17

103 8 3
                                    

17: Little

“Don't worry…I’m straight. I’m not into girls,” sabi niya nang makapasok kami sa room niya. Lahat naman ng kwarto dito magaganda at komportable talaga. Malinis at mabango.

Naiilang lang ako kasi hindi ko naman kilala itong kasama ko ngayon. Pumasok siya ng banyo at ako naman ay naupo sa sofa.

Napangiwi ako nang makaramdam ako ng kirot sa paa ko, mas komportable ako dito.

“Hey I’m done.”

Napalingon ako kay Serenity and woah holy moly…She's like a goddess! She looks hot just by wearing a bathrobe! Ang unfair naman yata ng life, how come she has that snowy, but glowing skin.

“Oh?”

Agad akong umiwas ng tingin.

Is there something wrong with me? that I also find Serenity handsome?... She can also pull girls. Baka imbes na ako ang mailang ay baka siya ang mailang sa akin.

There is something wrong with me because I’m panicking.

“Are you alright?”

Inangat ko ang aking tingin sa kanya at nakatayo na pala siya sa harapan ko.

“Ah makikigamit ng banyo,” sabi ko.

“Sure.”

Agad akong pumunta ng banyo at agad ko rin itong ni-lock. Huminga ako ng malalim at sinapo ang dibdib ko. This is not right. Kumalma ka Juliette!

Agad kong hinanap ang mga hygiene necessities nila at syempre ginamit ko. Kasama na ‘to sa binayaran. Besides, I don't have anything with me.

Nang matapos ako ay lumabas na ako.

“I have…extra sleep wear.”

“Ah okay lang, salamat,” sagot ko sa kanya.

Now she's wearing glasses and reading a book in the bed while leaning against the headboard. I can sleep here on the sofa.

“Matutulog ka na ba?” tanong niya.

Ang daya, kung gaano kahinhin ang mukha niya ganon rin ang boses niya.

“Ah sana,” sabi ko. Wala naman na kasi akong ibang gagawin.

“Come…lie beside me. The bed is huge.”

“Ahh…wa–wag na. Okay na ako dito,” sabi ko at naupo sa sofa.

“Why?”

“Ahh…kasi.”

“I’m not Solaris and Eight.”

“Hindi! Hindi ganon.”

“Malaki naman ang higaan ah,” sabi niya.

“Good night!” Nakangiting sabi ko at agad ng humiga.

“Here, have this.”

Inangat ko ang tingin sa kanya. Hindi ko namalayang nakaupo na siya sa may gilid ko at may hawak na unan.

May unan naman na ako.

“This is more comfortable,” sabi niya. Napaupo naman ako at tinanggap ang unan.

“Thank you. Bakit?” Napansin ko kasing nakatitig siya sa akin.

She's like staring into my soul and it's like it's trying to convey unspoken emotions.

“May–may problema ba?”

Umiling siya bilang sagot.

“You have skip a class again today,” sabi niya. Napangiwi ako sa sinabi niya at umayos ng upo dahil bigla siyang sumandal sa cushion.

Solving the Puzzle (GL)Where stories live. Discover now