I'm Not Your Sasaeng Fan

25.2K 384 25
                                    

Dedicated kay PinkOnigiri dahil siya ang gumawa ng napaka awesome na trailer ko ^-^

Currently editing this (5:02 AM, April 13, 2014)

**

Cliche na kung cliche pero sa pagtilaok din ng manok at pagtunog ng alarm clock magsisimula ang kwento ko.

♫ ♫ "Na eureureong eureureong eureureong dae

Na eureureong eureureong eureureong dae

Na eureureong eureureong eureureong dae

If you don't back away then I don't care if you get hurt" ♫♫

Pero hindi tulad ng iba na ang dami pang chararat pag babangon dahil nang marinig ko pa lang ang ringtone ko, napabangon na kaagad ako at parang magic na sumakit bigla ang ulo ko. "HOY JESSIE! BAKIT MO NANAMAN PINALITAN 'TONG ALARM TONE KO!?" Paano kung nalaman na ang kambal ko ang nagpalit? Siya lang naman si Jessie Jung, ang baliw na baliw at mahilig sa grupo na kumanta niyan. Ang EXO. Nang bumaba na ako sa sala ay mas sumakita pa ang ulo ko sa nadatnan ko. Si Mama at Papa kasama si Jessie na nanonood ng mga MAMA Teasers ng EXO. Bakit ko alam kung anong teaser 'yun? Sino ba naman ang hindi matatandaan 'yun kung kada umaga, tanghali, hapon at gabi ay 'yun ang bukambibig niya noong baguhan palang ang grupong EXO?

Ang EXO ay isang sikat na grupo. Hindi lang sa Korea at China kung saan silang nanggaling pero pati na rin ditto sa Pinas. Marami silang tagahanga at isa na si Jessie doon. Marami rin silang Sasaeng fans o kung tawagin ay ang mga 'Crazed Fangirls' nila na imbes na protektahan sila ay minsan, sila na ang nagpapahamak sa iniidolo nila.

A sasaeng fan (사생팬) is widely known to be an excessively obsessed Hallyu fan. Although "sasaengs" are largely not considered as fans, many sources still refer to them as "sasaeng fans". Soompi described sasaeng fans as extreme fans who stalk their idols and invade their privacy with questionable methods. They're basically crazed fans who love a particular celebrity enough to invade their privacy. This is the category that "crazy, obsessive stalker fans" fit into. "Sasaeng" is Korean, though, so the term is mostly used to describe crazy fans of Korean celebrities.

Hindi ko masasabing isa ang kakambal ko doon.. pero malapit na. Malapit na niyang maabot ang stage na 'yun.

Im not against EXO. Hindi ko lang sila tipo dahil sabi nga nila, bawat tayo ay may ibang taste of music. 'Yun ang rason ko. At-idagdag mo pa na ang grupong 'yan ay exchanged students sa eskwelahan namin. And that what makes me dislikes them more. Walang araw na wala akong maririnig na babaeng magtitilian kapag dadating ang EXO. Puro EXO ang naririnig ko. Sa school, sa labas, sa bahay. Okay lang naman sa akin eh, sumosobra lang kasi. Masama ang sobra. Tanda niyo ba? Nakaka sakit ng ulo, nakakamatay. . Nabanggit ko bang grupo sila ng mga snobs?

"Ma! Pa! Alis na po ako. Jessie mauuna na ako! Busy pa kayo jan sa kapapanood, eh. Nakakahiya naman." Pagpapaalam ko at aakmang lalabas na, "Ok! Susundan ko pa sila mamaya eh hihihihi!" napatigil ako sa sinabi niya, ano raw? SUSUNDAN?

Mabilis ko siyang hinarap at akmang pipingutin sana ang tenga niya pero tumakbo siya papalayo. "Anong susundan? Jessie Jung umayos ka ah!" Pagbabanta ko at tsaka na lumayas ng K-Pop convention hall-este bahay namin.

Naglakad-lakad lang muna ako dahil maaga pa naman at ayoko pang pumasok dahil malamang, puro EXO chismis nanaman ang sasalubong sa akin.

5 minutes before 7, nakarating na ako sa school at as expected, sobrang EXPECTED, nakita ko ang kambal ko sa kabilang section, patalon-talon at mukhang nababaliw na.

" Jessie! Ano nanaman yan?" lumapit ako sakanya at pabulong na sinaway siya kasi ako na ang nahihiya sa ginagawa niya.

"Eonnie!" (Trans: older sister, Ate in Tagalog)

"What!? Ang kapal mo ah! Eonnie ka diyan! Mukha mo! Tsaka ano ba yan? Bumili ka ng watch?" Hinablot ko ang watch na hawak-hawak niya at tinignan ito.

"Nagnakaw ka noh?" pabulong kong tanong dahil hindi naman siya bibilhan ni Mama't Papa ng ganito dahil nakasabit na ang mga grades niya. Sasagot na sana siya pero nakita ko ang paglaki ng mga mata niya at napatakip siya ng bibig na parang nagulat at agad na tumakbo papasok sa classroom niya. Ako naman tong naiwang manghang-mangha sa watch na naiwan niya sa akin. Maganda kasi. Pang mayaman. Mga aritsta lang ang magkakaroon nit---

"Ya!" (Trans: Hey!) Napabuntong hininga ako. Hine-hey lang ako ng kung sino man to. Hindi ko siya nilingon at naglakad nalang. Male-late na ako! Kakaripas na sana ako ng takbo pero napatigil din ako.

"Oy! Old lady!" What the &@#$! Agad ko siyang nilingon at laglag panga ako sa nakita ko.

Ang iniidolo ng kapatid ko, nasa harap ko. At walang loko, totoo nga ang sinasabi nilang gwapo daw, matangkad at did I mention na gwapo? Pero tinawag niya akong old lady. Mean. Rude. Walang respeto. EXO eh. Tama nga ang sabi ko. Hindi ko nga talaga dapat sila idolohin.

Tumalikod nalang ako sakanila. Sayang lang sa oras. Pero nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. O______O O.M.G.

Kaya malamang, tumigil ako.

Huminga ako ng malalim at lakas loob na liningon sila. "ANO!?" Kunwaring matapang na hamon-este tanong ko. Sa totoo lang kasi for the first time sa tanan ng buhay ko, binalutan ng takot.

"Sasaeng fan huh?" Sinabi niya at hinablot ang watch na hawak-hawak ko. Ay! Mga gwapong 'to oh! Wala ba silang pera at naiinggit sa relo ng kambal ko?

"Hoy! Ibalik mo sa akin yan!" Matangkad siya kaya hindi ko maabot. Mas tinaas pa niya ang kamay niya at tumatawa-tawa na tinignan akong magkandahirap na abutin ito. Ano to? Eto ba yung sa movies na pipilitin kong kunin yung watch at magkakadikit ang labi namin? HELL TO THE N-O!

"Fine! Lamunin mo yan!" At tsaka na ako naglakad papalayo. Ngayong nakuha na nila yung watch, bahala na sila jan. Nasira na ang araw ko.

"Kung gusto mong kunin 'tong watch ko, pwede naman eh. Magpaalam ka lang.. Sasaeng Fan." Nasapo ko nalang ang mukha ko. Ayos lang na sabihan nila akong panget 'wag lang sabihing isa akong tagahanga nila. No way in hell. SASAENG FAN? W-T-H. Hindi nga ako fan tapos naging sasaeng fan ako? OH PLEASE....

Tumigil ako kahit na malayo na ako sakanila at hinarap sila. Yung nasa gitna na sexy.. gwapo.. matipuno ang katawan-may chocolate abs ay naka crossed arms pa. At siya raw yung may ari nung watch. Natawa ako sakanya. Magsisinungaling na nga lang eh-wait! SA KAPATID KONG EXO FAN YUN EH? I smell something.. fishy. Malansang malansa. Duduguin ko ang mukha ng kakambal ko sa ginawa niya.

Binigyan ko siya ng isang matalas na tingin, "IM NOT YOUR SASAENG FAN!" sinigaw ko at tumakbo na sa classroom.

Vote. Comment :)

Edited: 4:30AM April 13, 2014

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Where stories live. Discover now