5

25 2 0
                                    

May 1, 2016

Kasalukuyan akong nags-scroll sa facebook sa aking laptop habang hinihintay matapos yung dina-download kong movie. Ayoko ring maglaro ng LOL dahil lintik yan, natalo ako sa pustahan namin ng pinsan kong magbakasyon dito sa probinsiya na galing Manila, nasayang tuloy yung limang daan ko.

Maya't natamaan ng mata ko yung post ni Kaiffer. Magkasama sila ni Luna sa picture tapos nakahashtag ng #PatarWhiteSandforOneWeek. Nasa Bolinao pala sila ngayon, hindi ko na kasi nakakatext si Luna mula nung April pa magbuhat pinagdive ng isa kong pinsan yung cellphone ko sa Falls.

Second week of April nun nung umuwi yung kapatid ni papa at pamilya niya galing Manila, tapos nag-aya silang pumunta sa Bolinao Falls. Syempre total bakasyon naman na, pumunta kaming lahat.

Di ko naman ineexpect na ganun pala kalayo yun, mantakin mong 5kilometers mula main road tapos rocky road pa. Naawa nalang ako sa gulong ng mga sasakyan, sulit naman nhng narating namin, kasi ang ganda pala.

30 feet kalalim yung falls kaya naman kung gusto mong makarating sa gitna kailangan mong maglifevest. Marunong namang akong lumangoy kaso iba parin yung safe ka.

Pwede ka ring tumalon mula sa taas doon sa pinang gagalingan ng tubig pababasa falls. Nagkaaayan kaming mga lalaking magpipinsan na tumalon, ayon nga, pagbalik ko ng cottage, pinalangoy pala ng pinsan kong babae yung cellphone ko matapos akong ivideo. Buti nalang nakuha pa nung bata na nandun, yung anak ng nagbabantay sa falls.

Pero nakakaasar parin, wala na yung inipon kong conversation namin sa text ni Luna. Gagastos pa kasi ng limang libo sa pagpapaayos, kaya sabi ni ate, ibibilhan nalang niya ako ng bago, pero sa June pa ang dating niya galing America. Doon kasi siya nagtratrabaho bilang nurse.

Asar din yung maliit na yun dahil hanggang seen lang lahat ng message ko sa kaniya sa facebook. Pagnakita ko yun, kukutusan ko na yun pag nakita ko eh. Mukhang nagdidiwang pa na hindi ko na siya natetext, palibhasa laging pikon dahil di marunong makipag-asaran.

June 24, 2016

"Mundong kain na. "

Asar kong nilingon si ste sa pintuan ng kwarto ko, ang gwapo ng pangalan kong Raymundo, ginagawa niyang Mundong, ok sana kung Mundo kasi naiintindihan ko namang mahal ako niyang ate ko kaya sa akin umiikot mundo niya, pero yung Mundong? Baduy uy! Nadelay kasi yung flight ni ate, kararating niya lang ngayon, second week na ng June.

Nakuha ko na rin yung bago kong cellphone sa kaniya, supplier ko siya ng gadgets eh. Anim na taon kasi ang agwat naming dalawa kaya lahat ng gusto ko nakukuha ko sa kaniya, hinaharang nga lang nila mama at papa minsan. Mahirap talaga kasing makipagtalo sa nanay habang katabi ang Judge na tatay.

Walang sagot na nagtungo ako sa kainan. Sigurado akong si ate ang nagluto, bago sa akin yung ulam eh. Beef Brocolli sana kaso merong Tofu tapos Zuchini yata tawag dun? Basta yun na yun ang importante, makain. Gutom na rin ako eh, hindi rin kasi ako nagmeryenda sa school kanina, kaya lulubusin ko na ngayong hapunan.

"Wala kang girlfriend?" sarap na sarap akong kumakain bago ako inintriga ni ate, halos mabuluan ako sa tanong niya samantala napatawa si mama at tumingin din sakin si papa. Minsan kasi nahuli ako noon ni mama na katext si Luna, malay ko bang nasa likod ko pala siya tapos ngiting ngiti pa ako. Minsan pa nun, tumawag si Kaila, ex ko yun. Si mama ang nakausap niya.

The Paramour's CryWhere stories live. Discover now