Running Away 1

347 10 0
                                    

Vis POV

"Aba Vis ganyan ba kasarap ang dinuguan para maging invisible ang lahat ng tao sayo? Sa ganda kong to aba hindi mo dapat ako pinapalampas, ang swerte mo kaya nakikita mo ang alindog ko."

Natatawang binitiwan ko ang mangkok na hawak ko para harapin ang nagiisang taong nagtyatyaga sa pagmumukha ko.

"Reitchel never kang magiging invisible, plus size remember?" Natatawa kong sabi. Sinimangutan naman niya ako. 

"Nakikita mo ba ang tambak ng mga bangkay na yan aber? Eating is the only time i have in this mundane life." pagpapatuloy ko s sinsabi ko. This is my everyday life, titingin ng bangkay maghapon, kakain,magkakape at walang katapusan paiimbistiga na naman sa mga bangkay, walang katapusan yata ang lahat ng kaso rito sa Davao. Wala na yatang mas sasaya pa rito. Buhay nga naman.

Binalikan ko na lang ang pagkain ko ng masarap na dinuguan, sabyan mo pa ng kape solve na solve na ako.

"Gusto mo Chel?" Alok ko pa sakanya.

"Yuck, hindi ka ba nasusuka Vis, kakatapos mo lang humawak ng bangkay at maraming dugo tapos ngayon kumakain ka ng dinuguan? Ang morbid mo talaga." Sukang suka talaga ang pagmumukha ng babaitang ito. Kasalukuyan kasi kaming nasa office ko at bumisita ang bruhildang to.

Anong magagawa ko e sarap na sarap ako sa dinuguan? These cadavers are already part of my daily life kaya wala ng bago saken. Ke hahawak ako ng bangkay o hindi kakain parin ako ng dinuguan, add coffee in it and I'm alive again kahit walang tulog.

"Para namang bago ng bago ang lahat sayo. Kilala mo naman ako bes, water is life but dinuguan is lifer." Tumatawa kong sagot sakanya.

"Okay fine, talo nako. Wala nakong magagawa diyan. Pero nawala na rin ba sa bokabularyo mo ang salitang tulog aber? Bes tingin tingin din sa salamin pag may time ha. Yan kasing eyebags mo parang isang kilo na." Tatawa tawang sabi ng best friend kong hilaw.

Reitchel Evans is half filipino and half american. Sa Pilipinas na nga lang lumaki. Yung nanay niya pilipina si Tita Kate sobrang bait at sobrang sarap magluto lalo na ng dinuguan. Yung tatay naman niya sa US army before pero retired na ngayon at dito na sa Davao nakasettle.

Ang bruhildang ito naman ay isang Shoe designer at may sariling kumpanya para sa shoe line niya. Kaya nabibiyayaan ako ng maraming sapatos dahil sakanya hindi na kailangan bumili, lahat for free. Ang sarap talaga ng kaibigang ganito.

Siya nalang ang nagiisang matatawag kong constant sa buhay ko. Simula ng pinili kong talikuran ang lahat. She never left my side. Hindi na bago sakanya ang kwento ko. sakanya ko sinsabi lahat.

During my lowest point, even if we barely new each other, inalaagan at tinuring niya akong parang kapatid.

Nakilala ko si Reitchel 4 years ago after that faithful incident na pinili kong takbuhan ang pamilya ko.


"Venus hindi natin kagustuhan yung nangyari. Bakit ba sinisisi mo ang sarili mo? Bakit hindi mo maintindihan na wala kang kasalanan. alam nating lahat na 30% lang ang chance ng operasyon. Pare-pareho lang tayong gustong dugtungan ang buhay ng lolo mo."

Hindi kasalanan pero bakit ang bigat? Bakit ang sakit?

Nandun na e, malapit ng matapos pero bakit nagkaganon

Running Away From You: Pierre Adrian FortezWhere stories live. Discover now