Prologue

577 16 0
                                    

Prologue

Ang sarap talagang matulog at humiga sa malambot na kama. My God, halos dalawang araw nakong walang tulog dahil sa pagiimbistiga ng dalawang bangkay na involve sa isang kaso. Kaya ano pa bang mas sasarap kundi ang matulog ng walang iniisip na oras sa ganitong pagkakataon diba? Lalo na kung minsan ka lang magkaron neto. Pero  alam mo yung minsan ka na nga lang makakatulog ng desente e may bwisit na kakatok sa pinto mo, pagkakataon nga naman oo.

Nandun na eh nakuha ko na yung pwesto ko saktong sakto na pero dahil sa istorbong katok ng katok sa pinto ng bahay ko e nasira na ang pinakaaasam asam kong tulog.

Oo pinaka-aasam dahil ngayon lang ako matutulog pagkatapos ng 36 hours. Kulang ang salitang inis dahil sa ayoko talagang tumayo pero kailangan kong tumayo, wala akong magawa kahit parang gusto kong itali nalang ang katawan ko sa kama ko. Hay tulog kailan kaya kita makakamtan? Balak ata ng kumakatok na to na tuluyan ng sirain ang pintuan ko kung hindi ko siya pagbubuksan.

Bago pa mahuli ang lahat ay tumayo na ako at tulu- tuloy na pumunta sa front door. Life sometimes sucks yet you still need to continue living it. Just like this one, this is the only time that she can have a decent sleep but this inconsiderate person happened. Juice colored nga naman alas dos palang ng madaling araw.

Pagbukas ko ng pinto e ganun na lang ang paglupaypay ng balikat ko. Hanggang sa ganitong oras ba naman e may pasyente ako? Punong puno ng dugo ang damit ng lalaking akay ng kasama nito.

"Pakipasok siya at pakilapag sa sofa. Tanggalin mo na agad ang damit niya para mabanlawan natin ang sugat. Kung hindi pa tayo kikilos baka kailanganin pa siyang salinan ng dugo." Dali dali kong kinuha ang mga gamit ko sa kwarto at kumuha ng palanggana at mainit na tubig sa kusina. Hindi ito ang panahon para pairalin ko ang takot na baka terorista ang mga ito.

The men look decent anyway. Kahit na may tama ang isa. Wala akong panahong magtanong kung sino ang mga ito at kung saan sila galing. It is my role to help them kahit pa sabihing masasamang loob pa sila, lintik na sinumpaang tungkulin kahit na antok na antok nako yun parin ang naiisip ko.

Pagbalik ko ay ginawa na nga ng lalaki ang sinabi ko. Kung wala siguro kami sa ganitong sitwasyon ay mapapanganga muna ako at hindi magsasawang pagmasdan ang gwapong mukha ng lalaking nakahiga.

Sobrang tangos ng ilong nito, may mahabang pilik mata, pulang labi na masarap sigurong halikan, erase that one hindi ko pala dapat iniisip yon. His jaw line perfectly fits his face. Patuloy parin sana ako sa pagkilatis kung hindi lang ko nabigla sa boses sa likod ko, yan tuloy "ang harot mo Venus Yskylar akala ko ba gusto mo ng matulog?" saway ko sa sarili ko. Napaling na lang ako sa mga naiisip ko.

"Miss tapos kana ba sa pagkastarstruck? Baka pwede na tayong magsimula kung pwede lang naman kase isang pitik nalang itong mokong nato." Medyo napahiya ako don ahh. Nahuli akong tumititig nakakahiya. Hindi ko alam na natulala na pala ako.

"I'm Yves by the way and this is Pierre. i think you should know who we are. Considering that you let us in kahit na hindi mo kami kilala." Tuluy tuloy ang pagsasalita niya habang ako ay inuumpisahan na ang paggamot sa kasama niya, kung hindi lang ito kumontra.

"Tol diba ang sabi ng napagtanungan natin doctor ng patay to, bat kasi hindi nalang ikaw ang kumuha ng bala at tumahi nito. Langya naman tol gusto mo ba talaga akong mamatay?" Sabay harap nito sa kasama niyang ang pangalan raw ay Yves. Sa narinig e muntik ko ng maibuhos sa mukha ng lalaking ito yung hawak kong mainit na tubig. Magsasalita na sana ako ng sumagot si Yves.

Infairness sa dalawang to papasa silang artista. Parehong maangas ang mukha pero gwapo. Malakas ang dating, yun nga lang nakakulo ng dugo ang pasyente kong ito.

"Pierre pag ako ang tumahi niyan dika mamatay dahil sa sugat mo, mamatay ka dahil sa tetano siraulo. Umayos ka na nga ng higa." I may be dealing with cadavers now pero marunong parin naman akong gumamot ng buhay, I mean, i also do work in the hospital kapag may pagkakataon at marami akong oras.

Minsan ay pumupunta ako sa ospital sa bayan para tumulong. Mas pinili ko nga lang maging doktor ng patay. Kumbaga mas gusto kong maamoy ang embalsamo kesa sa anesthesia.

"Wag kang mag-alala, marunong naman akong gumamot ng buhay na tao, pwes kung tao ka gagaling ka. Kaya higa na." Naiinis ako sa Pierre na ito, sila na nga itong nag-istorbo siya pa ang may ganang magsalita ng ganoon.

Kung hindi lang dahil sa sinumpaan kong tungkulin ay pinalayas ko na ang mga ito.

" Ang sungit mo dok, maganda nga masungit naman. Heto na po o aayos na ng higa, smile dok smile okay?" Lalong kumunot ang noo ko at bumusangot and mukha ko. Aba't sumosobra na ito, kung hindi lang ako nagtitimpi binuhos  ko na ang tubig na hawak ko  para naman matauhan siya. kung hindi lang sayang ang kagwap... Hindi itinuloy ang iniisip ko. Napupuri ko pa siya, kapangitan niya dapat ang sabihin ko.

"Kapag hindi tumahimik itong isang to, lalaslasan ko na to ng scalpel pwede ba?" Tsaka ako bumaling sa kay Yves. Tumawa lamang ang mokong akala yata niya ay nagjojoke ako.

"Ayusin mo na tol, nang matapos na to at makapagpahinga narin tayo. At si dok, naistorbo pa sa tulog." Halatang halata naman siguro sa eyebags ko na wala akong tulog. May point talaga ang koya mo, buti pa itong Yves na to may sense kausap, samantalang hetong Pierre na ito ang sarap talagang laslasan ng scalpel. Tumataas talaga ang dugo ko sakanya. Daig ko pa ang may high blood.

" Chill ka lang dok, ang high blood mo, wag masyadong masungit tatanda kang dalaga niyan." Sabay ngiti atsaka nito inayos ang pagkakahiga niya, lalag ang panga ko. May anim na pandesal e.

Running Away From You: Pierre Adrian FortezWhere stories live. Discover now