13

115 9 5
                                    

13: Princess

After one hour of staying she let us go.

Wala siyang ibang sinabi basta pinalabas niya lang kami.

Totoo nga ang sabi nila, tahimik lang sila. Mula kay Solaris, Eight I think she's the hardest to read. Nakapasok ako sa second subject ko na hindi late.

“Eyes on the presentation!” sigaw ng prof namin at tumahimik naman sa wakas ang classroom naming maingay.

Napansin ko ring nakatingin ang ibang kaklase ko sa akin at hindi ko alam kung bakit.

The bell rang, lunch time na. I closed my eyes and I’m already prepared for whatever they're going to throw at me.

Pero ilang segundo ang lumipas ay walang lumapit, humawak o nanakit sa akin. But I can see my classmates are still being bullied.

Why?

Tumayo ako at hinintay na may tatakbo at sasampalin ako bigla o di kaya itutulak pero wala. It's…weird.

Lumabas ako. May iba napapatigil at napapatingin lang sa akin tapos tumatakbo lang sila palayo sa akin. What's happening?

I just got detention. Yon lang naman.

I decided to go to the canteen since no one is attacking me. This is the first time.I have ordered food with peace in the  canteen.

Agad akong naghanap ng pwesto at hindi naman ako nahirapan.

Kakain na sana ako nang may biglang bumagsak na kamay sa harapan ko. Inangat ko ang aking tingin and it's Solaris.

“Who gave you that necklace?” she asked.

Necklace?

“Let her have her lunch Solaris.” I looked at the back and saw Eight. “Also, stop bothering her. From now on she's under my control.”

Control?

Naalala ko bigla ang kwintas na binigay niya. No way!

“Sure!” sigaw bigla ni Solaris at nagtama ang mga mata namin. “You should invite her at our table next time,” sabi niya pero nasa akin pa rin ang tingin niya.

Hindi ko naman napigilang pansinin ang mga pasa at sugat niya sa braso at…kahit sa mukha niya. Saan ba siya galing at palagi siyang may mga sugat?

“Next time.”

“Guys, let's order food now, I’m so hungry.” Napalingon ako kay Hazel and she just rolled her eyes on me.

“We still have a meeting.” Tumingin ako kay Serenity. Nandito silang apat.

“Enjoy your lunch.” Nakangiting sabi ni Eight sa akin. Hindi ko naman alam kung ngingiti ba ako pabalik sa kanya.

This necklace explains everything. Kaya ba walang nananakit sa akin ngayon? Am I being saved? Kailangan ba akong maging masaya dahil dito?

O…matakot?

Tumingin ako sa kanila and they are on their table already. They're in the middle. Napapikit naman ako ng mariin nang may biglang magkagulo sa isang table.

Tumingin ako sa kanila ulit at parang wala lang sa kanila. Dapat masanay na rin siguro ako. Natigilan naman ako sandali nang makita kong nakatingin sa akin si Solaris habang nilalaro nag rubiks na hawak niya.

Why is she staring at me intensely!

Tinapos ko lang ang pagkain ko at lumabas na agad ako.

“Wait, Juliette?” Napalingon ako sa likuran ko.

Solving the Puzzle (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon