Chapter 14

3.3K 136 15
                                    

Nang matanggap ko ang message niya na naglalaman ng mga schedules nila, nagisip ako ulit. Itutuloy ko ba ito? Hinihintay niya kaya ako? Inaasahan niya kaya ang pagdating ko? Kumikirot ang dibdib ko kapag naalala ko yung relasyon nila ni Mina. Mahal na mahal niya si Mina at ang alam niya ay mahal rin siya nito. Ako ang nasasaktan para sakanya. Iniisip ko nga, mas okay na ang sitwasyon ko kung saan alam kong hindi ako mahal ng taong mahal ko kasi may mahal na siya kesa sa akala mo lang na mahal ka ng taong mahal mo. Mas okay ang mamulat sa katotohanan kahit masakit kesa sa mabulag at masaktan sa isang kasinungalingan.

Tumayo na ako sa kama at naligo. Napagdesisyunan kong kahit na sumilip man lang sa shooting nila ngayon. Nang sa gayon, baka sa pagsilip kong iyon ay makapag desisyon na talaga ako. Itutuloy ko ba ito o kalimutan nalang ang lahat?

Mag t-12 o'clock na ng tanghali nang makarating ako sa tapat ng kumpanya nila. Ang balita ko'y dito lang sila sa araw na ito. Nagulat nga ako nang makita kong andaming tao sa harap.

"Ah, excuse me,. Anong meron?" Kunwaring pagtatanong ko. Gusto ko kasing malaman kung parehas ba ang pinunta namin dito o iba.

"Its private. Kami lang ang nakaka-alam nito." Pagtataray ng isa sa mga babae. Nang makita naman ng mga kasamahan nila na kausap ako ay naglapitan sila at isa-isa akong tinignan mula ulo hanggang paa. Napa-atras ako ng maglapitan pa sila lalo at tila chinecheck talaga ako.

"She looks like she belongs with us." Sabi ng isa habang pinaglalaruan pa ang buhok ko.

"Are you EXO's fan too?" Pagtatanong ng isa. Tumango ako. Fan naman ako, diba?

May sasabihin at itatanong pa sana ang iba sakanila pero natigilan sila ng may isang sumigaw.

"EXOOOOOOO!" Kasabay ng pagsigaw nilang 'yon ay ang pagkaripas nila sabay sabay ng pagtakbo. Naiwan akong umiiwas sa bawat pagbangga nila at nakayuko. Nakakatakot pala maging isang fan. Buwis buhay ang kailangan.

"Yah, dalian mo pumasok ka na! Dont forget to take pictures of him ha? Dali" Pinagtulakan ng isang babae ang isa pang babae. Una ay ayaw pa nito pero pinagtulakan siya kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumasok. Nakita ko naman ang iba na humahanap ng tyempo na umalis ang mga guard at bouncers. Pero may isa akong napansin. May dala-dala siyang isang teddy bear. Bata lang siya at makikita mong takot na takot siya kaya nilapitan ko ito.

"H-hi. Ibibigay mo ba 'yan sakanila?" Tumingin sa akin yung bata at tumango.

"Y-yes. My mom asked me to. Sabi niya bigay ko daw kay Kai Oppa" Sa pagbanggit niya ng pangalang iyon ay nangatog ang tuhod ko. Bigla akong nanghina. Inabot sa akin ng bata ang teddy bear at saka tumakbo papasok ng building.

"Papasok rin naman pala siya, eh. Ano gagawin ko dito?" Tanong ko nalang sa sarili ko habang tinititigan ang teddy bear na hawak ko.

Natauhan nalang muli ako nang magsimula nanaman silang magtilian. Napatingin ako sa tinitignan at tinitilian nila at nakita kong isa-isang lumalabas ang EXO.

Unang lumabas ay si Suho, kasama sina Kyungsoo. Sumunod ang iba.. maliban kay Kai, Tao at Luhan. Tumalikod muna ako at nagisip muli. Haharapin ko ba siya? Pumikit ako ng matagal at yumuko, hinihiling na sana ay panaginip lang ang lahat. Sana hindi ko nalang siya nakilala, sana hindi nalang sila dumating sa buhay ko.

Dahil simula ng dumating siya, gumulo ang buhay ko.

Gumulo ang pagtibok ng puso ko.

Siguro iwan ko nalang ang teddy bear dito? Tapos next time ko nalang siya kikitain? Ay, i mean sisilipin? Hindi ko alam ano ba ang tamang term? Hindi naman kasi kami magkikita, hindi rin naman kami maguusap, titignan ko lang naman siya? HINDI KO ALAM.

I'm Not Your Sasaeng Fan (Kaistal)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon