4

31 2 0
                                    


  ■▪■▪■  

First Conversation

Raymund

Hi! :)

LJ

?

Raymund

Pwede makipag kaibigan?

LJ

Sino ka? Kilala ba kita?

Raymund

Raymund pangalan ko. Schoolmate tayo
Lagi nga kita nakikita eh.

LJ

Ang stalker mo. Ayoko makipagkaibigan sayo.

Raymund

Halah! Grabe naman ito, stalker agad? Nasa isang school lang tayo. Check mo kaya profile ko, baka sa sakaling maalala mo na ako yung nakabunggo sayo noon.

LJ

Nah! I'm not going to waste time for that

Isa pa, anong nakabunggo na?

Raymund

Taray naman nito.

Matagal na yun, naalala mo nung Science camp? Nung may nakabungo ka nung hapom ng first day? Ako yun.

LJ

Huh? As if I care. Kinalimutan ko na kung sino yung mga yun.

Raymund

Ako nga po yun.

Ang sungit mo naman. Sa liit mong yan  ganyan ka ba talaga kataray?


LJ

Paki mo ba? Sige matutulog na ako,

Chaka pwede ba? Wag kang mapang lait.

Raymund

HALA?? Di naman kita nilalait ah

____________________________________________________________________

March 10, 2016

Mukha na akong timang sa totoo lang, dahil kanina pa ako nakangiti dito at tumatawang mag-isa. Nakatanggap na nga ako ng batok mula kay Paulo dahil nagmumukha na daw akong tanga.

Pagod na kasi ako sa dinami-dami ng kailangan naming i-compile ngayong araw na ito. Kakatapos lang ng Final Exam namin kahapon at ngayon nagcracramming kami ng requirements para sa mga subjects. Kailangan kasi naming i-submit lahat hanggang mamayang alas quatro ng hapon.

2:30 pm na pero may tatlong gawain pa akong kailangang tapusin sa Ekonomiks. Pero pagod na ang utak ko kakaisip kaya itinigil ko pansamantala at nagpag-isip-isip na magbasa ng conversation namin ni Luna sa chatbox.

The Paramour's CryWhere stories live. Discover now