Running Away 7

173 6 0
                                    

Vis POV

"Ano talaga ang trabaho mo before ka sumali sa Special Task Force?" I looked at him while driving. I am so curious about him right now. Wala kasi sa hitsura niya na galing siya sa mahirap na pamilya. His look says a lot of things that's why i need to know.

"So is this the part that you will ask me if i have a girlfriend?" Nakangising tanong niya. Bumusangot naman ako. Nalukot ng husto ang hitsura ko.

"Fortez bingi ka ba o ano? May narinig ka ba na nagtanong ako kung girlfriend ka? Trabaho ang tinatanong ko. Hay, Wala na pala akong tinanong Fortez, wala." Inis kong singhal sakanya. Baka masupalpal ko na naman siya pag nagkataon.

"Eto naman wag kang ganyan nagwawala ang puso ko." Humahalakhak niyang sagot. Makalalag matres na naman ang tawa ng mokong. Pinigilan kong mapangiti. Hindi na lamang ako umimik mahirap na baka masabi kong tawa palang niya gwapo na.

"Osige na baka naman magtampo ka pa diyan at kainin moko ng buhay o ang mas malala itulak moko sa sarili kong sasakyan.

Sa air force talaga ako and then after ng training ay nagtrabaho ng apat na taon at umalis din ako after. Then, i lived my life as a mercenary. I am paid to fight and alam mo na yung mas malala pa. But then General Galvano asked me to join the task force he is building again. Kaya balik sa dating buhay na naman ako." Nararamdaman kong may bigat sa bawat pagsabi niya ng mga salita. I know what a mercenary is. They are hired to kill people.

"Basta basta ka lang ba pumapatay basta may pera?" Hindi ko mapigilang tanong.

"Hindi naman ako ganong klaseng tao. I am accepting those cases na kriminal ang involve. Madami ang mga drug lord at sindikato. Madalas yung mga involve sa human trafficking. But then again wala parin akong ipinagkaiba, pumapatay parin ako." May pait sa mga mata niya na hindi ko maintidihan kung ano at saan nanggagaling.

"But the important thing is that you stopped doing it. Lahat naman may kakayahang magbago. Lalo kana masamang damo ka masyado. Magpakabait karin minsan." I joked and faked a laugh. Para naman gumaan ang atmosphere masyado na kasing mabigat.

"Akala ko pa naman bumait kana sakin hindi pa pala. Hindi din naman nagsisi na pinasok ko ang trabahong yon. In that kind of work i was able to lessen those people who doesn't deserve to be in this world." Seryoso niyong saad.

"Fortez hindi ka super hero na parang kaya mo ang lahat. Always remember na wala tayong karapatang kumuha ng buhay na hindi naman tayo ang nagbigay. Learn also to value your life."

"Aba'y diyata't concern ka sa akin ineng." Mapanuksong wika ng walang hiyang Pierre nato.

"Sinasabi ko lang, ang feeling mo!" Ismid ko.

"Promise hindi ako mamatay." Pambwisit pa nito. Itinirik ko nalang ang mga mata ko. Sabay iling.

"Ang ganda mo talaga isa pa nga?"

"Fortez pwede ba? Baka gusto mong mahulog diyan sa kinauupuan mo?" Banta ko sakanya.

"Osige ba handang handa akong mahulog basta ba ikaw ang sasalo sakin. Choosy pa ba ako?" Sabi ng siraulo sabay halakhak. Ugali na niya yata ang tumawa ng ganoon. Hindi tuloy ako makafocus sa pagsusungit. Hindi nalang ako sumagot.

"Maiba ako, pweding dumaan muna tayo sa pinakamalapit na supermarket or kahit palengke man lang may bibilhin lang sana ako." Change of mood na naman ang lolo niyo.

"Ano namang gagawin mo aber?" Pagsusungit ko sakanya.

"Gusto ko sanang bumili ng groceries, prutas at bigas para kay nanay Carmen at kay Aya. Silang dalawa nalang ba ang magkasama? Kahit yun man lang sana gusto kong makatulong." My eyes widened and my heart leaps. Hindi ko inisip na may tinatago palang soft side ang mokong na to.

Running Away From You: Pierre Adrian FortezKde žijí příběhy. Začni objevovat