Last Cry

27 2 1
                                    

September 23, 2016

Dalawang buwan na ang nakalilipas noong namatay siya, at sa hindi ko rin alam halos inaraw-araw kong dumalaw sa puntod niya. Alam kong ubod ako ng gwapo at habulin ng chicks, pero kahit naman patay na siya, papatunayan kong seryoso ako sa kaniya. Kasi naman, hindi ko pa nga nasasabi sa kaniya ng harapan na mahal ko na siya, sinalubong na niya yung tatlong bala ng baril.

Kada uuwi ako ng hapon, dumadaan muna ako sa isang flower shop para bumili ng bulaklak para sa kaniya. Minsan pa nga tinanong ako ng nagtitinda..

"Iho, anim na araw mo nang dumadaan dito ah. Ang swerte naman ng nobya mo. " sabi ng matanda. Napangiti nalang ako, nobya? Ang gandang pakinggan sa tenga. Nobya mo...

"Nako, hindi ko po girlfriend yung pinagbibigyan ko ng mga bulaklak na binibili ko sa inyo. " tugon ko naman.

"Eh kanino? Sa mama mo? O nililigawan mo." Abot ngiting pag-uusisa nito.

"Hindi po ang mama ko. Yung dati ko pong nililigawan.." sagot ko.

"Ha? Dati mong nililigawan? Eh bakit binibigyan mo pa araw araw? Ibig mo bang sabihin sinagot ka na niya kaya di mo na siya nililigawan? "

"Hindi po. " hindi ko pa noon alam kung paano ko ipapaliwanag pero nasabi ko rin lamang. "Patay na po siya. Isang linggo ang nakalipas. "

Ang hirap bitwan ng salitang iyon, hanggang ngayon kasi parang ang hirap parin tanggapin na habang buhay wala na si Luna. Pakiramdam ko isa lang itong panaginip na kailangan ko nang magising para takasan ang pangyayare. Pero hindi eh, wala naman akong dapat takasan talaga dahil reyalidad ito.

Napatigil ang matanda sa ginagawa niya tumingin sa akin. Ngumiti nalang ako na parang walang nangyari. Para narin mapigilan ko yung luha kong nagbabadyang umagos. Ayokong may nakakakita sa akin na umiiyak. Baka sabihin pang bakla ako. " Sige po. Mauna na ako, dadalaw pa kasi ako sa puntod niya. "

Simula nang araw na iyon ay may discount ako sa nagtitinda tuwing dumadaan ako para bumili ng bulaklak. Minsan pa nga libre eh. Kaso nahihiya naman ako kaya binabayaran ko parin.

Heto ako ngayon, nakaupo na naman sa damuhan sa tapat na naman ng puntod niya. Kaninang alas kwatro pa ako dito ngayon, palubog na ang araw pero wala pa akong balak umalis. Marahil sa loob ng dalawang buwan ito na ang huling dalaw ko rito sa puntod niya. Naka-petition kasi ako papuntang America kung saan ko ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Nagulat nga ako eh, hindi ko alam na iniayos pala nila mama ang papers ko.

Sa loob ng dalawang buwan, minsan nagpupunta lang ako dito pa umiyak, tulad ngayon. Nakakapeste ka pala Luna, nagmumukha na akong timang dahil sayo. Hindi naman naging tayo pero kung magluksa ako parang kinasal na tayo.

Nakakatawa lang, bakit nga ba ako umiiyak ? Buti nalang walang ibang tao dito kundi ako lang. Ayokong may ibang nakakakitang umiiyak ang isang gwapong tulad ko. Muli kong hinaplos ang pangalan niyang nakaukit sa lapida..

Luna Jan Abygail G. Del Prio

Napatawa naman ako nang mahina doon sa initials na nakaukit sa taas ng pangalan niya.

R.I.P.

Raymundo I. Paeste

Para bang may sariling utak ang daliri ng kamay ko dahil nagkusa itong gumutin ng ng hugis puso sa pagitan ng RIP at Luna Jan Abygail G. Del Prio.

Kasabay nun yung pagtulo ng luha ko sa tapat ng pangalan niya. Bwisit ka talaga Luna, pagdating sayo, nagraracing yung mga luha ko. Ba't ba kasi na-imbento itong pag-ibig na ito? Ang tanga ko rin, nagmahal na nga kasi ako, sa mamatay pa. Malay ko rin ba?

The Paramour's CryWhere stories live. Discover now