Chapter 11

3.5K 129 9
                                    

JANEY'S POV

Pagka-uwi ko ng bahay, dire-diretso lang akong umakyat papunta sa kwarto. Pagod ako, madami akong iniisip, ayoko ng kausap, ayoko muna ng ibang tao. Gusto kong mapag-isa. Bakit? Hindi ko rin alam. Bakit ganun nalang ang naging pakiramdam ko nang makita ko kung gaano siya ka-espesyal sa EXO at kay Kai? 

Ito ba yung tinatawag na... selos?

Aaminin ko na ba sa sarili kong hindi na inis ang nararamdaman ko para sakanya? Para kay Kai? Kung hindi ito inis, ano to? Nasapo ko nalang ang mukha ko sa mga pinagiisip ko. Kasabay nito ay ang pagkarinig ko sa tatlong sunod-sunod na katok mula sa pintuan. 

"Janey anjan ka ba? Janey?" Parang natatarantang kumakatok si Mama. Binuksan ko ito at nakita ang pag-aalala niyang mukha.

"Ikaw talaga ang hilig mo ko nerbyusin! Akala ko kung ano na nangyari sayo, kanina pa kami katok ng katok dito." Napatingin ako sa kasama ni Mama at napa-iwas din kaagad ng tingin. Ang mama ni Kai. 

"Ay kay ganda talaga ng anak mo, mare." Sabi nito at nginitian kami ni Mama. "Salamat sa pagaalaga sa anak ko ha? Pwede na siyang umuwi samin, masasamahan na namin siya ng kapatid niya." 

"Hello!" Masayang bati naman ng kapatid ni Kai na si Steff. 

Nabanggit ko na ba kung bakit nila pansamantalang iniwan sa amin si Kai? Kasi makulit yan si Kai. Kahit na alam niyang pagod na siya, mag papractice pa rin siya. Kaya nga madalas siyang nawawalan nalang ng malay. Yun ang dahilan kung bakit hindi nila ito maiwan magisa sa bahay nila. Parang bata, Kim Jongin. 

"Ay sige, mauna na kami. Andun na sa bahay si Jongin." Biglang napa-angat ang tingin ko sakanila at sa bagaheng dala-dala nila. 

"Ah, tita gusto niyo po ng tulong? Wala naman po akong gagawin, tulungan ko na kayo." Alok ko sakanila. Sila naman itong ngumiti at pumayag. 

Dahilan ko kung bakit ako nag alok ng tulong sakanila? 

Dahil baka ito na ang huling pagkaka-usap ko sakanya. Mas mabuti pang wag ma-involve sa mga bagay-bagay kay Kai at sa grupo niyang EXO. Mas okay na ang magkaron ako ng tahimik na buhay. 

Nakakahawa kasi ang pagka-bipolar nila. Naiinis ako sakanila. 

**

Pagdating na pagdating namin sa tapat ng bahay nila, parang gusto ko nang tumakbo papalayo. Para kasing tanga bakit ko ba naisipang tulungan sila eh alam ko namang makikita ko yung mukha niya dito?

"OMG! Yun yung sasaeng ng EXO na swerte diba!?" Halos mapatalon ako sa narinig kong tili ng tatlong babae. Napatingin tuloy ang mama at kapatid ni Kai sa tatlong babaeng yun. Tinaasan ito ng kilay ni tita at tila makahiyang tumuklap sa hiya yung tatlong babae.

"YES, SHE'S MY SON'S SASAENG FAN. Got a problem with that?" Mataray-taray na saad ni tita. 

"SON!?!" Sabay-sabay na sigaw nung tatlong babae. Napatingin ito sa kapatid ni Kai at binulong, "Omg confirmed. Eto ang Kim Family! Wahhhh takbo!" Sabay takbo nilang tatlo. 

Pero hindi pa sila nakakalayo ay sumigaw ang isa sakanila.

"AT CONFIRMED! MAY BAGONG SASAENG FAN MEMBER NA TAYO!!!!" At nag apir-an pa silang tatlo. 

Akala ko tapos na.. akala ko tapos na ang Sasaeng fan issue na 'yan. 

Ano nangyayare?

Narinig ko ang pagbukas ng gate at bumungad rito ay ang mukhang bipolar na yun. 

"Ah sige po una na ako." Sabi ko kaagad at iniwan na ang bagahe doon sa tabi nila. Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko ang boses niya. Napa-pikit ako at napabulong paulit-ulit, "Wag kang lilingon, Janey. Wag mo siyang papansin. Wag kang kakausap ng gago." 

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Where stories live. Discover now