Running Away 3

457 10 6
                                    

Pierre's POV

"Number 5 - Philippine Physician Licensure Examination

Heir of the Muerte Group of Companies and Muerte General Hospital

Renowned General Surgeon but later on left the world of medicine for an unsaid reason

When she was young,  Venus Yskylar Dela Vega Muerte was accelerated from grade 2 to 1st year high school and has an IQ of 158, and She also has a Master of Surgery, an advanced qualification in Surgery.

She is also a car enthusiast, she loves collecting cars specifically old model ones."

Now i know why General Galvano chose her.

I thought she only has the looks.

Ang mga mata niya sobrang lalim na parang kulang nalang higupin ako. Venus's eyes are very attractive.

Ang matangos niyang ilong, yung maliit niyang mukha na bagay na bagay sakanya at ang labi na mapula at manipis. She has the beauty that every man would dream of, that's why i thought na katulad ng mga ibang babae na puro ganda yet here i am, in awe of everything she is.

"Nga nga pala tayo diyan tol. Nakakahiyang lumapit man lang. Ni dumaiti yata ang palad natin sakanya mahihiya tayo." Tumatawang sabi ni Yves.

Kasalukuyan naming tinitignan ang credentials ni Venus Yskylar Muerte na galing kay General. Ang babaeng maganda na matalino pa pero laging parang nag-aalburotong bulkan. Kami man ay nabigla na isa siya sa balak isama ni General sa misyon. 

Kapag kausap mo siya parang anytime sasabog, lagi kasi siyang nagsusungit konting kalabit lang nangangagat.

Kaya ang akala ko puro bibig lang at pagbusangot ang alam ng babaeng yon yun pala, ang taas di maabot. Naiiling nalang ako sa naisip.

"Hindi talaga kahit kailan magkakamali si General sa pagpili. Hindi lang ganda ang meron si doc, noon yatang nagsabog ng katalinuhan ang diyos hindi man lang naalang magpayong kinuha talaga lahat."

Tawa ako ng tawa sa tinuran ni Yves. But he's right, hindi naman sa hindi kami matalino pero nakakalula masyado ang kay Venus.

"Kaya kahit na inaanak siya ni General hindi na nagdalawang isip si General Galvano na kunin siya. Wala paring mintis ang pagpili niya. Now we only need to take a look at one point, that is if she knows how to fight.

Hindi yung fight na puro bibig ahh, napatunayan ko na yon." Tumatawa kong sabi.

Hindi ko talaga maalis ang ngiti sa labi ko lalo na kapag naalala ko kung paano niya nagagawa na maging sobrang ganda kahit na puro busangot naman ang ginagawa niya tuwing kausap niya ako.

Ang sarap kasi niyang bwisitin, ang daling mainis at mapikon.

"Siraulo ka talaga Pierre. Ni hindi ka panga nakakapagpasalamat sa ginawa niyang paggamot sayo nung nakaengkwentro natin yung grupo ni Navales.

Kung hindi dahil sakanya natetano kana at malamang nung isang buwan kapa pinaglamayan; dahil kung nagkataon na ako yung gumamot sayo nung mga araw na yon tigok ka tol." Sita ni Yves na di maalis ang ngisi sa labi.

"Kung hindi ba naman kasi tinamaan ng lintik iyong Navales na yan sa sobrang tinik pinahirapan pa tayo bago nahuli, binirahan pa ako kaya diko naiwasan yung pagbaril nung tauhan niya, sa kamalas malasan dalawa lang tayo trenta yata sila." Inis kong sagot ng maalala ko ang grupo ni Navales.

Sila ang grupo ng sindikato na nagdedeliver ng droga sa Davao.

"Kaya kailangan mong magpasalamat kay Vis. Wag puro pagbwisit tol, baka kagatin ka non." Tuluyan ng pinakawalan ni Yves ang tawang kanina pa niya pinipigilan.

"So dika naman tuwang tuwa sa lagay na yan e no?" Tanong ko sakanya na naubusan na ata ng hangin sa kakatawa.

"Paano ba naman para kayong aso at pusa. Yung isang namimikon at isang nagpapapikon. Alam mo ba yung mukha ni dok tol, kulang nalang pagpira-pirasuhin niya yang mukha mo sa sobrang inis niya.

Kung nagkataon e kawawa ang mga fans mo. Pati yung mga bakla at matrona na giliw na giliw sa alindog mo baka magwala pag nawala ka." Napapailing nalang ako sa pinagsasabi ni Yves.

"Aba tol wala akong ginagawa sakanya. Siya itong daig pa ang lolo ko na may high blood.

Ang init init ng dugo sa akin. Sa gwapo kong to tol hindi ko alam bakit nai-imbyerna ang babaeng yon. Hindi porket maganda siya may karapatan na siyang magsungit ng magsungit." Ayan at napuri ko na naman siya. Kailangan bawas bawasan ko ang pagsabi na maganda siya baka kapag siya na ang kausap ko lumaki ang ulo.

Napapangiti na naman ako dahil naiisip ko na naman ang pagaalburoto niya kapag nagkataong naririnig niya ako.

"Kaya nga dapat umpisahan mo na ang pakikipagbati at pagpapasalamat diyan kay dok. Dahil kapag nagkataong pumayag siya na sumama sa grupo hindi pwede yung para kayong laging magbabangayan." This time Yves got serious.

Pagdating talaga sa usapang trabaho sumiseryoso ang mokong.

"Oo na, bukas na bukas din ipagdadala ko siya ng bonggabilya may tinik tinik pa." Tumatawa na namang sagot ko. Binatukan naman ako ni Yves.

"Ang sabi ko ayusin hindi mas lalong guluhin siraulo!" Umiiling-iling na turan ng kaibigan ko.

Naiisip ko palang kasi ang magiging reaksyon ni Venus kapag nagkataon e diko na mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko.

"Seryoso na tol, sunflower nalang para tumitingkad para magood vibes si dok sakin." Pinipigilan ko ang matawa.

"Ayos ayusin mo tol. Yari ka kay General pag nagkataon kapag hindi mo inayos." Nanakot pa talaga ang isang to.

"Sir Yes, Sir!" Nakangisi kong sagot.

"Mauuna na muna ako, pupuntahan ko muna sina Yuan, Vince at Adam."

Pagkatapos niyang tapikin ang likod ko ay umalis na siya.

Napangiti na naman ako ng maalala ang nakabusangot pero magandang mukha ni Vis.

Bukas ay pupuntahan ko siya para magpasalamat, at para makaligtas sa nagaapoy na lava ay ipagdadala ko na talaga siya ng sunflower hindi na bonggabilya.

Kinabukasan ay maaga akong gumising, partida pinakabango ko na halos maubos ko na ang sabon para pagpasok e sumasabog na agad ang bango ng safeguard green.

Pagkatapos ay dumaan ako sa may Shine and Bloom flower shop sa may Poblacion district dito sa Davao.

Tuwang tuwa ang baklang flower arranger ng shop pagkakita sa akin.

"Hi papa, ano ang atin? Pumili kana, kahit wag mo ng bayaran halik lang pwede na." Salubong nito sa malanding boses.

"Okay nako dun sa babayaran ko nalang." Nakangisi kong sagot.

"Isang dosenang sunflower lang tapos palagyan nalang ng pulang ribbon para mas magandang tignan."

Panaka naka ay tumitingin parin sakin ang baklang napagalaman kong si Gigi. Nagpakilala kasi pagkatapos kong sabihin ang bulaklak na napili ko.

Pagkatapos kong magbayad at makuha ang bulaklak ay dumiretso nako sa may funeraria/clinic ng patay ni Venus.

Halos hilahin ko na nga ang kamay ko kanina dahil ayaw bitawan ni Gigi.

Hindi naman ako nadismaya dahil ang gaganda at fresh ang mga bulaklak sa flower shop niya. Tiyak na masosorpresa si dok dito.

Pagkapark ko ng sasakyan sa mismong tapat ng funeraria niya ay kumatok ako ng dalawang beses, nang marinig kong sumigaw siya ng pasok ay binuksan ko ang pintuan.

Pero imbis yata na ako ang manorpresa ay ako ang nasorpresa dahil hayun si Venus kaharap ang isang nakahilatang bangkay habang hawak hawak ang isang Tupperware, sarap na sarap sa pagkain sa laman nitong itim na itim na dinuguan.

Halos masapo ko ang dibdib ko at muntik ko bang mahulog ang hawak kong isang dosenang sunflower. Ang mas matindi e nakuha pa akong alukin. Napadasal nalang ako ng Lord Help me.

Parang mali ata ang pagpunta ko ng magisa, baka umuwi ako ng gumagapang nito.

Running Away From You: Pierre Adrian FortezWhere stories live. Discover now