⇜CHAPTER 37⇝

236 5 6
                                    


"Pumasok kayo sa mansiyon o pasasabugin ko ang bungo mo," mariing banta ni Don Hirano matapos ikasa ang hawak nitong baril.

Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Kenjirou. Bumibilis ang takbo ng kaniyang puso habang paulit-ulit na umuukit sa kaniyang isip ang senaryong naganap kanina sa labas. Hanggang sa huli ay halos ang nagbabantang mga tingin ng Don na lamang ang tumitino sa kaniyang isip at ang dulo ng baril nito. Maging ang ingay ng pagkasa ng baril nito ay animo lumalakas sa kaniyang pandinig sa tuwing umuulit ang eksenang iyon.

Kenji's fists balled. Nanginginig ang kaniyang katawan sa sobrang galit habang nakatungo sa bintana.

Kenji's hand reached for the hilt of his weapon.

"Kenji," tawag ng isang tinig ngunit halos di niya iyon pansin.

Hinayaan niyang sakupin ng buong kamay ang hawakan niyon at mahigpit na hinawakan saka niya hinugot ang sandata. Kuminang sa tama ng sikat ng araw ang patalim niyon. Sinilaw niyon ang Don nang itaas niya ang sandata at akmang iwawasiwas ang sandata sa direksyon ng nakatatandang lalaki nang...

"Kenji!"

Napasinghap si Kenji at agad umikot sa kanan kasabay ng pagsampal ng braso niya sa kamay ng kung sino. Halata sa kilos niya ang matinding pagkabigla. Humihingal si Kenji habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa ngayo'y kaharap.

Napaatras si Maeda. Bahagyang awang ang mga bibig at hindi maialis ang titig sa kaniya. Kenji's eyes softened when he realized who owned that voice. Nagbaba siya ng tingin.

"S-sorry," mahinang sabi niya habang animo hindi malaman kung ano ang gagawin. Wala sa loob na dinala niya ang kamay sa mukha, sandaling pumikit na animo nagising mula sa isang bangungot saka muling humarap sa bintana.

Pumikit si Maeda at tahimik na humugot ng hininga. Nang magmulat siya ng mga mata ay mas tahimik na ang mga daga sa kaniyang dibdib. She swallowed once before finding her voice again.

"Kenji," untag nito sa kaniya.

Ibinaba niya ang kamay at humawak sa pang-ibabang kwadro ng bintana ngunit hindi niya ito sinagot. Bagkus ay sa kawalan niya dinala ang tingin.

"Naiintindihan ko...galit ka. Pero...kailangan mong pahupain ang galit na nararamdaman mo. Kenji, pakiramdam ko...parang hindi na kita kilala. Nag-aalinlangan ako kase baka...baka 'yan ang totoong ikaw. At yung Kenji na unang nakilala ko..."

"Maeda..." pigil niya sa sasabihin nito sa mahinahong tinig. Humarap siya sa babae. Maeda looked uneasy. Isang bagay na hindi siya sanay makita dito.

"Natatakot ako, Kenji. Ayokong patuloy mong hamunin ang galit at init ng ulo ni Don Hirano. At...ayokong isugal mo ang buhay mo sa labas," matapang na pahayag nito. Mabilis nitong pinunasan ang nalaglag na butil ng luha sa pisngi. Kenji was speechless.

"Lalabas ka 'di ba? Hahanapin mo si Erika. Even if you know that it's a stupid idea, lalabas ka pa rin. Hindi ba?" patuloy nito na hindi na napigil ang pagkawala ng mga luha. Sa pagkakataong iyon, hinayaan nitong makita niya ang mga iyon.

Hindi malaman ni Kenji kung ano ang gagawin. Tama si Maeda. Wala siyang balak tanggalin ang galit sa kaniyang dibdib. At balak nga niyang hanapin si Erika, kahit alam niyang maaaring magbuwis siya ng buhay sa balak. Bakit hindi? Kasalanan niya ang nangyari. Kasalanan niya kung bakit namatay ang mga kasama nila at nawawala ngayon si Erika. Ayon sa narinig niya ay lumabas ito para kumuha ng dahong ilalaga para gawing tsaa. She risked her life all so he could have a taste of that stupid tea. So how could he not risk his own safety to save her?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Among the Dead #Wattys2016Where stories live. Discover now