⇜CHAPTER 13⇝

1K 19 12
                                    

                “Haaarrr!”

                “Hah!” maagap na naiiwas ni Kenji ang mukha sa mga nangingitim na ngipin ng biter. Ngunit dahil ang tanging layunin niya ay ang hindi makagat ng zombie, hindi naman niya naiwasan ang pagsalpok ng pisngi sa katawan ng punong pinagtalian sa kanila ni Ren.

                “Hugh!”

               “Kenji! Okay lang?” nag-aalalang tanong ni Ren. Halos mapalunok siya nang dahan-dahan at nakangiwing ibinaling ni Kenji ang mukha at tumambad ang namumula nitong pisngi. May galos iyon lalo na sa bahagi ng cheekbone kung saan may hiwang sanhi ng magaspang na puno. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang paningin ang pulang likidong tumutulo mula sa ilong ng binata. Parang nai-imagine pa niya ang tindi ng sakit na naramdaman ni Kenji dahil doon.

                “Hahahahahaha!”

                Salubong ang mga kilay na bumaling ang tingin ni Ren sa dalawang lalaking mukhang aliw na aliw pa sa dinaranas nila.

                “Lumaban kayo ng patas, mga gago!” sigaw ni Ren na parang susugurin na ang dalawa kundi lang dahil sa pagkakatali ng kaniyang mga kamay. He gritted his teeth while he furiously tried to yank his hands from the rope that binded them. Kahit namumula na ang bahaging sinasakal ng tali ay hindi iyon ininda ni Ren. Mas namamayani ang galit sa kaniyang dibdib.

                “Bwahahahha! Gago daw tayo,” sabi ni Nano kay Gin habang namimilipit sa kakatawa. “Sino kayang gago sa atin gano’ng sila ang nakatali. Sino ba ang pinaglalaruan nino?”

                “Pakawalan nyo kami at tingnan natin kung sino’ng paglalaruan nino,” hamon ni Ren. But instead of losing their temper, Gin and Nano just chuckled.

                Si Kenji ang nagpatuloy ng sinimulan ni Ren. Kahit na totoong dala ng galit lahat ng sinabi ni Ren, kay Kenji ay higit pa doon.

                “Ang mga taong duwag, Ren…” simula ni Kenji na sinalubong ng tingin ang dalawang lalaki habang may naglalarong nang-uuyam na ngiti sa labi. “…kahit kailan ay hindi lalaban ng patas. Lalo na kung wala naman talagang ibubuga.”

                Parehong natahimik sina Gin at Nano sa pasaring ni Kenji. Salubong ang mga kilay ng mga itong nakatitig nang masama sa kaniya. Kaya lalong pinagbutihan ni Kenji ang pang-iinis sa dalawa. Patuloy niyang tiningnan sina Gin at Nano na animo kinukumpirma ng mga tinging iyon ang kaniyang sinabi kanina. Ren chuckled beside him and mimicked his mocking grin.

                Salubong ang mga kilay na inabot ni Gin ang baseball bat mula sa suot na backpack. Pero bago pa man nito maisagawa ng balak, namataan na nito ang paparating na zombie mula sa kabilang direksyon. Natigilan si Gin sa ano mang gagawin. Sa halip inutusan nito si Nano na patayin ang zombie.

                “Shit!” mura ni Gin nang mamataan ang isa pang biter. Napilitan siyang itali sa puno kung saan nakaikot ang lubid ang zombie na hinuli nila para hindi ito makawala at agad sumugod para tulungan si Nano. Kinalaban ng dalawa ang mga biters habang gumagawa ng paraan sina Ren at Kenji na makawala. Dahil sa haba ng lubid na ginamit ni Nano sa biter, halos mahablot pa rin ng biter sina Ren at Kenji.

                “Gin! Zombie!” anunsyo ni Nano sa kasama. May pagkabahala sa tinig ng lalaki dahilan para pati ang atensiyon nina Kenji at Ren ang makuha niyon.

                Dalawang biters pa ang namataan nilang paparating! Agad sumugod sina Gin at Nano ngunit bago pa man sila makalapit sa mga zombie ay nahagip na ng paningin nina Ren at Kenji ang tatlo pang zombie sa pinaggalingan ng mga nauna.

Among the Dead #Wattys2016Where stories live. Discover now