2

40 3 3
                                    

December 07, 2015

Ang kauna-unahang lunes ng Disyembre sa kalendaryo. At sadyang nakakaasar lang ang araw na ito dahil unang subject palang namin isang nakakabaliw na tanong ng Science teacher ko sa akin dahil na-late ako sa klase niya.

"Oh dahil late ka Mr. Raymundo, ikaw nalang sumagot ng tanong ko. " pagkapasok na pagkapasok ko ng classroom, hindi pa ako nakakabati ng goodmorning, q&a agad?

Isa pa, ni hindi ko nga alam ang diskosyon nilà bago ako dumating. Masama din ang kutob ko sa tanong naiyon.

"Ano ba yan mam!" Reklamo ko pa. Ipalamun ko siya sa statue ng Buwaya na nakadisplay dito sa room niya eh.

"Abah eh kasalanan mo, bakit ka kasi late papasok ng subject ko, pasok." Sabi ni mam.

Cue naman iyon na uupo na si Tristan na nakatayo kaninang dumating ako, dumeretsyo narin ako sa bakanteng upuan sa gitnang parte sa tabi ni Geo. Maingay ang buong classroom, lalo na ang boys.

"Anong meron dito?" Tanong ko kay Geo. Nakikipagtawanan din siya kina Alfred at Miko bago ko kunin ang atensyon niya.

"Basta makinig ka nalang sa tanong ni mam sayo, yan kasi nagpalate pa. " tanging sagot niya tapos tinalikuran ako, nanatili akong nakatayo at hunarap na kay mam. Asar.

"Ok. Here's the situation. Sabihin mo kung anong gagawin mo sa situation." Simula na mam Placido tapos umupo ng maayos. "What will you do pag nalaman mo or let say sinabi ng girlfriend mong wala talaga siyang hinaharap. Yung nakikita mong bundok sa harap ay silicon lamang na ikinakabit niya, you know modernize na ang pamumuhay ngayon. "
Pucha! Anong kalokohan ito mam?

Si mam Placido yung tipo ng teacher namin na ang hirap magets. Kumbaga weird! Basta. Akala ko tapos na siyang magsalita pero hindi pa pala, meron pa palang mas magpapalakas ng ingay sa room.

"As we all know naman na you boys are attractive with big boobs." Langyang Reproductive system kasing lesson ito! Nagsigawan naman kaming boys. "Now, anong reaction mo?"

Natawa ako, hindi ko rin alam kung anong isasagot ko. Pero deep inside, syempre ayoko ng ganun noh! Syempre yung ano, yung coca-cola shape body naman, Kalokohan naman oh.

"Mam syempre ano.."hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil natatawa talaga ako.Lokohan ba ito? Ang awkward ng tanong. Nakakainit na ewan. Tae naman!

Buti nalang talaga kanina saved by the bell dahil dunating yung HT ng Scie Dept. may urgent meeting daw sila kaya di na natuloy ang kaganapan kanina.

Lunch time na at palabas kami ng school, napagdesisyonan naming sa bayan na kumain, si Paulo ang kasama ko naman ngayon, nagkayayaan kasi yung ibang kaklase namin na magpunta sa Comshop, Dota raw, pero sabay kaming nag pass ni Paulo, pati parehas na kasi kaming gutom dahil pareho din kami di kumain ng agahan.

Busy siyang katext ang girlfriend niya habang naglalakad. Ibang section kasi si Marielle kaya hindi sila nagkakasabay paglunch.

"Gago! Sa dinamidami ng babaeng pwede mong galawin bakit yung syota ko?!" Dinig na sabi ng isang galit, ala hulk na siguro sa galit, sa di kalayuan. Away sa babae? Kaya nga ayoko nang mag girlfriend uli muna.

The Paramour's CryWhere stories live. Discover now