⇜CHAPTER 35⇝

150 6 10
                                    


Panay ang mura ni Haru sa isip habang sinusundan si Kenji. Nang marinig nila ang tili ng isang babae ay nakatakbo na ito bago pa man may makabawi sa kanila sa pagkabigla. Gusto niyang sisihin ang sarili dahil hindi siya agad nakakilos. Kung nahablot sana niya ang binata nang nilampasan siya nito ay hindi sana siya naghahabol ng hininga sa pagsunod dito. Oo, hindi nga niya inaasahan na mangyayari iyon. Sino ba'ng mag-aakalang may tao sa kabilang bahagi ng mansiyon? But God dammit! He should've known Kenji was going to do something as stupid as running to rescue an unknown girl without thinking at all! Sa maikling panahon na nakilala niya ito ay alam niyang ito ang tipong hindi magdadalawang-isip na tumulong, lalo na kung kaibigan nito ang nangangailangan.

"Pero put*angina. Tanga ka pa rin talaga, Kenji," reklamo niya sa isip. Nagsalubong ang mga kilay niya at saglit na lumingon sa kanan para idura ang pamamait sa kaniyang panlasa. Pag harap niya ay humampas sa kaniyang mukha ang sanga ng isang puno. Napatigil siya sandali. Daig pa niya ang nasampal sa sakit sa dulot niyon.

"Sh*t!" mahina ngunit mariing mura niya saka muling tumakbo. Kusang nagpreno ang kaniyang mga paa nang sa wakas ay makarating sa pakay na lugar. Naroon na si Kenji, as expected. Ang hindi niya inaasahan ay ang maaabutan. Mabilis pa ring tumatakbo si Kenji. Ngunit nang halos marating na nito ang biktimang kanina pa tumitili ay hinugot nito ang bolo at iwinasiwas iyon patama sa nakaluhod na biter. But the little was in the way! And the blade might just slice her first before it even get to the biter!

"Kenjiiii!"

                                                                                  ***☼***

Agad tinakbo ni Kenji ang direksyon ng tiling iyon. Ni hindi siya nag-isip kung dapat ba o hindi na puntahan niya iyon. Ang alam lang niya ay nagbigay sa kaniya ng kakaibang kaba ang narinig. Hindi niya sigurado kung nakikilala ba niya ang may-ari ng nahihindik na tiling iyon. Ngunit animo may mga sariling pag-iisip ang kaniyang mga paa. Kusang kumilos ang mga iyon. Mabilis. Ang kaniyang puso ay parang nakikipaghabulan din sa kaniyang mga paa sa bilis ng tibok niyon. Something horrible was happening, nararamdaman niya.

"Kenji! Kenji!" narinig niyang sigaw ni Haru sa kaniyang pangalan. Ngunit hindi niya ito pinansin. Hindi siya maaaring tumigil. Baka kung hindi ang magtinding pagdagundong ng kaniyang puso ay ang kaniyang kunsensya ang pumatay sa kaniya kung hindi niya maisalba ang kung sino man iyong nangangailangan ng tulong, dahil nag-aksaya siya ng oras para sagutin ang kung anong tanong ni Haru.

Saglit lang natigilan si Kenji nang marating ang pinanggalingan ng tili. Si Rina! Nakasalampak ito sa damuhan at nahihindik habang panay ang atras nito palayo sa isang biter!

"Kenji!" tawag ni Erika sa kaniyang pangalan. Magkahalo ang pagsusumamo at pag-aalala sa tinig nito habang nakatingin sa kaniya. Isang tingin lang niya ay alam na niya kung bakit hindi ito makalapit sa batang babae upang tulungan iyon. Pigil ng dalaga si Tommy na nagpupumilit makaalpas. Gusto nitong tulungan si Rina.

Halos liparin ni Kenji ang distansya sa pagitan niya at ni Rina. Lalong dumambol ang kaniyang puso nang pabagsak na lumuhod ang biter sa harap ng bata.

"Kyaaaaaaa!" sigaw ni Rina. Halos mabiliw na ito sa takot nang mahagip ng biter ang kanang paa nito. Paulit-ulit nitong sinisipa ang kamay ng biter ngunit walang epekto iyon sa halimaw. Nanlaki ang mga mata ni Kenji nang muntikan nang humaging ang paa nito sa bibig ng biter dahil sa walang ingat na panlalaban. Hindi siya kalayuan sa posisyon ng bata ng una niya itong mamataan. Ngunit pakiramdam niya ay nasa isa siyang pelikula at pinabagal ng direktor ang kaniyang kilos habang animo naka-fast forward naman ang mga nagyayari sa kaniyang harap.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon