Running Away 6

138 6 0
                                    

Vis POV

"Salamat sa imong tambal nga libre doktora, pati sa imong mga gamot. Malaking tulong ito sa akin." Nandito ako sa center sa bayan, dahil sabado naman at hindi ko binuksan yung punerarya at natapos ko na rin naman ang mga reports ng bangkay na dinala noong isang araw ay sinabi ko kay Kap Erning na barangay captain ng San Isidro na magmemedical mission ako ngayong araw.

Kahit naman kasi maraming ng malalaking ospital dito, may mga tao paring hindi kayang magpagamot dahil sa kakulangan sa pera. With this medical mission i gave them free check ups and medicines.

This has been my way of paying back. Kahit sa ganitong paraan man lang madugtungan ko ang buhay ng iba. Si nanay Carmen ang pasyente ko, kasama nito ang limang taong gulang nitong apo na si Aya na sa Maynila talaga nakatira pero dahil namatay ang tatay nito ng maaksidente sa construction na pinagtatrabahuan niya ay iniwan ito ng nanay niya kay nanay Carmen at nagasawa na ng iba.

Si nanay ay isa sa mga laging pumupunta kapag nagmemedical mission ako at hindi na bago sa akin ang kwento ng buhay niya.

I think this will always be a part of my life that i cannot get rid off. Ang pagtulong na lang sa iba ang nakakapag-alis ng bigat sa dibdib ko. Seeing their faces with genuine smiles  is enough to remove the pain in my heart.

 "Wala anuman po iyon nay, basta sunda lang ang akong niresetang gamot sa saktong panahon." Minsan kasi ay nakakalimutan kasi ni nanay inumin ang nireseta kong gamot para sa high blood niya.

"Ang bugtong butang nga akong maibigay kanimo ay ang among mgasaging at kamote na tanim sa bakuran. Pagpasensiya mo na ." Hidoktorandi ko alam kung paano ko tatanggihan ang ibinibigay nitong saging at kamote. Alam kong malaking tulong na sakinala kung ibebenta nila ang mga iyon kaya hangga't maaari ay gusto ko sanang wag kunin iyon.

"Kahit wala ho kayong ibigay nay, gusto gyud kong motabang kanimo." Bukal sa loob ko ang pagtulong sakanila. Kahit kanina ay mais naman ang ibinigay sa akin. Masaya na naman sigurado ang bruhilda kong best friend dahil paborito nito ang mais na kulay dilaw at mga kamote, pandiet daw ng bruha.

Maniniwala naman ba akong pandiet nito ang kamote kung kada pumupunta ito sa bahay ko laging nagrerequest ng ulam.

"Kuhanin na nimo doktora. Salamat sa imong pagtambal." Wala rin akong nagawa ng ipilit ni nay Carmen na kunin ko ang mga saging at kamote.

"Daghang salamat ho nay."

Sa loob ng apat na taon ko dito, i learned to understand and speak their dialect. 74% ng mga tao dito  ay nagsasalita ng Cebuano may mga nagsasalita din ng tagalog, waray, ilokano, bagobo at iba pa. Pinakamalawak nga lang na ginagamit ay Cebuano.

Magpapaalam na sana sina nay Carmen ng may kamay na kumuha ng dalawang saging  na bigay ni nay. Pagkataas ko ng ulo ko ay nakita ko si Pierre.

Nabigla naman ako ng biglang paluin ni Aya ang kamay ni Pierre at sumigaw.

"Kay doktora yan bakit mo kinuha!" Pinalo uli niya ang kamay ni Pierre. Habang ako naman ay natatawa sa reaksyon ni Pierre mukhang nabigla sa ginawa ni Aya.

"Bata hindi mo ba alam na kapag magkaibigan, kung ano yung sa kaibigan mo sa iyo rin?" Aba't bumuo ng sariling paniniwala ang mokong.

"Kay doktora nga kasi yan! Bigay ni lola yan sakanya e! Atsaka hindi naman totoo yang sinasabi mo. Mukhang hindi naman kayo magkaibigan ni doktora.

Hindi ka ba tinuruan dong na kapag hindi sa iyo wag mong kukunin?!" Natatawa ako kay Aya at sa reaksyon ni Pierre na napabitaw pa sa saging na kinakain na niya.

"Magkaibigan kami ni doktora bata, diba doktora? Totoo kaya yun, ikaw lang yata ang hindi nakakaalam eh." Kukunin na naman sana ni Pierre yung saging na binitawan niya ng paluin na naman ni Aya ang kamay.

"Sabi ng wag kukunin ang hindi sa iyo dong manghingi ka muna kay doktora!" Hindi ko na napigil ang tawang kanina ko pa pinipigilan. Pati si Pierre ay natawa sa tinuran ni Aya. Matalino ang batang ito.

"Salamat Aya, hayaan mo at tuturuan ko itong si dong ng tamang asal." Hindi parin naalis ang ngiti sa labi ko.

"Aya pala ang pangalan mo bata, ako si kuya Pierre." Atsaka inabot ni Pierre ang kamay kay Aya. Tinaggap naman ito ni Aya at pinalo uli pagkatapos.

"Wag kana ulit kukuha ng hindi nanghihingi dong, kung hindi papaluin ko ulit yang kamay mo." Napailing nalang at napangiti si Pierre sa sinabi ni Aya.

"Opo hindi napo mauulit." Nakangiting sagot ni Pierre kay Aya pati ang bata ay hindi napigilang ngumiti pabalik dito.

"Very good dong. Bye doktora salamat po uli sa paggamot kay lola at pati narin po sa mga gamot na ibinigay ninyo." Pinantayan ko siya at niyakap. I miss my family. Naiiyak tuloy ako. Pinigilan ko ang luhang nagbabadya ng pumatak sa mga mata ko.

"Walang anuman iyon basta balik kayo uli dito ha? Magiingat kayo ni nanay sa paguwi ha?" Nakangiti itong kumaway saakin at pagkaharap kay Pierre ay binelatan ito. Natawa kaming pareho ng katabi ko. Pagkalabas nila ay hinarap ko ang katabi ko at nagtatanong na tinignan ito.

"Nagpunta ako sa bahay mo kanina, nadatnan ko yung kaibigan mo doon at sabi nga niya ay dito ka raw niya sa center hinatid kanina at babalikan ka pagkatapos ng medical mission mo. Kaya ako nalang ang nagprisintang magsundo sayo. Halos mabasag yung eardrums ko ng sumigaw ang kaibigan mo. Hindi ko alam kung bakit" Sabi nito na parang alam na agad na iyona g itatanong ko dito.

"Siraulo talaga ang best friend ko pagpasensiyahan mo na.  O bakit mo naman ako hinahanap aber?" Nakakunot ang noo ko habang nakatitig sakanya.

"Ipapaalala ko lang ho sana na dalawang linggo lang ho ang binigay ni general at bukas na ang deadline niyon." Kumuha na naman ito ng saging sa lamesa. Now it's my turn to tap his hands.

"Kung nandito si Aya, nayari kana naman. Mabuti pa yung bata alam ang tamang asal. May pa-opo opo pang nalalaman kanina." Nagsusungit kong sagot dito.

"Pwede pong makahingi ng saging doktora sungit? Meron kana naman? Para kana naman kasing bulkan diyan, di panga kinakalabit nagaalburoto na. Paano mo nga pala nakilala si Aya?" Tanong nito na nacurious sa bata.

"Three years ago I started this medical mission at isa si Nanay Carmen yung lola ni Aya ay isa sa mga naging pasyente ko. Every three months ay nandito ang maglola para magpacheck up. Yung mga gamot naman niya bawat buwan ay ipinadadala ko sa bahay nila. Hindi naman kasi niya kayang bilhin ang mga gamot para sa maintenance niya.

Si Aya naman ay laking Maynila talaga pero nung isang taon ay iniwan ito ng nanay niya kay nay Carmen pagkatapos mamatay ng tatay ni Aya na anak ni Nay Carmen. Kaya hayun at dito na sa Davao tumira ang bata pagkatapos non." Mahaba kong paliwanag sakanya. Bigla namang lumungkot ang mga mata ni Pierre, parang may kung anong naalala at pait ang gumuhit sa kanyang mukha. Hindi ito nagsalita kaya nagalala ako.

"Ayos ka lang ba?" Hindi ko mapigilang tanong. Bigla naman itong tumango at napangiti.

"Concern na concern dok ahh? Nahuhulog kana ba sa kagwapuhan ko? Wag kang magalala nakahanda naman akong saluhin ka." Mapanukso nitong sabi sa akin. I just rolled my eyes on him. Nanumbalik ang inis na nararamdaman ko para sa mokong.

"Hoy Pierre tigil tigilan mo ako ahh at tatamaan ka talaga sa'kin." Singhal ko sakanya.

"O ayan kana naman eh, pumuputok agad wala pa naman akong ginagawa. Para mawala yang sungit mo, dala ko yung sasakyan ko isakay na natin doon yung mga gamit mo. Ikaw na ang magdrive. Sa daan nalang tayo magusap tungkol sa desisyon mo." Nagningning naman agad ang mga mata ko sa narinig. Hindi ko napigilan at nayakap ko siya. Nang marealize ko naman ang ginawa ko ay agad akong nakabawi at inayos ang sarili ko. Ngiting ngiti ang loko. Inismaran ko nalang siya.

Hindi parin naalis ang ngiti sa labi ko habang nililigpit ko ang mga gamit ko.

"Sabi ko sa'yo dok diba wag kang masyadong ngumingiti, nagwawala yung puso ko." Nakangisi nitong turan. Inirapan ko nalang siya atsaka patalon talon na pumunta sa labas, kailangan kong magpanggap na hindi affected sa mga sinasabi ng mokong mahirap na.

Pagkatapos ay lumabas din ang bwisit  habang may kagat na saging at buhat buhat ang iba ko pang mga gamit. Hindi ko maalis ang pagkakatitig sa siraulo, ang gwapo talaga kahit nakakainis.

"Gwapo ko no?" Sabi nito sabay kindat. Sinabayan pa ng makalalag matris na halakhak.

Gosh what is happening to me? Nagwawala yung puso ko at mga paru-paro sa tiyan ko. This can't be....

Running Away From You: Pierre Adrian FortezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon