to stay here? I was about to speak when he suddenly brushed away a few strands of my hair and tucked them behind my ear.

“Want me to tie your hair?” tanong niya.

Wait...why is my heart melting? Hindi dapat ako nito nakakaramdam.

“Siguro kung lalaki ka marami ka ng naakit na girls.” Natulala ako nang mapagtanto kong ano ang lumabas sa bibig ko. I did not just say that! Nasa isipan ko lang naman ‘yon. I heard her chuckle.

“Really?” She asked.

Wait…bakit ang pogi niya?

Kulang lang ako sa kain. Kumain na ako at narinig ko ulit siyang tumawa ng mahina.

“I don't need to be a man though.” Natigilan ako sandali pagkasabi niya non. Pero hindi ko na siya pinansin masiyado dahil nong nagsimula akong kumain ay sunod-sunod na.

Hindi naman ako ganito kumain. Ngayon lang. This is just the 2nd day. Paano pa kaya bukas?

Nang matapos akong kumain ay tumayo ako at ako na sana ang magliligpit sa kinain ko nang bawiin niya sa akin ang bed table.

“Ako na,” sabi niya.

“Thank you,” sabi ko.

“Welcome. Let me answer this phone.” Tumango ako bilang sagot. “Hello? yeah, she's still here.” Tumingin siya bigla sa akin. “Chill bro.”

Umiwas lang ako ng tingin at napatingin sa mga paintings na nasa pader niya. Ganda.

“Are you going to stay for a night?” Napalingon ako sa kanya. Umiling agad ako bilang sagot at nakita ko lang siyang ngumiti.

“Too bad gusto ko pa namang may kasama,” sagot niya. Kumunot ang noo ko dahil parang may kausap pa siya sa cellphone.

“Ah hehe…may kailangan kasi akong balikan sa room namin,” sagot ko.

Hinintay ko lang siya matapos. Hinatid niya ako papunta sa room namin.

“Salamat Eight,” sagot ko.

“No worries.”

Pero kung iisipin ko rin wala rin naman siyang ginawa habang nagkakagulo ang lahat. Wag kong kalimutan na isa siya sa nagpasimuno sa larong ‘to.

“What?”

“Ah wala,” sagot ko. “Good night.” Nakita ko siyang natulala sandali.

“Yeah…good night.”

Binuksan ko ang pinto at pagkapasok ko ay natulala ako sandali nang may nakita akong mga shopping bags at ilang gift boxes sa higaan ko.

“Salamat naman nandito ka na!” Tumingin ako kay Kisses.

“Anong nangyari?” tanong ko.

I’m sure I haven't gone shopping yet. I haven't ordered anything yet. Lumakad ako palapit sa higaan ko. Wala pa akong sinasabi sa mommy ko.

Kanino galing ‘to?

“Saan mo nakuha ang shirt na ‘yan?” Lumingon ako kay Andrea.

“Huh?”

“That shirt you're wearing it's…not from Solaris right?” tanong ni Kisses. Napaawang ang labi ko at agad na pumunta sa standing mirror namin.

I’m wearing…a jersey shirt number 23. Mas napatulala ako sandali nang mapagtanto kong I’m also wearing jersey shorts!

No way!

Napayakap ako sa sarili ko.

“She dressed you up.” Napapikit ako nang maalala ko ang sinabi ni Eight.

Binihisan niya ako? Iniisip ko ngayon kung ano ang mga nahawakan niya sa akin.


Solving the Puzzle (GL)Where stories live. Discover now