Chapter 23

2.6K 106 18
                                    

"Gawin mo na ang dapat mong gawin... bago pa siya bumitaw." pagkasabi na pagkasabi ni Luhan niyan ay madali akong tumakbo at sinundan si Kai.

"Kai!" sigaw ko. Hingal na hingal na ako sa paghabol sakanya at pagod na pagod na sa kasusunod sakanya. Pero dahil nga mahal ko siya. Gagawin ko na.

This time, sarili ko  naman ang iisipin ko.

Bahala na si Mina.

Ipapa-salvage ko  nalang siya.

"Kai!" sigaw ko pa pero tila nagbibingi-bingihan siya at hindi man lang ako nilingon. Napa-sapo nalang ako sa mukha ko. Kung kelang handa na ako... siya naman ang hindi? Don't tell me nagsawa na kaagad siya?

"Kai naman! Harapin mo ako! Kausapin mo ako!" Kumabog ng mabilis ang puso ko nung lumingon na siya sa akin at hinarap ako. Huminga ako ng malalim at inihanda ang sarili ko, "Kai, may sasabihin ako.. Kai--"

Napatigil ako nang itaas niya ang kamay niya at nagsalita, "Janey, busy ako. Next time nalang." sabi niya at tsaka mabilis na lumakad palayo. Para akong binuhusan ng ng mainit na tubig. Parang bigla akong nanghina sa init nito at nangatog ang mga tuhod ko at napaupo nalang.

Bakit parang.. hindi kami sinasangayunan ng tadhana?

Bakit ganun palagi? Kung kelang ready ka na.. tsaka nagkakagulo ang lahat? Parang ganito yung kapag kasama mo ang mga magulang mo sa pamimili ng damit, yung tipong may ipabibili ka pero ayaw niya pero lilipas ang ilang minuto at  siya naman ang pipilit sa'yong bilhin mo na yung gusto mo pero ikaw naman ngayon ang humihindi. Ganun ang nangyayari sa amin. Handa na ako..pero parang siya naman ngayon ang hindi na.

**

Pagkabalik sa kumpanya ay nadatnan ko silang lahat sa lobby. Seryoso ang mga mukha nila at tila hinihintay lang na magsalita ang nasa unahan--si Kai. Dirediretso lang ako sa paglalakad at pinilit ang sarili kong hindi makisali sa usapan nila pero hindi ko napigilang hindi mapatigil nang marinig ko ang boses niya.

"I've made up my mind." nagtagpo ang mga tingin namin kaya napaiwas kaagad ako at lalakad na sana pero nagulat ako nang magsalita bigla si Sehun.

"Alam naming may iba pang rason, Kai." tumayo itong si sehun at lumapit sa akin.

"LEAVE HER ALONE." napatayo si Kai at matigas na sinabi ito.

Ngunit tila nalagot ng hininga ang lahat nang dumating si Mina, "WHO will leave alone WHO?" dinig na dinig ang tunog ng mataas na takong nito habang papalapit kay Kai. Ngumiti pa ito at saka tumingin sa akin at kay Luhan.

"Luhan, hindi ba dapat nandoon ka sa side na 'yun?" tinuro niya ako. Napakunot ang noo ko at nakita ang pagkunot din ng noo ni Luhan at ang panggigigil nito. Nakita ko ang pagbilog ng mga kamao niya.

"Walang kinalaman si Janey dito, so leave her alone. Mina, nagusap na tayo diba?" napatingin ako kay Luhan at ganun din si Kai. Pero lahat sila walang reaksyon at tahimik lang. Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng mga kamay ni Kai sa braso ko at hinila ako papalabas ng building. Pilit akong kumalas sa pagkakahawak niya at hinarap siya.

"Kai! Ano bang problema?" napangisi siya sa harap ko at lumapit sa akin.

"Ikaw!" sigaw niya na ikinagulat ko.

"Ikaw ang problema!" dagdag pa niya. Papaanong ako ang naging problema? Si Mina ang problema! Hindi ako! Kinunutan ko lang siya ng noo at hinintay na magsalita pa siya at magexplain kung papaanong ako ang naging problema dito.

"Eto ako sinusubukan na ang gusto mo pero anong ginagawa mo? Nandito ka na nagiging dahilan ng pagkakabaliwala ng lahat!" mas lalo pa akong naguluhan.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Where stories live. Discover now