Running Away 2

189 9 0
                                    

Vis POV

"Kailan pa alam ni ninong na nandito ako sa Davao? Yung nangyari nung isang buwan, yung pagpapagamot nitong mokong na Pierre na to, kasama ba yon sa plano niyo? Alam na ba ng mga magulang ko o ng mga kapatid ko?" Tanong ko kay Yves.

My parents especially my brothers, Reign Yñigo and Reimiel Yjay would kill just to know where i am.

It never crossed my mind that these two were part of my god father's team. Ganito na ba kaliit ang mundo para maging parte sila ng grupo ni General Galvano na nagkataon pang ninong ko?

Hindi ko alam kung maipipinta pa ba ang mukha ko dahil sa nalaman ko. Apat na taon nakong nagtatago pero hindi nila ako nahanap noon dahil kay Tito Robert.  Ginawa niya ang lahat para hindi ako matunton dito. Pero heto ngayon ang tauhan ng ninong ko at nasa harap ko na may inaabot na sulat. Bakit hindi ko naisip nung gabing iyon na magtanong man lang? Ngayon ay nagsisi ako tinanggap ko sila sa bahay ko ng gabing iyon. Kung bakit ba naman kasi may sinumpaan pa akong tungkulin. Gusto kong sabunutan ang sarili ko sa inis at frustration.

Hindi pa ako handa kung sakaling alam na ng pamilya ko na nandito ako. Alam kong sinabi ko nung nakaraan na I'll ready myself pero kailangan bang ngayon agad? Ang bilis naman yata Lord.

"They do not know anything yet. General Galvano made sure that they will never hear a single information about this. Iba ang dahilan kung bakit nandito kami. Just read the letter that I gave you. Nandoon ang details na galing mismo kay General."

Nakahinga ako ng maluwag sa narinig ko kay Pierre. Kahit na kumukulo ang dugo ko kapag nakikita ko siya. Ito ang unang pagkakataon na natuwa ako sa sinabi niya.

I hurriedly opened the letter they gave to me. Nangangati ang kamay kong malaman kung bakit pinadala ni ninong ang dalawang to.

Nakakadalawang sentence palang ako e napanganga na agad ako. He already know even before that I am in Davao. Hindi lang niya ako ginulo at hindi rin niya sinabi sa mga magulang ko dahil sa tingin niya ay yun ang kailangan ko at mas makakabuti para saken. At dahil nakita niyang masaya naman ako sa Davao ay hinayaan niya ako.

He made my parents think na baka nasa ibang bansa ako at ayaw ko talagang bumalik. Na babalik din ako kapag handa nako. This letter is not about me running away from home. This is about their mission. It is clearly written here that my god father needs me. It says that ten years ago ay bumuo sila ng grupo a Special Task Force para puksain ang mga kriminalidad na nangyayari sa bansa.

Pero after six years ay nadisbanned ang grupo. Ngayon ay unti unti nilang binubuo ulit ito. Nakasulat dito na I am one of the eight if ever i will join their group, they need one doctor in the team.

Their team hold the most dangerous missions, sila ang humahabol sa malalaking drug lord at mga sindikato at mga tao sa underground market na nagbebenta ng iba't ibang illegal na bagay  katulad ng droga, human trafficking at iba pang transactions. Gusto ni ninong na sumali ako sa grupo. He wants to train me again to be part of his team, hindi lang dahil sa mapagkakatiwalaan niya ako at nagtraining nako noong high school palang ako kundi dahil din sa doktor ako.

Kailangan nila sa team ng doktor para kung sakaling may mangyari aberya ay hindi na nila kailanganing pumunta sa ospital. Ayaw nilang maquestion pa sila at kailanganin pa ng papel kung sakali. Yun ang iniiwasan nila.

Alam niyang malaking peligro ang papasukin ko at siguradong magagalit ang pamilya ko dito, lalo na ang daddy ko at mga kuya ko. I'm the only girl in the family other than my mom, that's why. Pero wala na silang iba pang marerecruit, they need to complete the team as soon as possible. Kailangan ko pang dumaan muli sa isang matinding training.

Running Away From You: Pierre Adrian FortezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon