1

58 5 0
                                    

November 28, 2015

"Hay nako!! Mr. Paeste! Bilisan mo jan. Ikaw nalang ang hinihintay!" Hindi ako nakaligtas sa nakakarinding bulyaw ni mam Assuncion pagdating ko ng school ground.

Imbis na sumagot ay tumakbo ako papasok ng bus #4 kung saan ako sasakay at linagpasan ang teacher kong putak nang putak. Hindi ko naman gustong malate eh. Malay ko bang may ililibing pala ngayon, tapos one way pa ang daan, ehdi traffic ang bagsak. Ang init init na nga eh, pinapainit pa ni mam ulo niya, baka mamaya niyan pag sumagot pa ako, talunin niya yung record ng Mt. Pinatubo sa pagsabog.

"Oy! R.I.P darating ka pa pala? Akala ko hindi na. Ingat nalang sa atin sa byahe. " sabulong sa akin ni Marco, ka-klase ko, sabay nagsign of the cross pa nang sabuhin niya ang huling linya.

"Gung-gong! Na-tyempohan na may prosesyon ng libing, ehdi traffic. " sagot ko naman sabay upo sa tabi niya. Ang huling bakanteng pwesto dito sa bus. Ehdi nice, nahiya naman ako. Sisihin nila yung ililibing.

Science camp kasi namin ngayon dito sa school, merong side trip at yun ang pupuntahan namin ngayon. Tapos mamayang hapon ang start ng camp at iba pang activities. Isang Science exhibit ang pupuntahan namin sa SM event center, sponsord by Explorium daw yun.

"Ano ba yan Raymund, hindi ka nga habulin ng babae, habulin pa ng patay. RIP pa more brad!." Sambit pa niya kaya naman siniko ko na kaniyang ikinatawa pa.

Maingay ang buong bus, as in sobrang ingay. Mga 3rd year kasi ang kasama namin dito sa loob, at walo lang kaming 4th year students na nahalo dito, late kasi kami nakapagbayad. Nagsisi-alisan na ang bus, ordinary bus lang. Kaya naman mas lumakas ang ingay, ayoko sana itong samahan dahil galing na ako sa Explorium sa MOA. Pero required kaming lahat na magkakaklase, alin sunod sa project na daw namin ito sa Science ngayong second grading.

RIP stands for Raymundo Ignacio Paeste II. Ang saya ng pangalan ko diba? Raymund nalang for short para astig, masyadong baduy at makaluma ang Raymundo.

May kausa naman itong katabi ko kaya no choice ako kundi manahimik nalang habang may kaniya kaniyang daldal ang mga nandito sa bus. Nahagip naman ng mata ko yung nasa tapat naming dalawang babae sa kabilang side. Kung makapag kwento naman wagas, with matching facial expression at gestures pa. Pwede na niyang palitan yung host ng MMK.

"Hoy Raymund! Yung libre ko! Sinisingil ko na yang pangako mong yan!"

"A-aray!" Naputol ang pagmumuni muni ko nang hinalin pa yung buhok ko. Pambihira naman oh, sino pa nga ba? Ehdi si Jonica, yung ka-klase kong mabigat ang kamay.

lumingon ako sa likuran ng upuan ko kung saan siya nakaupo.

"Bat kailangang manabunot?" Daing ko sabay himas sa anit ko, masakit yun. " Promises are meant to be broken uy!"

Nung isang araw kasi nakain ko yung Reedges niya. Akala ko kasi yun yung akin, pareho kasi, eh yun pala, tinangay na ng mga gung-gong kaibigan yun akin. Kaya sabi ko nalang ililibre ko siya ngayon, pero nakaka-kota na siya kasasabunot sakin ah.

"Hoy! Wag kang ganyan!" sagot naman niya. "Wag kang maduga RIP!"

"RIP mukha mo! Sabihin mo sa pagong baka sakaling pakinggan ka." sagot ko naman sabay ayos ng upo. dinig ko pa yung mala-mangkukulam niyang mga bulong, pero bahala siya jan, ililibre ko naman talaga siya. Trip ko lang na asarin siya, madaling mapikon eh.

Walang masyadong nangyari maghapon. Mag-aalastres na ng hapon nang mkabalik kami dito sa school. Nagkanya-kanyang tayo na ng tent, allowed kasi ang magtent kahit na may designated rooms per sections.

"Bro! Tara bili muna tayo ng mainom sa canteen. " kalabit sa akin ni Geo- kaibigan ko. Kaya tumayo naman ko mula sa pagkakahiga at inilagay sa bulsa ang phone na hawak ko.

The Paramour's CryWhere stories live. Discover now