Chapter 25

2.7K 119 15
                                    

Dedicated to haternim. Hi corny, salamat sa pagbabasa. hahaha

Vote

Comment 

Last chapter na 'to! Lantad na kayo! :D

Janey's POV

Isang amoy ng mainit na tsokolate ang unang napansin ko pagkagising ko. Nilibot ko ang tingin ko at tsaka napansing hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko alam ang nangyari kagabi.

"Janey!" bumukas ang pintuan at nagaalalang lumundag papunta sa akin si Baekhyun.

"Grabe! Tinakot mo ako kagabi, nakakainis ka!" nag make face pa ito sa akin at tsaka lumapit naman sa lamesa at inabutan ako ng isang tasa ng hot chocolate. Napatitig lamang muna ako sa inumin ko at nagisip. Para kasing may kulang. Parang may hindi ako maalala. Habang nagiisip ako ay tsaka nahagilap ng mata ko ang isang flier na naka-kalat sa lapag. Napatayo akong bigla na naging dahilan ng pagtapon ng hot chocolate sa akin, "Aray!" sigaw ko nang mapaso ang braso ko kung saan ito natapon.

"Sasaeng naman! Hindi ka pa nga okay, dadagdagan mo pa--" tinakpan ko ang bibig niya. "'Wag kang maingay! Hindi ako makaconcentrate!" sigaw ko at tsaka naalala ang lahat.

Si Kai.

"Nasaan si Kai?" pagtatanong ko. Una ay hindi siya umimik. "Baekhyun, please. Nasaan siya?" bago siya sumagot ay tumingin muna siya sa relo niya at tsaka ako tinignan. "In 20 minutes, mags-start na ang contract signing." nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kinuha ang bag ko at hinalungkat ang cellphone ko. Tinignan ko ang notes ko at nakita doon na 3pm ang start ng party na pinaghandaan ng mga taga-hanga niya. Tinignan ko ang oras, 5:40pm na. 6pm ang contract signing.

Napa-upo ako sa kama.

At napa-ubob nalang. I just lost the chance.

"Sasaeng!" hinila ako ni baekhyun patayo at nagtagpo ang mga tingin namin. "Anong ginagawa mo?" tanong niya. Napakunot ang noo ko, "H-huh? B-baekhyun.. its over." this time, siya naman ang kumunot ang noo at bumuntong hininga.

"20 minutes, Janey. You still have 20 minutes. Kahit na isang minuto pa 'yan, may maaggawa ka pa hindi pa tapos ang lahat. May oras pa." hinila niya ako papalabas ng kwarto at pinilit na tumakbo na.

"Janey! Dali na!" nakatitig lang ako sakanya, hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Hanggang ngayon ba maduduwag ka? Janey naman, walang magagawa ang pagkakatakot mo kung hindi mo susubukan. Walang mawawala kung susubukan mo pero kung hindi mo susubukan, dun.. dun may mawawala."

Huminga muna ako ng malalim at tsaka tumakbo't naghanap ng taxi. Habang nasa taxi ako at hinihintay na makarating sa venue, parang isang CD na nag rewind sa isipan ko ang mga nangyari sa amin ni Kai simula noong kinuha ni Jessie ang relo niya at napagkamalang ako ang Sasaeng fan niya. Noong walang araw na hindi siya hinihimatay at palaging saktong sa akin pa. Naalala ko rin 'yung mga pagsusungit at panlolokong ginawa niya sa akin noon. 'Yung mga nakaw na halik niya noon sa akin. 'Yung mga halik na nagdala sa akin sa langit at mga halik na nagdala sa akin sa dagat ng luha. Mga halik na nagpagulo sa utak ko, mga halik at yakap na naging dahilan ng pagiyak ko.

Mahal ko siya, mahal niya ako. Sana masaya na kami ngayon pero sabi nga nila, bago mo maangkin ang kasiyahan, minsan kailangan mo munang maghirap. Minsan kailangan munang may dumaloy na luha sa mga pisnge mo. Minsan kailangan, may masasaktan muna. That's how challenging life is. Hindi lahat ng gusto mo ay agad-agad mong makukuha. Kailangan... may paghihirap muna. Dahil kung gusto mo talaga ang bagay na 'to, magsisikap kang abutin at kunin ito. Hindi 'yung susuko ka agad. Dahil maaaring sa isang pagsuko mo ay marami ka na palang napapakawalan.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz