⇜CHAPTER 8⇝

1.1K 18 4
                                    

                Tahimik na nakaupo si Shizuka sa isang tabi. Nakayakap ang mga braso niya sa sariling tuhod habang nakatitig sa lupa. Wala ng luha sa kaniyang mga mata. Pero wala na ring makikitang emosyon sa kaniyang mukha.

                Matamang  pinagmamasdan ni Kenjirou si Shizu mula sa kaniyang kinatatayuan. Kanina pa sa ganoong pwesto si Shizu. Ang totoo, hindi niya sigurado kung nag-aalala ba siya para dito o naiinis dahil imbes na naglalakbay na uli sila ngayon, nandito sila at naghihintay maka-recover ang babae. Hindi naman sa wala siyang pakiramdam para hindi maintindihan o maawa kay Shizu. Pero alam niya kung gaano ka-importante na makarating sila sa Maynila o makahanap man lang ng ligtas na lugar na titigilan nila sa gabi. Ngunit hindi rin naman niya masisi si Shizu kung bakit ito parang natutulala. She had just been through a great trauma. Sa kanilang lahat, si Shizu ang pinakaapektado sa nangyari kaninang umaga dahil sa kaniya ibinilin ni Sarah ang anak.

                Mahinang bumuga ng hangin si Kenji bago didiretso na sana ng tingin mula sa tahimik pa ring babae nang mahagip ng kaniyang mga mata ang kakapirasong suot ni Shizu. Kahit nakatagilid ito sa kaniya, kita niya ang gilid ng dibdib nito na hindi lubusang naitago ng suot nitong bra. Makinis ang balat ng babae at litaw ang kaputian nito sa baby pink na pangloob. Hindi naiwasan ni Kenji ang mapalunok habang nakatitig siya sa kapirasong bahagi ng yaman ng babae.

                Halos mapatalon siya nang biglang sumulpot sa kaniyang harap si Maeda. Nakataas ang isang kilay nito habang halos patayin na siya sa tingin.

                “Ano na namang problema mo?” mahina ngunit may bahid ng inis na tanong niya sa babae.

                “Wag ka nang magkaila. Halata naman eh,” maanghang na sagot ni Maeda.

                Tama ng hinala si Maeda. May nararamdaman nga siyang pagnanasa habang nakatitig siya sa yaman ni Shizu. Pero wala siyang balak umamin. Sa halip, salubong ang kilay na nilampasan niya si Maeda para lapitan si Shizu. Tumalikod si Maeda para sundan siya ng tingin. Halata ang disgusto sa mga tingin nito.

                Hinubad ni Kenji ang suot na t-shirt at walang imik na inabot iyon kay Shizu. Inagaw niyon ang pansin ng babae na marahang nilingon ang gray na t-shirt. Mula sa damit ay marahan din itong nag-angat ng mukha. Nagtama ang kanilang mga mata at saglit na nag-usap ang mga iyon bago tumayo si Shizu. Tumambad sa paningin ni Kenji ang puno ng dibdib ng babae. Ayaw man niya, parang may sariling isip na pilit dumadako ang mga mata niya doon. Naaasiwang iniiwas ni Kenji ang tingin. Hindi naman talaga niya gustong makaramdam ng ganoon kay Shizu. Pakiramdam niya ay binabastos niya ang dalaga dahil doon.

                Inabot ni Shizu ang damit at inilapit ito sa dibdib saka tumungo. Hindi naman ito nahihiya. Ang totoo, ni hindi nga napapansin o naiisip man lang ni Shizu ang malisya. In her current state, she’s more accupied with the bloody scenes that occurred that morning.

                Maya-maya, walang salitang yumakap si Shizu kay Kenji na ikinagulat ng huli. Naaasiwa man si Kenjirou at nag-aalala na baka lalo siyang makaramdam ng pagnanasa, hindi naman niya magawang ilayo si Shizu sa sarili. Umiiyak kasi ang babae sa kaniyang dibdib. Naaawa siya dito kaya hinayaan na rin niya si Shizu. Isa pa, hindi niya gustong nakikita si Shizuka na nagdurusa. Iniyakap ni Kenji ang kanang braso sa babae at hinagod ang ulo nito para aluhin saka tumingin sa malayo.

                Samantala, nakasimangot na pinagmamasdan ni Maeda sina Kenji at Shizu. Saglit niyang nilingon si Ren nang maramdaman niya ang kamay nito sa kaniyang balikat, bago ibinalik ang tingin sa pareha.

                “Bakit ganyan ang tingin mo sa kanila?” tanong ni Ren na nakitingin na rin kina Kenji at Shizu.

                “Wala. Nakakainis lang ang katangahan ni Shizu at ang pananamantala ni Kenji sa katangahang iyon,” maanghang na sagot ni Maeda bago tinalikuran ang pinsan. Sinundan siya ng tingin ni Ren bago kunot ang noong ibinalik nito ang tingin kay Kenji.

Among the Dead #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon