⇜CHAPTER 3⇝

1.5K 24 1
                                    

                “Alam nyo na kung ano’ng gagawin nyo?” tanong ni Kenji sa mga kasama. Tumango ang mga ito.

                 Dahan-dahang pinihit ni Kenji ang seradura saka maingat na iniawang ang pinto just enough para makasilip sa labas. Isa lang ang nakita niyang biter sa labas. Sumenyas siya ng tatlo, dalawa, isa gamit ang mga daliri bago mabilis na binuksan ang pinto at mabilis silang kumilos palabas ng gusali.

                Si Kenji ang sumugod sa biter na agad silang napansin. He killed it with one swift, hard stab on its forehead. Gamit niya ang isang butcher’s knife na nakita nila sa isang isle ng grocery store. Pumuwesto si Shizu di kalayuan sa likod niya to cover his back kung sakaling may dumating na biter. Samantalang nauna naman sina Ren at Maeda para i-check kung may biters sa kanilang dadaanan.

                Nagpalitan ng tingin sina Shizu at Kenji saglit bago sila sumunod kina Ren at Maeda.

                “Clear,” mahinang sabi agad ni Ren sa kaniya paglapit nila ni Shizu.

                Nauna na si Kenji na maingat na ginawang taguan ang mga bahay at puno. Kasunod niya ang mga kasama.

                “Haarrhh.”

                “Aaahhh!” sigaw ni Shizu nang biglang may humawak na biter sa kaniyang balikat. Bigla na lang itong sumulpot sa kaniyang likod at akmang kakagatin siya sa leeg. Mabuti na lang at nakaiwas siya. Pero hawak pa rin siya ng biter. Hinawakan niya ito sa malagkit nitong buhok at pilit niyang inilalayo ang sarili sa mga ngipin ng biter para makaiwas sa kagat. Ngunit nabunot ang buhok nitong hawak niya at sinamantala nito iyon para makagat siya.

                “Aahhhh!!!” sigaw ni Shizu dahil sa takot.

                Sumayad na ang bibig ng biter sa kaniyang balat! Noon biglang may tumusok na kutsilyo sa bumbunan nito at bumagsak ang biter. Nakita ni Shizu na nakatayo sa harap niya si Maeda na hawak pa ang may dugong kutsilyo. Tiningnan lang siya ni Maeda bago ito bumalik sa dating pwesto.

                “Salamat Maeda,” kinakabahan pa ring sabi ni Shizu.

                “Don’t. Maging maingat ka na lang. Baka mapahamak pa tayong lahat sa katangahan mo,” mataray na sagot ni Maeda. Walang nagsalita sa kanila pero bakas sa mukha ni Kenji ang di pagsang-ayon sa sinabi ni Maeda.

                “Haaaarrrrhhhh.”

                “Biters!” warning ni Ren. Napatingin silang lahat sa dadaanan sana nila papunta sa San Isidro. May apat na biters sa kanilang harap!

                Agad silang kumilos para patayin ang mga ito. Pero hindi pa man nila napapatay ang lahat ay may mga dumarating pang iba mula sa likod. Napaligiran sila! Kinailangan nilang kalabanin ang dalawang biters at the same time.

                Sinipa ni Kenji ang biter sa kaniyang kaliwa habang pilit na itinutulak ang biter sa kaniyang harap. Nang bumagsak ang biter na kaniyang sinipa, sinamantala niya iyon para masaksak ang kaharap na biter sa leeg. Pataas ang angulo ng kaniyang butcher’s knife para maabot ang utak ng biter. Tapos ay ang iyung isang biter naman ang agad niyang binalingan. Sinalubong niya ito, iniharang ang braso sa dibdib malapit sa balikat ng biter, at sinaksak ito sa mata. Natalsikan siya ng mangingitim na dugo ng biter sa pisngi na saglit na nakapagpangiwi sa kaniya.

                 “Hah!” daing ni Maeda na nao-overwhelm na ng biters na kalaban nito. Napaatras si Maeda at na-out of balance ang babae. Natumba si Maeda at nadaganan siya ng biter!

Among the Dead #Wattys2016Where stories live. Discover now