06

99 9 0
                                    

06: Skin

“This is your uniform.”

Napalingon ako sa ibang faculty wala kahit isa sa kanila tumitingin sa akin. Diretcho lang ring binigay sa akin ang uniform ko. Mabuti nalang I have my uniform na.

Lumabas ako ng klase kahit hindi pa tapos. These are the only times I can get out.

“Thank you,” sagot ko.

Then attended our last class which is Path fit na hindi na halos makapaglakad at hilong hilo na because I skipped my lunch. No one offered help. I managed to reach the gym without any help.

I could only laugh that I’m still alive.

Hindi lang ako ang hinahabol at sinasaktan nila. My classmates are being hurt too. Tapos nag-aaway away na rin kami.

“Good morning class! Kindly get your balls!”

But mostly they are after me. Kasi para sa kanila hindi naman sila madadamay kung hindi dahil sa akin.

“You made her angry, kasalanan mo ‘to.” Napatingin ako sa nagsalita. Hindi na sila nagtigil kakasalita.

“Guys! Alright! Let's start with dribbling!”

Napapikit ako ng mariin nang may biglang bumato sa akin ng bola.

“Ooop, sorry,” sabi niya at inirapan ko lang siya.

Alam kong sinadya niya!

Hindi ko na maintindihan ang prof namin. She's teaching us ball-handling skills and footwork. It's not because I’m not into basketball or any sports, pagod na talaga ako.

“Remember this will help your physical skills!”

“Ah!” sigaw ko nang may biglang nagbato ulit ng bola sa akin.

“Ano yan?” Lumapit ang prof sa amin. Sinamaan ko ng tingin ang nangbato sa akin. If only I could throw him this ball.

“Wala po prof,” sagot niya.

Umirap ako.

Patayin nalang kaya nila ako?

“Okay ka lang ba iha?” tanong ng professor sa akin at hindi ko napigilan ang tawa ko. Lahat ay napatingin sa akin.

Why is she asking a question with an obvious answer? May matutulong ba siya? Umiling-iling ako and I just continue dribbling the ball.

Tumigil naman ako nang biglang nagtilian sila. Hindi lang galing sa class namin ang mga tili, malawak ang gym namin kaya kasya ang tatlong class dito.

“Solaris!”

Naramdaman ko agad ang panginginig ng buong katawan ko at lumingon sa likuran ko. She's wearing sporty shorts and a shirt.

She's running while dribbling a ball.

Hunakbang agad ako paatras.

Hindi lang siya ang pumasok and they all look like athletes.

I can't help but notice her muscles. It's toned and well-defined without appearing overly bulky. Sakto lang ang katawan sa height niya.

“Guys! Back to our class!”

Tumingin ako sa professor namin.

The hell! She did not just catch my attention!

After our class the teacher gave us time to take a shower. Which I need badly. We have shower rooms, hindi nga lang gaano malinis pero okay na. We also have lockers where we can leave our things.

Magkaiba naman ang shower ng lalaki at sa babae.

“Kailan sila nag break?”

Habang kinukuha ko ang towel ko ay hindi ko mapigilang pakinggan ang mga kaklase ko.

“Last week raw?”

“So meaning…may chance na tayo?”

Kumunot ang noo ko. Chance?

“As if naman magugustuhan ka niya.”

“Gosh, to have Solaris as a girlfriend.”

“Haha girl she's a walking red flag, but you're right she's hot.”

What? This school is sick.

Papasok palang ako ng shower room nang banggain nila ako. They are doing this on purpose. Walang lagayan ng damit dito sa loob, only for towels. Baka mahulog lang ang damit na pinahiram sa akin ni Andrea. Pinahiram na nila sa akin halos lahat ng mga kailangan ko ngayong araw.

But our lockers don't have locks.

Sumabay na rin ako sa iba. I opened the shower and let the water cascade over my body.

Pinatapos ko lang ang iba, wala akong pakealam ngayon kung naghihintay pa ang prof namin sa labas.

Isang oras nalang rin makakalabas na ako.

I turned off the shower and wrapped the towel all over my body.

Pagkabalik ko sa locker room ay napahinga naman ako ng maluwag nang makitang buhay pa ang bag ko.

Agad ko itong kinuha pero agad kong napansing magaan na ito.

No…they did not. We still have class. They can't play pranks on me right now.

“This is cute. Hindi ko ‘to nakita kagabi.”

Solaris!

Agad kong binitawan ang bag ko.

“Give it back!” sigaw ko.

She's playing with my panties!

“Oh at least you have a normal size chest.”

Napayuko ako at napatingin sandali sa dibdib ko. Great now she has my bras!

“Ano ba!” sigaw ko at nilapitan ko siya pero agad rin niya itong itinaas at itinulak ako.

“No!” sigaw ko nang bigla niya itong sirain gamit ang gunting.

Napapikit ako ng mariin.

“Stop it!” sigaw ko.

“Make me,” sabi niya at sinunod naman niya ang bago kong kinuhang uniform at ang damit na pinahiram lang sa akin na dapat ay susuotin ko rin ngayon.

I never did this before but I gave up!

I intentionally let the towel wrapped around me fall to the ground revealing my bare skin. She lifted her gaze and I saw her stare in astonishment at what she's seeing right now.

“Oh? ano? gusto mo akong lumabas ng ganito? Would it make you happy? Satisfied? Titigilan mo na ba ako?”

I have already hit rock bottom.

She didn't answer and we remained staring at each other.

Umiwas lang ako ng tingin nang may narinig akong mga boses sa labas. Nakaramdam ako ng kaba na baka pumasok na sila. Bigla naman siyang tumayo at lumakad palapit sa akin.

What now?

Wait…she's starting to look blurry.

Solving the Puzzle (GL)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang