11

128 9 1
                                    

11: Inviting

“Ano?!” sigaw ko sa kanya.

“We can do it here,” sabi niya at nilibot ang tingin sa rooftop.

Do what?

“Ayaw mo ba?” tanong niya.

Ngayon ko na naiisip ulit ang sinabi nila Andrea tungkol sa kanya. She also wanted to lie with me? Pero bakit?

“Ayoko,” sagot ko at aalis na sana nang bigla niyang hawakan ang braso ko.

“Why?”

“I don’t wanna DO it with girls,” sagot ko.

“Ohhh..” Binitawan niya ako bigla.

Is this really Eight? itong kausap ko? Talaga bang siya ‘to?

“Do you prefer it with boys then?”

Umiwas ako ng tingin sa kanya. “Hindi,” sagot ko. Hindi naman ibig sabihin na hindi ako pumapatol sa babae at hindi ko sila papatulan para lang maging ligtas ako ay gagawin ko na sa kahit sinong lalaki.

This is only for my future husband.

“Sayang,” sabi niya.

“Why?” tanong ko. “Why are you asking this?”

“Cause I want to, I’m in the mood,” sagot niya.

They are all sick! This is shit!

Natulala naman ako nang bigla siyang tumawa. Tinaasan ko siya ng kilay.

“This is the first time I got rejected. I’m sorry, I thought you’re into me.”

Yes, she’s cute, pretty and handsome, I admit she made my heart skip a beat but I’m…not into her…I mean oo kung lalaki siya! Pero kahit ano pa man! I will never give my body freely! Kung kailan nila gusto, anong tingin nila sa akin?!

Napairap ako at umiwas ng tingin sa kanya. Aalis nalang ako.

“Hey, wait…you can stay. Let’s wait for the sunset.” Nakangiti niyang sabi.

Did she just change her mood in just a snap?

“Maghintay ka mag-isa,” sagot ko.

How can I stay with someone who just asks me to lie with her?

“Come on,” sabi niya.

“You’re…scaring me,” sabi ko at mas lalo akong kinabahan nang mawala ang ngiti niya. What if she’s more dangerous than Solaris?

“I’m sorry.”

I exhaled when her voice suddenly softened.

“Watch the sunset with me.”

May mga sirang upuan at mga lamesa dito sa itaas. Umupo siya sa isa sa mga mahahabang lamesa.

“Or unless…gusto mo ng bumaba?” tanong niya.

I rather stay here kahit hindi ko alam anong mangyayari rin sa akin dito. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

Besides, my body is already aching. Hindi ko na kaya. I only have a few days left but it will always depend on them right? Napatitig ako sa kanya, she’s different from the first day I saw her.

“Here,” sabi niya at inabutan ako bigla ng beer in can. Napasilip ako sa likuran niya, ang daming kalat ng beer at kung ano pang bote ng alak.

“Hindi ka umiinom?” tanong niya at agad akong umiling.

Solving the Puzzle (GL)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz