Running Away 4

158 10 1
                                    

Vis POV

"Huy, Bakit para kang nagkulangan sa hangin diyan? Humihinga ka pa ba?" Tanong ka sa bwisitang si Pierre na umurong yata ang dila.

"Hindi ka man lang ba nasusuka diyan sa kinakain mo, juice colored nga naman na orange flavor bangkay ang kaharap mo pero dinuguan ang kinakain mo."

Para bang diring diri at sukang suka siya sa kinakain ko. Ang sarap kaya ng dinuguan, sayang nga walang puto eh.

"Walang pakialamanan ng trip, peyborit ko to. Walang makakapalit sa dinuguan ko kahit hainan mo pa ako ng dalawang lechon, heto parin ang pipiliin ko." Napapailing nalang ang Pierre na to.

Aba at sapo pa ang dibdib niya para bang mahaheart attack.

"Ewan ko sayong babae ka hindi na kita pakikialaman. Nagsisi akong sunflower pa ang dinala ko sana ay itinuloy ko na ang pagdala ng bonggabilya isama mo pa yung tinik nung mga sanga." Sabay inabot niya sakin ang sunflower na dala niya.

"Infairness may sweetness ka palang tinatago sa katawan akala ko made of kabwisitan ka lang meron din palang mga 5% na sweetness.

Sigurado ka bang sayo galing to ? Baka suhol to ng ninong ko para sumama ako sa grupo niyo." Tanong ko sakanya na napabusangot sa tinuran ko. Infairness gwapo parin ang mokong kahit nakabusangot, lakas maka Adam Levine.

Ngayon ko lang napagtanto na ang laki ng hawig ni Pierre dito.

"Yup, those flowers are my way of saying thank you for the last time. Salamat sa paggamot mo sakin last month kahit na alam kong dahil lang iyon sa wala kanang magagawa. Pero salamat parin kahit na bwisit na bwisit ka sa apog ko." Seryoso ang lolo niyo sa pag thank you kaya napangiti na ako.

"Wow thank you Lord ngumiti rin. Lalong gumaganda ahhh. Sabi ko sayo wag puro busangot e. Mas bagay sayo ang nakangiti." Sabay kindat ng loko.

"Naiinlove kana yata sa alindog ko? Wala kang pagasa tsong so get lost." Tsaka ko siya binelatan. Napangisi naman ito sa reaksyon ko.

"FYI po wala akong balak magmukhang sitenta sa kunsumisyon sa kakabusangot mo kung sakali." Now it's my turn to frown.

"Mas ayoko namang tumanda kung sakali sa kunsumisyon sayo. Kaya ngayon palang mabuti ng nagkakalinawan na tayo." Tsaka ko siya pinagtaasan ng kilay.

"Inuumpisahan mo na naman yang kasungitan mo. Mabuti at samahan mo nalang akong kumain sa labas, para naman makakita at magsawa kahit papano sa gwapo yang mata mo. Hindi yong puro bangkay yang nakikita mo." Hindi matanggal ang taas ng kilay ko.

"Are you asking me on a date Fortez? Inunahan na kita kanina na wala kang chance sakin,so it's a no." Singtaas na ata ng Mt. mayon ang kilay ko.

"Dok ang sabi ko samahan mo akong kumain, saan banda mo narinig ang salitang date? Ikaw siguro ang nagkakagusto na sakin no. Sabagay sa gwapo kong to, naiintindihan kita. Tsaka okay lang naman na magkagusto ka sakin basta ikaw ba." Nakangisi ito habang nakatingin saken.

"Sabi ko nga kakain lang, o ano pang hinhintay mo tara na." Tsaka ko binitawan ang tupperware na hawak ko at ibinalik sa ref.

"Hintayin mo nalang ako sa labas aayusin ko lang ang mga gamit ko. Ako ang pipili ng lugar kung saan kakain ahhh." Hindi matanggal ang ngiti sa labi ng mokong sa sinabi ko.

"Oo ba, basta wag lang dun sa karinderya ni Mang Kepweng na dinuguan ang specialty. Maawa ka naman Vis baka maheart attack ako kapag dinuguan na naman ang gusto mo." Pilit pinipigilan ng siraulo ang tawa niya.

Binusangutan ko nalang siya. Sayang naman pero ayos lang. Ang karinderia kasi ni Mang Kepweng ang nagseserve ng the best dinuguan dito sa Davao.

"Hihintayin nalang kita sa labas Vis, wag kanang masyadong magpaganda. Maganda kana, hindi mo na yon kailangan." Muntik ko na siya mabatukan pasalamat siya at nakaiwas siya at nakatakbo.

Napailing nalang ako sa inis sakanya. Hinubad ko na ang hospital gown na suot ko at tuluyan ng nagayos sa banyo. Naghilamos lang ako at nagsuklay. My dark brown hair is naturally curly at the bottom. Namana ko kasi ang buhok ni mommy.

Wala na pulbo pulbo at lipstick. Hindi ko type ang mga ganon.

Paglabas ko ay nilock ko ang pinto. Pero halos lumuwa ang mata ko pagkaharap ko kay Pierre na prenteng prenteng naksandal sa sasakyan nito.

Hindi dahil sakanya kaya nastarstruck ako kundi dahil sa sasakyang dala niya.

My God, toyota FJ40 1983 model. Gosh ang tagal kong naghahanap ng ganitong two door na land cruiser.

Feeling ko naghugis puso talaga yung mga mata ko. Unti unti kong nilapitan ang sasakyan at hinawakan.

"Dok nainlab ka? 1983 model to pamana pa ng lolo ko sakin. Lahat original parts. Fully air-conditioned din yan. Alagang alaga. Maganda ba?" Natatawa niyang tanong sakin.

"Maganda is an understatement, sobrang ganda. Ang tagal ko ng naghahanap nito pero wala akong makita. Nung nagmove ako sa Davao mas lalo akong nawalan ng oras maghanap. Yung gamit ko ngayon dito new model na ng Land cruiser. 

Pwedeng ako yung magdrive please? Ako na ang manlilibre basta ako yung magdrive." Kulang na lang e magmakaawa ako.

When it comes to any old model car talagang nagigising puso ang mata ko. I have my own collection of cars, luxury cars, kahit yung mga new model na natipuhan ko  before pero pinaka marami ang mga old model.

Ang pinaka paborito ko at matagal kong hinanap ay ang 1979 model ng Silver shadow. Bigla tuloy namiss ang mga sasakyan ko. I'll take note na kapag pumunta kami ng Metro para sa event ni Reitchel ay dadaanan ko ang garahe ko kahit kunin ko lang yung isa sa mga sasakyan ko. Miss na miss ko na ang mga yon. Bumali ako sa sarili ko ng magsalita si Pierre.

"Okay sige ba, no problem. Wala ng bawian yan, sabi mo libre mo." Halos lundagin ko siya ng yakap sa sinabi niya.

Nabigla yata siya pero natawa siya sa sobrang excitement ko.

"Sobrang tuwa mo naman yata." Tumatawang sabi niya. "Chansing ka lang eh. Osige na hindi nako magpapakipot." At binukaka niya ang dalawang kamay niya na parang yayakapin ako.

"Excuse me, hindi kaya no. Nasaan na yung susi dali." Excited na sabi ko sakanya. Tumatawa  parin niya itong inabot sakin.

Dali dali akong sumakay at nang tignan ko siya ay nasa labas parin siya at naiiling-iling na tumatawa.

"Kung alam ko lang na magiging ganito ang reaksyon mo pagkakita mo sa sasakyan ko e matagal ko nang dinala yan sayo at hinarap. Yan lang pala ang sagot para mawala yang kasungitan mo." Para bang amaze na amaze ito sakin. Inirapan ko nalang siya.

Aba siyempre kapag sasakyan ang paguusapan, nabubuhayan ako ng dugo.

"Hindi ka pa ba sasakay kasi kung hindi iiwanan na kita. Ako ang driver kaya ako ang masusunod. Sakay ka na o iiwanan kita?" Nagsusungit kong sabi.

"Ibang klase ka talaga. Parang sa pagkakaalala ko, ako yung may-ari pero matindi ka talaga." Tumatawa at naiiling na naman siya sakin.

Tinignan ko siya ng masama.

"Heto napo sasakay na ohhh, high blood masyado. Akala ko pa naman nakakita nako ng sagot sa pagaalburoto mo.

Yung sinabi ko kanina ha? Wag kang Mang Kepweng, jusko maawa ka." Tumatawa parin niyang sabi.

"Oo naman, kakalimutan ko muna ang dinuguan at bibigyan ng pokus itong Toyota FJ40 mo." Yun lang at pinasibad ko na ang sasakyan.

Lord this is life. Kung ganito ba naman lagi si Fortez ay good vibes siya lagi sakin. Ang ganda talaga ng sasakyan niya.

Hinarap ko siya ng tinatawag niya ako. Tumatawang siya pagkakita sa mukha ko.

"Ibang klase dok, sasakyan lang pala katapat mo. Pero wag kang masyadong ngumiti diyan, yung puso ko kasi nagwawala." Nasobrahan ako ng sa tapak yung preno sa sinabi niya.

Nauntog tuloy kami pareho. Tinignan ko talaga siya ng masama. Paano ba naman pati yung puso ko nagwawala sa loob.

The butter flies in my stomach never stopped. After that, halakhak nalang niya ang naririnig sa loob ng sasakyan niya.

Pati ba naman halakhak niya gwapo?

Running Away From You: Pierre Adrian FortezWhere stories live. Discover now