3

23 3 2
                                    

Hello Ann Ms_Royalty13 :)
~

January 16 2016

Birthday niya ngayon, pano ko alam? Narinig ko lang. Naglalakad at halos takbuhin ko kanina papuntang Math building dahil late na ako nang mirinig kong may nagsabi ng "happy birthday Luna!" Sa likuran ko kaya nilingon ko naman. Nasa likuran ko pala siya ay yung bumati sa kaniya, nakasalubong lang.

Dahil late na ako nun, nagmadali ako paakyat ng 2nd floor, pero anak ng butiking baboy! Walang tao sa room ni sir, naalala ko, may meeting pala ang teachers ngayon kaya maglilinis dapat sa classroom.

Nang makarating ako sa room, as usual. Maingay, pero nakalinis na sila. Hinanap ng mata ko yung dalawang ugok kaso wala naman kaya naupo nalang ako sa sulok. Di ko rin kasi type makipagdaldalan ngayon.

In-open ko yung cellphone ko chaka nag open ng mobile internet, mag-c-COC na lang ako. Kaso may biglang nag pop-up na isang chat head. Si Luna.

LJ

Walang good sa morning your face!
Everytime na babangon ka is already good in the morning.

Napangiti nalang ako. Kahit sa chat lang ang sungit sungit niya. Active siya 3 minutes ago. Siguro naman naka online siya.  Nagstatus kasi siya kanina, ang sabi,

Today is another day to spent again. I thank the Lord for waking me up again. GoodMorning :)

Nagpm ako sa kaniya, sabi ko naman 'walang good sa morning.' Wala lang, just to pissed her off. Parang ang saya niya kasing pagtripan lalo na't ang dali niyang maasar, yan ang una kong napamsin nang una ko siyang nakachat. Oo, maski sa chat ang sungit niya, triplehin mo na kesa sa personal. Nagreply naman ako. Hindi ko parin pala alam kung ano yung J Sa pangalan niya, kinukulit ko siya pero ayaw sabihin.

Raymund

Anong pinaglalaban mo ngayon?

Sa lahat na yata kasi ng nakilala ko, siya yung taong pinaka seryoso. Yun bang hindi mo siya mabiro. Kapag pinilosopo mo, babarahin ka ng "it was just a matter of using your common sense" . Ang ganda sanang sakalin dahil sobrang KJ.  At dahil mapride din yata siyang tao, kahit pikon na pikon na yata siya nagrereply parin.

Inoobserbahan ko rin siya sa malayo sa school. Masyado siyang tahimik. Parang nakakatakot kausapin dahil sa mga mala dragon niyang aura, oo dragon talaga. Wag mong gagalitin dahil baka bugaan ka ng apoy.

Pero ako?  Bago pa niya ako mabugaan ng apoy, nakaready na ang isang baldeng dugo na isasaboy ko sa kaniya. Kung si Superman, kryptonite ang katapad. Si Luna, dugo ang magpapahina sa kamalditahan niya. Pero syempre di ko naman gagawing sabuyan siya ng dugo, papaliguan ko nalang siya ng pagmamahal ko.

Biro lang, ayoko nga sa maliit diba? Gusto ko lang kasing iniis siya. Yung tipong kulang nalang hablutin siya ako mula sa screen at pagsasakalin.

Matapos ang mga limang minuto na paglalaro ko, biglang nagvibrate ang cellphone ko. Notification. Baka naman si Luna na. Hinintay ko munang matapos yung ni-rade kong clan bago ko in-exit ang nilalaro ko.

Hindi ako nabigo dahil siya nga.

LJ

Pinaglalaban ko?
Na bwisit ka, wala kang ibang magawa kundi mang bwisit ng araw. Sino ka ba talagang damuho ka ha?!

Mahina akong napatawa sa sinabi niya. Kaya mahal na mahal ko itong liit na ito eh, mahal na mahal ko siyang asarin.

Raymund

So, nabwibwisit ka nga?

Chaka ano? Di mo na ako kilala?

'Sino ka ba talagang damuho ka' Mukhang may isang sakit pa yata itong babaeng ito ah. Ulyanin. O dili kaya may saltik yata talaga ito ah.

LJ

Che! Mamatay ka sana!

Tatanungin ko ba kung sinong hampas lupa ka kung kilala kita?

Raymund

Matagal na akong patay sayo hahaha xD

Grabe ka ah! Kanina damuho ngayon naman hampas lupa? Di mo ba talaga ako naalala?

LJ

Bwisit ka! Ililibing kita 6th feet below the ground!!

Hindi! Sino ka ba??

Raymund

Tignan mo nalang profile ko, baka sakaling maalala mo naman ako. Hahahah, sige ba, basta kasama kita sa hirap man o ginhawa sa hukay. 

LJ

Mamatay at ilibing kang mag-isa mo. Hindi ko pinangarap na makasama sa hirap o ginahawa ang isang stranger na katulad mo!

Raymund

Mas masaya kung kasama ka

Stranger? Stranger talaga?

LJ

Bakit? Ni hindi nga kita kilala. Ang creepy mo nga eh, para kang kabute na bigla bigla nalang sumusulpot. Malalaman ko nalang na alam mo kung nasan ako!!!

Raymund

Asar ka na niyan?

LJ

Hindi!!! Eembyerna lang sayo!

Raymund

Kasalanan ko bang nasa iisang school lng tayo at lagi kitang nakikita?

Hahahah, sige bye. May klase na ako.

Happy Birthday pala.

The Paramour's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon